Ikatatlumput-Tatlong Yugto

10 1 0
                                    

"TANGINA." MABILISANG pinatay ni Edward ang radio. Nagkatinginan kami at agad na natawa. Stop light kaya nahinto ang sasakyan.

"Ang galing tsumamba, walanghiya." Angil ni Edward. Napailing na lang ako hindi matanggal ang ngiti sa aking mga labi. Ganoon rin naman siya.

Nang mag-green light ay agad nang umariba ang sasakyan namin. Wala masyadong traffic kaya agad kaming nakarating sa site. Natuwa agad si Edward dahil nakikita ko na ang itsura ng bahay.

"Astig!" Manghang ani ni Edward ng makalabas kami ng sasakyan.

Sa labas ay kulang na lang ang gate at pinto ng bahay pati mga bintana wala pa. Sa loob ay wala pang mga tiles, kulay, at mga gamit syempre. Finifix pa ang pagsemento ng bawat kanto ng bahay, ang hagdan ang mga wire ay inikakabit na rin.

"Good morning, Engineer Leyas!" Bati sa akin ng mga tao ko roon ng makita ako. Binati ko sila pabalik.

Naging ganon lang mga oras na yon. Dumating ang Architect at sila ang nag-usap ni Edward tungkol sa mga tiles na ikakabit. Matapos nilang makapili ay agad inasikaso ko ito. Pinabili ko ang mga tiles pagkatapos ay iniwan ko muna sila roon para puntahan ang isa sa mga proyekto ko. Bahay lang rin. Ito naman ay mas patapos na, actually pwede na ngang tirahan eh. Inaayos na lang ang mga kagamitan. Patapos na ito, bukas ay pepwede na silang lumipat.

Matapos icheck ang mga site ay bumalik ako sa aking opisina para makibalita kay Len. Pumara na lang ako ng taxi. Sa likod ako sumakay at agad naman akong nakatanggap ng tawag kay Edward.

"Hello?" Anang ko. I heard him tsked. Parang namomroblema.

"Na saan ka ba? Bigla bigla kang nawawala." Agad naman akong natawa. Akala mo naman ang laki ng problema.

"Matatouch na ba ko't hinahanap mo ko?" Napalinga ako sa labas habang hindi mapigilan ang pagngiti.

"Tss, na saan ka ba?" I almost imagine him rolling his eyes.

"Pabalik na ko ng opisina."

Nailayo ko ang telepono ko sa tenga ko dahil sa biglang ingay ni Edward. "Ano?! Bakit? Iniwan mo ko dito?"

Napamura ako dahil sa sinabi niya. "Napaka-OA mo. Babalik din ako 'dyan. "

"Nag-taxi ka lang?" He said stating an obvious.

I rolled my eyes. "Obviously. Bakit ba hinahanap mo ko?"

"Engineer ka ng bahay ko malamang. Nalingat lang ako nawala ka na." Bahagya akong napanganga dahil sa tono niya. Akala mo naman ay jowa ko siya.

Napailing na lang ako. "Ewan sayo, Eduardo. Babalik din ako 'dyan tigilan mo na ang kakatahol mo."

"Bilisan mo, mamaya mali na ginagawa dito 'tas di ko alam." Pagmamadali niya sa akin.

Natawa ako at napakamot sa tulay ng aking ilong. "Ang sama mo kala manong. Akala ko ba tropa kayo?"

"Basta bumalik ka na lang, libre kita dinner. Magtaxi ka lang ah." Anang niya. Siguro para iisa na lang ang sasakyan.

Tumango tango ako kahit na hindi niya naman nakikita. "Yaman, sagot dinner."

"Tss, ako pa." Natawa ako sa kayabangan niya.

"Sige na ba-bye na." Ibinaba ko na ang telepono. Naramdaman ko na parang may nakasulyap sa akin kaya agad akong tumingin sa driver na nasa harapan.

Nangunot ang noo ko ng mahuli siyang nakatingin sa akin ngunit agad 'ding nag-iwas dahil nahuli ko. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang mukha. Bukod kasi sa naka-sumbrero siya ay madilim na rin.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now