Ikadalawang Yugto

19 1 0
                                    

PAPUNTA NA AKONG parking nang harangin ako ni Klenth. Agad akong napairap dahil nakangiti siya nang malaki sa akin na parang hihingi nang pabor.

"Ano?" Pagsusungit ko agad namang mas lumaki ang ngiti niya. Parang tanga to.

"Uuwi ka na? Hindi obvious kaya tinatanong ko. Hehe." Tanga na to talaga di na yon parang.

"Oo." Anang ko at inirapan siya bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy teka, wait lang. May date ka ba? Atat to." Sambit niya at hinila ang braso ko papalapit sa kaniya. Tanginang puso to. Galit ka Sheena, galit. Rupok ko tae.

"Ay wala ka pa lang jowa." Pambabawi niya at binitawan ang braso ko bago humagalpak sa kakatawa. Binabawi ko na po. I'm hurt na.

"Fuck you. Ano bang kailangan mo?" Bago muling tinuloy ang paglalakad pa puntang kotse ko siya naman ay tamang sunod lang sa akin.

"Ikaw.." Napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kaniya, nakakunot ang noo. Papol amp.

"Ulol mo." Pero ginusto den, Sheena.

"Ikaw nga! Pwede ka mamaya?" Agad akong naglakad papuntang kotse ko at huminto lang nang makarating na sa harap non.

"Anong meron mamaya?" Tanong ko habang nilalagay ang gamit ko sa shotgun seat.

"Gig nga namen. Kakasabi ko lang kanina eh."

"Oh eh, ba't mo sinasabi ulet?" Pagbabalik ko at pumasok na sa kotse ko. Bukas naman ang bintana ko kaya di pa ko bastos sa kausap.

"Kinakalimutan mo kasi lagi!" Napairap ako nang dahil doon. Nagsalita ang nangangalimot nang sadya.

"Anong oras ba?" Sabado kasi bukas kaya ang lakas mag-aya nito.

"Mga ten o'clock."

"Hanggang?" Mahirap na baka abutin nang alas sais ng umaga. De charot lang.

"Twelve or one ganun, pwede?" Napairap na lang akong muli bago tumango tango.

Iisa akong anak at sa edad na disi-otso nilipat ako sa sarili kong apartment at namuhay mag-isa. Ang parents ko kasi laging out of the country dahil may business sila doon. Kaya humiwalay na lang ako. Mabuti nang nag-iisa kesa naman yung iniiwanan ka.

"Sunduin kita? Sa Red tayo." Tanong niya.

"Wag na."

"Edi ako na lang sunduin mo." Pagkasabi niya non ay agad siyang ngumiti nang malaki at nagpuppy eyes. Tangina.

"Napaka ano mo talaga kahit kailan." He chuckled cutely but still in a manly way. Ayan sige magpapol ka pa.

"Sige na, please. Papakilala ko sayo girlfriend ko." Natigilan ako don. Tangina may bago ulet. Napalunok ako bago nagpilit nang tawa.

"Na naman?" Tamang tawa ngayon. Iyak mamaya.

"Anong na naman? First girlfriend ko yon." Napairap ako roon para na rin pigilan ang nagbabadyang luha.

"Anong pangalan?" Tanong ko.

"Angel!" Mas lalong kumirot ang puso ko nang makita kung paano kumislap ang mata niya roon. Bakit parang may feeling akong seseryosohin niya ang Angel na yon?

"Sure na ba yan?" Hindi, please wag.

"Oo seryoso na ko dito. Promise." Agad kong pinindot ang button para umangat ang tinted kong salamin dahil hindi ko na kinaya.

"Oy! Tangina, siraulo ka friend." Sambit niya sabay katok sa salamin ko. Agad kong inayos ang boses ko.

"Sunduin kita mamaya sa inyo, ba-bye na." Sambit ko bago pinaandar na ang aking sasakyan.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now