Ikatlong Yugto

16 1 1
                                    

MAAGA AKONG NAGISING para maligo. Sa loob nang dalawang araw pinugpog ako ng text ni Klenth saying that he's sorry. Nagtaka pa ko roon, kasi alam kong hindi aamin yung si Angel. Nalaman niya pala kay Keifer, nagsorry pa si Keifer dahil nasuntok niya raw si Klenth.

Nang matapos akong maligo ay agad akong nagluto at kumain bago nagbihis. I put lipgloss and a baby powder.

Nang matapos na ay kinuha ko na ang bag ko at pumunta nang elevator. Pagkabukas ng pinto nang elevator ay nanlaki ang mata ko nang makita si Keifer.

"Hey." Bati niya kaya naman nginitian ko siya bago pumasok na sa elevator. Akala ko ay lalabas siya ngunit hindi at nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makarating na sa parking lot.

"Ahm, I was about to pick you up." Pagsisimula niya.

"I don't remember having a conversation about you picking me up." Naguguluhang tanong ko.

"Yeah right, I was just hoping I could send you to your school, today." I saw him licked his lower lip before gulping.

"You know I have a car, right?" He gulped and then nodded like a kid.

I sighed before rolling my eyes and going inside his car. I saw him stiffened a bit.

"Aalis na ba tayo o hindi pa?" Iritang tanong ko. Tulala pa kasi.

Mukha namang natauhan siya sa angal ko at agad siyang gumalaw at pumasok na rin sa kotse niya para paandarin niya iyon.

Habang na sa biyahe ay ramdam kong pasulyap sulyap siya sa akin. Nang makarating kami sa parking nang school ay agad naman akong bumaba ngunit natigilan rin nang makita si Klenth. Napatingin siya sa kuya niyang bumaba rin pala. Napairap na lang ako at pinasalamatan si Keifer bago naglakad na at lagpasan sila.

"Sheena." Anang ni Klenth nang maabutan ako. Hinayaan ko siya at di pinansin.

"Sheng, sorry na." Napairap lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Natigilan lang siya nang tuluyan na kong makapasok nang room.

Nang mag-ring na ang bell ay agad akong tumayo at nilikom ang gamit ko para magtanghalian. Paglabas ko ay agad akong napairap nang makita siyang may hawak na dalawang paper bag habang malawak ang ngiti. Lalagpasan ko na sana siya ngunit hindi natuloy nang higitin niya ang siko ko.

"Binilhan na kita nang lunch! Tara sabay na tayo." Magiliw niyang ani. Walang emosyon ko siyang tinignan ngunit walang nagbago sa pagmumukha niya.

"Pwede ba, Klenth. Tigilan mo ko. Anong sasabihin nang girlfriend mo sa akin? Na totoo yung sinabi niya dahil narito ka imbis na nandoon sa kaniya?" Singhal ko. Ngumuso naman siya na parang bata bago sumagot.

"Hindi naman siya ganon." Mahinang sabi niya. Ah! Hindi niya pa nakakalimutan so girlfriend niya parin pala yon.

"Tigilan mo na lang ako, Klenth. Sabi mo seryoso ka na sa kaniya diba? Nakakahiya naman baka ako pa maging rason nang break up niyo." Anang ko bago pumunta ng canteen. Huminga ako nang malalim para mapigilan ang nagbabadyang luha.

Sa mga nagdaang araw ay lagi siyang ganon. Iniintay ako sa parking lot, aantayin ang lunch time ko, ang uwian hanggang sa iiwan ko siyang parking lot. I also rejected Keifer's offer about driving me to school. Patuloy ko silang iniwasang dalawa hanggang sa mag-text si Angel at nag-ayang makipag kita. Lol, parang tropa lang ah.

"I'll go straight to the point na." Anang niya bago sumipsip nang red wine. Ako naman ay walang paki-alam na kumakain lang nang spaghetti. Sarap pala dito. Dito na lang ako lagi magdinner pagtrip ko nang spaghetti. Haha.

"Klenth and I were having a lot of arguments since that day on the club." Tinignan ko siya nang matagal kaya naman mukhang nag-iintay siya nang response ko. Tumikhim lang siya nang magtuloy ako sa pagkain at walang sinabi.

Remember me (Il Fiore Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon