Ikatatlumput-Limang Yugto

9 1 9
                                    

"THAT WAS A GREAT performance!" Malupitang pang-uuto ni Edward. Hindi kasi naming inasahan na puno si Kliera sa play. Nakasimangot tuloy siya dahil pinagtawanan siya ni Edward kanina. Nagsasalitang puno naman ang role niya hindi nga lang ganon karami ito.

"Kung maganda, ba't nitatawanan mo ko!" Inis na anang ni Kliera tila maiiyak na. Agad kong siniko si Edward halata mo pa rin kasi ang pagpipigil niya ng tawa.

Binuhat ko si Kliera at isinalampak kay Edward ang bag nito. Wala siyang nagawa kung hindi saluhin ito.

"You really did great, my love. Ingit lang yan si Ninong mo kasi hindi yan nakakasali ng play noong highschool kami." Agad na nagliwanag ang mukha ni Kliera at binalingan ng tingin ang Ninong niyang buhat ang bag ni Kliera. Agad niya itong dinilaan. Nang-aasar.

Agad na nanlaki ang mata ni Edward dahil sa ginawa ng aking anak. "Aba't-"

"Ok! Magse-celebrate daw tayo! Libre ulit ni Ninong! Say thank you, Ninong." Natatawang pagpuputol ko kay Edward.

Napanganga at natulala si Edward dahil sa sinabi ko. Wala kasi kaming usapang ganon. Agad rin namang nagliwanag ang mukha ni Kliera at nag-yehey pa. Samantalang tanging paghilot na lang sa sintido niya ang nagawa ni Edward.

Natatawa at masaya kaming pumasok sa sasakyan ni Kliera. Iniintay pumasok ang Ninong niyang mukhang binabalikan pa rin ang salitang tinuran ko. Nang makapasok na siya sa sasakyan ay parang ng aasar na lumakas ang tawa ng aking anak.

"Tsk, pasalamat ka puno ka sa play kung hindi, hindi ako maaawa sayo!" Nakasimangot na sita ni Edward pero mukhang walang pake ang aking anak hindi pa rin na tanggal ang ngiti sa mga labi nito.

"Tss, bakit ba ko napunta sa inyong mag-ina." Pabulong bulong na ani ni Edward pero naririnig ko naman kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang maramdaman niya ang tingin ko ay pilit na ngiti ang ibinalik niya sa akin. Siraulo to ah. Wala namang pumipilit sa kaniya.

Nang balingan ko si Kliera ay utomatikong napangiti ako dahil sa saya sa kaniyang mukha. It's so genuine I hope I could see this everyday, everytime. Simula ng mawala ang tiwala niya sa kaniyang ama ay bihira ko siyang nakitang ngumiti ng ganito. Yung umaabot hanggang sa mga mata niya.

Napakalaking epekto kay Kliera ang bagay na iyon. Lalo pa noong nalaman niya ang dahilan kung bakit hindi na nagpaparamdam ang magaling niyang ama. Hindi ko maiwasang mamangha at mag-aalala sa tuwing ipinapakita niyang ok lang siya. Na natututo siyang magtago ng emosyon sa harap ng ibang tao.

Pero gusto ko pa rin sa tuwing umiiyak siya sa akin. Lagi kong nararamdaman na ganon kalaki ang tiwala niya sa akin. Na sapat na sapat iyon upang ipakita ang kahinaan niya.

Mabilis kaming nakarating sa parehong restaurant na kinainan namin nung nakaraan. Magiliw na lumapit sa amin ang isang waiter.

"May I know your order. Mam, Sir?" Nakangiting anang ng waiter sa amin.

"Tatlong Osso Bucco alla Milanese, isang Ribollita, tatlong apple juice at isang Rainbow Cake." Matalimang isinulat ng waiter sa kaniyang papel ang order namin.

"May I know if this is correct, Sir. Three Osso Bucco alla Milanese, one Ribollita, three apple juice and one Rainbow Cake." Pag-uulit ng waiter para malaman kung may mali ba o wala. Shala ng apple juice. Parang Nestea lang rin naman yon.

"Yes." Actually hindi ko maiwasang mamangha kay Edward tuwing nagsasalita siya ng english. Ewan ko may kakaibang accent kasi siya na parang ang talas ng dila niya sa ingles. Yung parang doon siya lumaki sa ibang bansa at tsaka lang natuto ng lenggwaheng tagalog.

"What design do you want on your cake, Sir?" Ang tinatanong noong waiter ay iyong isusulat sa cake.

"Ahm ano ba?" Nag-iisip na anang ni Edward. Parang handang mang-asar.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now