Ikatatlumput-Dalawang Yugto

7 0 0
                                    

MATAPOS ANG WALANG katapusang kadramahang itinuro ni Samantha sa aking anak ay napa-uwi ko na rin siya. Dyosko aakalain mong nasa telenobela ang dalawa dahil sa mga kaartehan nila.

"Mom, 'dun lang ako kila Tita Sam." Ungot ni Kliera sa akin. Akala siguro ay totohanin ko yon.

Nagdadrive na ako ngayon papunta sa bahay. Hindi na ako nagluluto ng dinner kapag overtime ako ay nagpapasayo na ako kay Sam na pakainin si Kliera habang ako ay sa isang canteen na lang bibili ng gabihan.

"Wag na, nag-text na 'ko kay Tita Christina mo." Pang-aasar ko. Agad bumusangot ang kaniyang mukha tila maiiyak na dahil sa desisyon ko.

"Mom?! Ayoko doon kay Tita Christina." Agad akong napasulyap kay Kliera dahil sa sinabi niya. Napaka-OA.

"Anak, masama 'yang sinasabi mo. Bakit ayaw mo kay Tita Christina mo? Dati ipinagyayabang mo pa sa'kin yung mga drawing na tinuturo niya sayo."

"Mommy, please. Tita Christina has a job. Hindi niya 'ko mababantayan ng mabuti." Isa iyan sa dahilan kung bakit hindi si Christina ang ipinababantay ko kay Kliera dahil hindi niya pwedeng isama sa trabaho niya si Kliera. Lagi pa siyang wala sa gabi. At isa pa mahirap hagilapin ang babaeng yon. Laging busy.

Tsaka ewan ko rin dito sa anak ko kung bakit Tita ang tawag niya sa mga Ninang niya. Mas nasanay talaga siya sa Tita imbes na Ninang.

"May trabaho rin naman ang Tita Sam mo ah." Pang-aasar ko pa rin. Akala niya ba siya lang ang marunong umarte. Duh!

"Yeah, but Ate Zham is still there to play with me." Pagrarason niya pa. Maiingit na ba ako dahil sa pag-ayaw niyang mahiwalay kay Sam?

"Gusto mo ng kalaro, edi doon ka na lang kila Tita Klaire mo. Dalawa pa kalaro mo doon." Pagtutukoy ko sa dalawang anak ni Ate Klaire na sina Kleah at Kleo. Halos kaedad lang nila Kleah at Kleo si Zham. Medyo matanda lang sila ng konti rito.

"Eh mommy, please. Mag-aartista po kasi ako. Nihe-help lang ako ni Tita Sam." Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa gulat mula sa kaniyang sinabi.

"Mag-aartista ka?"

"Yes!" Mabibong ani niya.

"Eh, bakit 'di ko alam?",

"Ngayon ko lang po sinasabi eh." Napaismid ako sa aking anak. Kahit pa mukhang hindi niya sinasadya ay nagtunog pilosopo pa rin siya.

Natigilan ang pag-uusap namin dahil may tumatawag sa akin. Kinuha ko ang airpods ko bago sinuot at sinagot ang tawag. Si Kliera ay napanguso na lang at hindi na nagsalita.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Sheena."

Nangunot ang noo ko sa tono niya. Parang galit. "Ate Klaire, may problema ba?"

"Nagparamdam ba ulit sa inyo si Klenth?" Tanong niya sa akin. Agad 'ring nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero sinagot ko pa 'rin.

"Hindi pa naman po."

"Tangina niya. Umalis siya kasama ang pamilya ng mga Torres papuntang ibang bansa. Ang sabi ni Alliana wag na silang guluhin pa dahil magpapakasal na sila."

Pumait ang sistema ko ng dahil sa aking narinig. Napasulyap ako sa aking anak na inosenteng nagtitingin sa tanawin sa labas ng bintana. Itinuloy niyang magpakasal. Sana wag niya nang ituloy makipaghiwalay. Tama ang anak ko. Hindi kami napipili. Bakit hindi kami pinipili?

"Hello, Sheena? Are you still there?" Naibalik ko ang atensyon ko kay Ate Klaire na inis ang tono dahil sa pangyayari mula sa kabilang linya.

"Opo, Ate. S-si Mrs. Torres po ba ay nakausap niyo?"

Remember me (Il Fiore Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon