TITD31

102 6 1
                                    

“Congratulations, anak at Jazz.”

Nakahinga ako nang maluwag sa masayang pagsagot ni papa matapos ang katahimikang bumalot sa amin. Tiningnan ko si mama nang mapansin kong matipid lang siyang nakangiti at naghihintay ako ng sagot niya, pero wala.

“Hindi kayo galit?” nagtataka kong tanong, pero ang tingin ko ay na kay mama. Ano kaya ang iniisip niya?

“Hindi kami magagalit. Hindi namin kayo hahadlangan sa pag-ibig ninyo at kung may problema kayong dalawa, pag-usapan ninyo agad at andito lang kami para sa inyo kapag kailangan ninyo ng payo,” nakangiting sabi pa ni papa.

Kumunot ang noo ko kay mama dahil parang may gustong siyang sabihin. Nakangiti lang siya bilang reaksyon, pero may iba pang kahulugan ang ngiti niya. Tila tumututol siya sa relasyon namin. Ayaw ko sanang bigyan ng ibang kahulugan, ngunit ganoon ang sinasabi ng isip ko.

“Hindi ko inaasahan na magiging kayo.”

Nilingon ni papa si mama nang magsalita siya at maging ako ay tumingin sa kaniya.

“Hindi mo inaasahan, bae? Matagal ko ng alam na magkakaroon ng sila.”

“Ang lakas naman ng kutob ni tito,” nakangiting sabat ni Jazz na may inaabot sa mesa nang balingan ko ng tingin.

“Ma, bakit parang hindi yata kayo pumapayag sa relasyon naming dalawa?”

Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. Kinakabahan ako kay mama. Sana ay hindi siya tutol sa relasyon namin ni Jazz.

“Hindi ka ba masaya para sa anak natin, bae?”

Bumuntonghininga si mama saka nag-angat ng tingin. Tiningnan niya ako bago ilipat ang tingin kay papa. “Bae, boto ako sa kanila pero natatakot lang akong umabot sa puntong magkasakitan sila at mawala ang matagal nilang pinagsamahan.”

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig ko kay mama. Akala ko naman magiging tutol na, pero nag-aalala lang siya sa magiging kahihinatnan naming dalawa.

Hindi sumagi sa isip ko 'yon at sa tingin ko naman ay hindi iyon mangyayari dahil kay Jazz ko lang ibubuhos ang buong atensyon ko. Gusto kong mahalin siya nang buo.

Hinagod ni Brix ang likod ni mama 'tsaka niya ipinatong ang kaniyang baba sa balikat ni mama. “Don't overthink, ma. Hindi naman siguro sasaktan ni kuya si ate, at hindi naman sasagutin ni ate si kuya kung ayaw niya. Let's trust them.”

Tumango ako at umakbay sa akin si papa pagkatapos niya ring tumango sa sinabi ng kapatid ko. “Brix is right, bae. Let's be happy for them and hope that their relationship will lasts.”

Mama smiled genuinely. Iyong ngiting wala na akong nakikitang kakaiba. Tinapunan ko si Jazz na pinapanood kami. Nakangiti rin siya nang malawak habang sinasabayan niya ng pagtango.

“Tristan, anak, countdown na!”

Nagsilingunan kami sa boses ni Lolo Jay na nanggaling sa sala. Tumayo si mama at si papa, nagkatinginan naman kaming dalawa ni Brix.

“Mga apo, anak, countdown na!” sigaw ni lola, pinapaalalahanan kami.

Pagkalingon ko sa hagdan ay wala na sila mama, nakababa na. Sumunod kaming dalawa ni Brix sa baba. Tinampal ko ang braso niya saka ko itinuro ang pinto ng kuwarto ko. Kinunutan lang niya ako ng noo.

“Brix, nasaan iyong monopod?”

Kinamot niya ang buhok niya at nagmamadaling umakyat. Hinarap ko si Jazz na nakatitig lang sa akin habang nakangiting nakaupo roon. Umawang ang bibig ko para sana magsalita ngunit dumako ang tingin ko sa pintuang bumukas sa likod niya.

Today is the DayWhere stories live. Discover now