Ikatatlumput-Isang Yugto

10 1 0
                                    

ISANG BUONG LINGGO. Isang buong linggo kaming walang balita kay Klenth. Ni hindi siya umuwi sa bahay nila. Tinanong na din nila Tita Klaine kung nandoon ba siya kila Alliana pero hindi rin alam ng mga Torres kung na saan siya.

Hindi siya nagparamdam sa kahit sino sa amin. Walang text, walang tawag o kahit pagpapaalam niya lang sa kaniyang mga magulang. Bigla na lang siyang nawala na parang bula. Hindi na rin siya nagparamdam sa akin simula nung gabing iyon. Medyo hindi ko na nga na aalala ang mga pinagsasabi ko noon dahil na rin siguro sa kalasingan.

Pero ang sabi sa akin ni Kliera ay minsanan niyang nakikita si Klenth sa parking lot tuwing uwian nila. May isang beses pangang sinubukan daw siyang lapitan at kausapin ni Klenth pero agad siyang bumalik papasok ng classroom niya kaya hindi sila nagkausap. Nalate kasi si Sam ng sundo sa kaniya dahil may laro si Zham sa volleyball. Talagang sumama rin ang loob ni Kliera sa kaniyang ama kahit pa sabihin kong wag siyang magalit rito.

"Good morning, Engineer Leyas!" Bati ng isa sa mga Engineer rin dito. Kakalabas ko pa lang ng elevator at ito na agad ang bungad nila sa akin. Nakakataba ng puso.

"Good morning." Nakangiti bati pabalik sa kanila. Agad akong nilapitan ng sekretarya ko ng makita niya ako.

"Mam, may bago pong project." Agad niyang bungad sa akin.

"Anong project?" Tanong ko. Sinasabayan niya ang lakad ko papunta sa aking opisina.

"Bahay lang po." Anang niya habng chinecheck ang kaniyang tablet na dala.

"Sino ang Architect?" Inilagay ko ang bag ko sa aking lamesa bago ko tinanggal ang aking coat tsaka ako naupo.

Ibinigay niya sa akin ang aking kape. Itinawag ko na kasi sa kaniya ito kanina dahil nalate ako. "Si Architect De Guzman po."

"May blueprint na ba? Saang lugar daw?" Sinimsiman ko ang kape ko bago itinabi.

"Eto po yung blueprint. Nasa Baguio po yung site." Anang niya. Binuksan ko ang blueprint at nagtaka ako ng makitang parang nasisimulan na ito. May napili na din kasing kulay ng bahay.

"Nasimulan na?" Tanong ko. Unti unti naman siyang tumango sa akin.

"Maam, kay Engineer Diaz po kasi ito. Nasimulan niya na po pero biglang nagback out kaya po nailipat sa inyo."

"Bakit ngayon lang sinabi?" Takang tanong ko. Simple lang naman ang bahay. Second floor house with a garage and a pool. May balcony at may garden sa unahan. Simple lang talaga. Karaniwang bahay lang. Hindi malaki pero hindi rin maliit.

"Biglaan po kasi, Maam. May emergency daw po si Engineer Diaz." Napakamot na lang ako sa aking kilay bago napabuntong hininga.

"O siya hayaan mo na. Isend mo na lang sa akin yung address pupuntahan ko."

"Ok po. Nandoon daw po ngayon yung kliyente. Ay! Tsaka, Maam. May nagpapabigaw daw po sa inyo." Anang niya bago biglang tumakbo palabas ng opisina ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang rose. Puting rosas. Ang paborito ko.

Inilahad niya iyon sa lamesa ko. Takang kinuha ko yon at sinipat. Inamoy ko rin yon. Mabango siya amoy fresh. Pero saan galing to? Simpleng rosas lang talaga. Parang pwede pang mabuhay. Isang tangkay ng rosas.

Binalingan ko ang aking sekretarya. "Sino ang nagbigay?"

"Hindi ko po alam, Maam eh. Binigay lang po sa akin yan nung guard sa baba kanina." Nagkamot siya ng kaniyang ulo pagkatapos magpaliwanag.

Binalik ko ang tingin ko sa puting rosas. Walang tinik. Malinis na malinis talaga. "Tinanong mo ba yung guard kung kanino galing?"

"Eh, bata raw ho yung nagbigay. Tapos nung tinanong raw ni Kuyang guard yung bata sabi niya binigay daw nung lalake sa kaniya."

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now