Ikalabing-Limang Yugto

10 1 3
                                    

BAKASYON NA, KAKATAPOS lang nang Field trip kaya pahinga na kami ngayon hanggang sa magpasukan na ulit.

Narito ako sa company nila Klenth. Sinama niya ako para manood nang photoshoot nila para sa isang magazine. Medyo mas naging busy siya ngayon dahil nga bakasyon pero ayos na yon. Medyo nag-usap na kami tungkol roon. Tsaka bukas na kasi yung concert nila.

"Still fine here?" Napaangat ako ng tingin nang may humaplos sa buhok ko. Napangiti akong agad nang makitang si Klenth yon.

"Yep!" He caress my cheeks like he was erasing something.

"Mr. Francisco, tawag na po kayo ni sir." Malambing na sabi nung babae na na siyang nagpairap na lang sa akin. Magpo-photoshoot sila para sa concert nila.

"Punta na ko don, wag kang kakausap nang shokoy dito ah." I rolled my eyes at him and he just laughed at me.

Kasama nila sa photoshoot yung Kesha. Tsaka sa concert kasali rin siya bilang guest singer. Ilan beses akong tinanong ni Klenth kung ayos lang ba yon sa akin pero ano nga bang magagawa ko? Hindi ko naman magawang sabihing ayaw ko dahil pag-ganon ay matitigil ang concert.

Mayroon silang sofa doon yung Kesha ay nakaupo sa gitna nang sofa at naroon sa tabi niya si Klenth at sa kabila naman si Rael. Si Ten ay nasa likod at nakatayo. Si Arl ay ganon rin katulad ni Ten.

Napairap na lang ako nang humawak siya sa hita ni Klenth ngunit hindi kay Rael. Nang magtama ang paningin namin ay mayabang niya akong nginitian.

Akala niya naman magiging kaniya si Klenth sa simpleng paghawak niya.

NANG MATAPOS ANG photoshoot ay nagbihis na si Klenth bago lumapit sa akin.

"Tara na-"

"Hi, Klenthy." Hindi natuloy ni Klenth ang sasabihin niya nang may yumakap sa braso niya mula sa likod. Si Kesha.

Napa-iwas ako nang tingin ngunit nakita kong inalis ni Klenth ang kamay ni Kesha sa braso niya at lumapit sa akin para hapitin ang bewang ko.

"Tapos na ang shoot, Kesha." Malamig na anang ni Klenth.

"Yeah sure, o' right. You're the girlfriend right? My name is Kesha." Naglahad siya nang kamay na agad kong tinanggap.

"Sheena." She laughed at me before pulling her hand out of my hand. Ramdam ko ang haplos ni Klenth sa bewang ko.

"So, see you around?" Tumango ako at bago siya lumagpas sa amin ay hinawakan niya muna si Klenth at nagnakaw nang halik sa pisngi.

"Bye, Klenthy!"

"Love," tawag ni Klenth na siyang ikinalipat nang tingin ko sa kaniya. Marahas niyang pinunasan ang pisngi niyang hinalikan ni Kesha.

"Uwi na tayo." Aya ko. Malungkot niya akong binalingan nang tingin.

"We're not fighting right?" Malambing niyang anang at hinapit lalo ang bewang ko papalapit sa kaniya.

"Yes, uwi na tayo." He smiled and kiss my cheeks.

PAGKAHATID NIYA SA AKIN AY agad siyang umalis para magpahinga sa kanila.

"Hello?"

"Hmm, nasa bahay na ko."

"Sml?"

"Awit, natututo na." Natawa ako roon bago tulayang nahiga sa kama ko.

"Gawa mo?"

"Nakahiga lang, ikaw?" Anang ko at tumagilid nang higa. Buntong hininga niya ang unang sumagot sa akin.

"Why? Is there something wrong?" Alalang anang ko.

Remember me (Il Fiore Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz