TITD20

86 5 0
                                    

NAKATULALA AKONG nakatitig sa lamp shade na nagsisilbing ilaw ko sa kuwarto. Inihatid ako ni Jazz matapos kong umiyak nang umiyak. He didn't initiate a talk or even interrogate me for answers because he let me cry until I get tired. Gusto pa nga niya akong bilihan ng shanghai, pero wala ng mabibilhan dahil sarado na ang lahat ng tindahan at wala namang shanghai sa convenience store.

Ten thirty na ako nakauwi ng bahay at mabuti na lang hindi ako nakita nila mama at papa dahil parehas silang pagod sa kanilang trabaho, hindi na nila ako nahintay pang umuwi. Samantalang naabutan ko naman kanina si Brix na nanonood ng korean drama sa sala at hinihintay pala niya akong umuwi.

Sinundan agad niya ako sa kuwarto ko at biglang humiga sa kama ko. Hindi na rin siya nag-abalang nagtanong dahil alam siguro niyang wala akong balak magkuwento kung ano ang nangyari o kung bakit pinagsakluban ng langit at lupa akong umuwi.

Ilang oras ang lumipas, hindi ko pinapansin kung ano'ng oras na. Basta kukurap lang ako, hindi inaalis ang tingin sa lamp shade sa ibabaw ng side table ko.

“Ate, matulog ka na.”

Nilingon ko siya. Nakahiga siya sa kama ko. Nakadilat pa pala siyang pinagmamasdan ako. Akala ko ay kanina pa siya nakaidlip pero hindi pa pala.

Ibinalik ko rin ang tingin sa kanina ko pa tinititigan. Nagbabasakaling maging si Chrysler bigla ang lampshade kahit napakaimposibleng mangyari.

“Hindi ako matutulog. Bumalik ka na sa kuwarto mo. Okay lang ako. . .” Saka ako ngumiti nang matipid habang wala sa kaniya ang tingin.

Naramdaman ko ang kamay niyang hinagod ang likod ko. “I'll sleep here. Kukunin ko lang iyong comforter sa guest room at ang unan ko,” paalam niya at lumabas sa kuwarto ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nagawi roon ang tingin ko. Dala-dala niya ang comforter at ang unan niya.

“Hindi ka magiging komportableng matulog dito, Brix. Doon ka na sa kuwarto mo,” mababa ang boses kong utos sa kaniya.

Hindi siya sumunod. Narinig ko siyang nagmartsa at biglang nakatayo na siya sa harap ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo. Tumapat ako sa mga mata niya, hindi ko man mabasa ang emosyong ipinapakita ng mata niya halata naman ang lungkot niya sa kaniyang ekspresyon.

Sabay kaming bumuntonghininga, pinutol niya ang pagtitigan namin at umupo siya sa aking tabi. Mahina niyang tinapik-tapik ang balikat ko, inaaya niyang magkuwento ako at hindi ko na nga napigilang ikuwento sa kaniya ang buong pangyayari. Umiyak ulit ako na hinahagod-hagod lang niya ang likod gaya ng ginawa kanina ni Jazz para patahanin ako.

Ipinusod niya ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tainga ko. “Kuya didn't mean to say what you'd heard. He's drunk and he doesn't know what he's doing,” mahinahon at siguradong-sigurado niyang sabi.

Humihikbi akong nakatitig lang sa kaniya. Umukit siya nang maliit na ngiti. “He loves you. He'll explain everything and if he will not. . . let me see him and give him a punch in his stomach.” Iniangat niya ang nakakuyom niyang kamao at itinikom nang mariin ang bibig, ipinapakita kung gaano siya nanggigigil.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang humihikbi. Para akong batang paslit na mahinahon akong kinakausap ni mama at papa. Kinukuha ang loob ko hanggang sa sundin ko ang sinasabi nila.

“So, you need to sleep for at least five hours. Don't make yourself suffer, ate. We both have a class tomorrow and I am sure that he will come here to see you tomorrow.”

Suminghap ako kasabay ng pagsinghot ko. “Paano kung hindi siya pupunta?”

Hindi pa rin siya tumitigil sa paghagod ng likod ko. “Paano kung sinadya niyang gawin iyon at nagpanggap na lasing talaga? Paano kung ayaw na talaga niya sa akin, ano ang gagawin ko? Paano kung hindi na siya magpapaliwanag? Paano kung—”

Today is the Dayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें