TITD16

82 4 1
                                    

ANG PINAKAHIHINTAY kong araw ay sumapit na. Today is June 30 and I will make this day memorable for him. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para makita ang pagngiti niya. Mabuti na lang ay pumayag si Tita Estella pati si Tito Justin na dito ko ganapin ang birthday ni Chrysler. Kilala naman nila tito dahil best friend siya ng ni Kuya Pele at ang kondisyon ay linisin namin ang aming kalat pagkatapos ng celebration. Kinutyaba ko ang tatlo at laking tuwa ko nang pumayag sila maliban sa isa na panay ang paglabas ng mga salita sa kaniyang bibig habang pinapalobo ang silver balloon habang si Jazz ay ay pokus sa pagpapalobo sa letter balloons. Si Cathaleya naman ay ibinibigay sa akin ang mga lobo para itali ko at ilagay sa aking gilid.

“Huwag mo ng i-surprise. Magbre-break din naman kayo, susupresahin mo pa. Sayang effort!” reklamo ni Genesis habang itinatali ang lobo.

Nakaupo siya sa single sofa habang naka-indian sit kaming tatlo sa sahig. Tumama sa pisngi ko ang inihagis niyang lobo. Tiningnan ko lang siya nang blangko.

“Maipapakita mo kung gaano mo kamahal ang boyfriend mo kapag sinurpresa mo siya,” paliwanag ko sa kaniya nang maintindihan niya kung bakit ko ginagawa ito.

Umikot ang mata nito at padabog na kumuha pa ng panibagong lobo sa kaniyang tabi. “Surpresa, surpresa, mamatay rin naman.”

“Umalis ka na lang Genesis kung ayaw mong tulungan si Drish,” pambabarang sabat ni Jazz.

Tiningnan ko ang ekspresyon niyang nabuburyo na sa kadadaldal ni Genesis magmula noong dumating siya kanina pang alas-tres y media nang hapon hanggang ngayong alas-quatro y media.

She flipped her hair while her eyebrows knitted, looking directly to Jazz. “Ikaw nakaisip kaya ikaw ang umalis. Dinadamay mo ako sa naiisip mo,” she scoffed.

Akala ko ay doon na matatapos ang lahat, pero palagi ko talagang nakalilimutang si Genesis nga pala ito. She inclined her towards me.

“Kung alam ko lang na magiging ganito ang future ko sa 'yo noong fetus pa lang ako girl, hindi na kita pipiliing maging kaibigan,” iiling-iling niyang sambit. Dismayado ang tono niya at sinabayan pa niya ng pagbuntonghininga.

Ipinapakita sa akin kung gaano niya kaayaw ang ginagawa niya ngayon at kung nahulaan lang talaga niya agad na mangyayari ito. Ngumiti lang ako sa kaniya at nilingon si Cathaleya nang sikuin niya ako.

“Sino pang nakaalam na susurpresahin mo siya?” tanong niya sa akin.

Kinuha ko ang inilahad niyang lobo at mahigpit kong itinali ito, ngunit napaigtad ako sa gulat nang pumutok ito. Nakangiwing nagtaas ako ng dalawang daliri sa kanila dahil nagulat din sila sa nangyari. Genesis rolled her eyes.

“Si Kuya Pele at kayo lang. Busy naman ang iba kaya hindi ko na sila ginulo pa,” sagot ko kay Cathaleya.

“Tapos kami ang guguluhin mo, girl?”

“Wala naman na kayong klase, 'di ba?” tanong ko sa kanila nang mag-angat ako ng tingin.

Naabutan ko si Cathaleya at Jazz kanina sa cafeteria na magkasama habang nadaanan ko namang nag-iingay sa classroom nila si Genesis, nakikipagsabayan sa ingay ng mga kaklase niya.

“P.E. class ko ngayon,” sagot ni Cathaleya.

Tumango ako at nahihiyang ginawaran siya ng ngiti. Hindi ko alam na may klase pa siya sa oras n'on dahil kung makipag-usap siya kay Jazz kanina ay parang wala na itong gagawin, pero hindi naman siya tumanggi at mukhang okay lang sa kaniyang lumiban sa P.E. class.

“Sayang attendance ko sa Filipino subject ko,” nakangusong sambit ni Genesis nang balingan ko siya ng tingin.

“Hindi ba minor subject lang iyon?” kunot-noong tanong.

Today is the DayWhere stories live. Discover now