Ikalabing-Dalawang Yugto

14 2 2
                                    

IT'S FRIDAY ALREADY. Ngayong araw na napagdesisyonan ni Klenth na samahan ako sa pagpili nang gown ko para sa engagement party nang Ate niya. Dapat talaga ay saturday pa ang kaso lang ay may magcocover sila nang kanta at may photoshoot.

Dahil kasi sa marami na silang fans at may album narin sila. Nagdesisyon na ang company nila na mag-concert. Next month siguro.

Nasa apartment lang ako ngayon kumakain nang orange na pinabili ko kay Klenth kahapon. Nanonood lang ako sa Netflix habang kausap si Klenth sa telepono.

"Che-check ko ba muna yung mga gown mo dyan o bibili na tayo agad o papagawa?" Kanina niya pa tinatanong yan parang sira.

"Pang-ilang tanong na yan?"

"Ewan, bibilangin ba? Ba't di mo sinabi sana binilang ko. Paramihan ba tayo?" Agad sumakit ang ulo ko nang dahil sa kagaguhan niya.

"Wag ka nang pumunta, letse ka." Rinig ko ang paghagalpak niya sa tawa.

"Joke lang, naglalambing lang eh. May gusto ka bang ipabili?" Malambing na anang niya na siyang ikinawala nang irita ko.

"May Jollibee ba dyan?" Tanong ko baka may nadadaanan siya.

"Oo, pa-drive thru na ko. Anong bibilhin?" Agad na anang niya.

"Ice cream, french fries, tsaka burger tas spaghetti na rin, baby please." Paglalambing ko na agad niyang tinawanan.

"Yan tayo eh. Pag may kailangan lang naglalambing." Natatawang pang-aasar niya.

"I'm not like that kaya." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Aym nawt leyk dawt keya. Tangina, bawat araw pa-conyo ka ng pa-conyo ah. Matatakot na ba ko para sayo, labs?"

"You're mean."

"Yes because we are 'mean't to be." He chuckled at her own rant. I laughed too. He's so corny ever since.

"Corny! Ang tagal naman.

"Labs, hindi naman ako yung nagtatrabaho sa loob nang Jollibee, ba't sa'kin ka nagagalit. Ba't parang kasalanan ko pa?" Napabuntong hininga na lang ako nang ginaya niya yung tono nung sikat na line doon sa 'Four sisters in a wedding'

Jusko. Ba't ko ba to sinagot. Agad ko siyang pinatayan nang tawag nang dahil sa kadramahan niya.

Agad ko rin naman siyang tumawag muli. Malakas niyang tawa ang narinig ko.

"Sir, eto na po yung order niyo." Rinig kong malambing na anang nang babae. I just rolled my eyes even though they can't see me.

"Salamat miss," natatawang anang ni Klenth mula sa kabilang linya. Rinig ko ang pagcrumple nang papel. Malamang yung bag yun nung inorder niya.

"Fuck you." Malutong na anang ko na mas ikinatawa niya.

"Come back again, sir." Alanganing pagpapaalam nung babae.

"Sige, salamat." Rinig ko na ang tunog nang makina. Mukhang umalis na siya sa Jollibee.

"Galit na galit, bebe. Isang 'rawr' nga dyan!" Pang-aasar niya.

"What? Where did you get that?" Patungkol ko ron sa roar something.

"Sa Jollibee?" Gulong sagot niya.

"What?" Naguluhan na rin ako roon.

"Sa Jollibee ko inorder yung pagkain mo. Diba sabi mo doon?"

"What?! I was preterning about the 'roar' you did." Malakas na tawa niya ang sumalubong sa akin.

"Haha, ulet nga labs. Isang 'rawr' pa dali."

"No! Pinagtitripan mo ko."

"Oy hindi ah, buksan mo pinto." Anang niya kahit halatang pinipigilan ang tawa.

Remember me (Il Fiore Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt