Ikatatlumput-Walong Yugto

8 0 0
                                    

HINDI NIYA AKO PAUUWIIN. Wala akong kaide-ideya kung na saan kami. Bukod sa alam kong nasa gitna kami ng malawak na karagatan. Wala akong nakikitang isla man lang o daungan. Talagang puro tubig lang kahit saan ka lumingon.

Narito ako sa kusina. Kumakain. Oo sa kusina na ako kumakain. Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha ang mga damit na gamit ko ngayon. Pati underwear, jusko. Talagang planado niya na ang lahat. Walanghiya.

Wala siya rito sa baba. Nasa taas na palapag siya. Naurong ang luha ko kanina dahil sa sinabi niya. How dare he! Pinutol niya ang linya ng telepono. Baka mamaya akalain ni Kliera pinatayan ko siya ng telepono. Gago talaga siya.

Binilisan ko ang pagtapos ng aking tanghalian. Ginataang tilapia ang ulam na niluto niya. Ang I can't help but to say that he improved in cooking. Nang matapos ay naghugas na ako ng pinagkainan. Hindi pa siya kumakain. Pagkatapos kasi ng sinabi niya ay dumilim na ang aura niya. Ayoko rin siyang kausapin.

Nang makapaghugas na ay bumalik na ako sa kwarto. Kumuha ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo. Napapikit na lamang ako ng dumampi ang lamig ng tubig sa aking balat. I didn't notice that my tears is falling. My Kliera. Ang akala niya nagbakasyon lang ako. She's patiently waiting. Kasalanan to ni Klenth. That manipulative beast! Ang kapal ng mukha niya. Anlakas ng loob niyang pagsinungalingan si Kliera matapos siyang tanggapin nitong muli.

"Fuck you!" I screamed. I locked the door so I don't care if he heard me.

Nang matapos maligo ay kinuha ko na ang tuwalya ko para makapagpunas. I dried my body and covered myself with a robe. I covered my wet hair with a towel.

Dumiretso ako sa cabinet rito at binuksan iyon para makakuha ng damit ngunit nanlaki ang mata ko ng makitang wala na pala akong damit. Ni underwear ay wala na. Fuck.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si Klenth. Halos maisarado ko ang pinto ng makitang naroroon siya sa kusina nakatalikod siya sa akin at sigurado akong kumakain siya.

Napalunok ako at nakagat ko ang aking ibabang labi. Nagdadalawang isip kung tatawagin ko ba siya. Naka roba lang ako! Wala akong suot na kahit ano! Nag-init ang pisngi ko at wala sa sarili kong sinampal ang pisngi ko. Causing a loud noise that made him turned his way to me.

Nanlaki ang mata ko at agad sinarado ang pinto. Inuntog ko ang noo ko sa pinto at napapikit minumura ang sarili dahil sa kahihiyang nagawa. I swear mukha akong tangang stalker doon na parang lihim pinagmamasdan ang crush niya. Shit!

Halos mapatalon ako ng kumatok siya sa pinto. "Sheena?"

"O-oh?" Halos murahin ko ang sarili ko dahil nangingig ang boses ko.

"Is there something wrong?" Bakit parang galit siya? Parang naistorbo siya sa mahalagang gawain niya ah! Hmp!

Kumunot ang noo ko ngunit agad ding nahiya dahil sa naalala kung anong kailangan ko. "W-wala na akong a-ano."

Kumatok muli siya. "Ano?"

"Damit!" Namumulang ani ko.

"What?!" Kumatok muli siya. "Let me in."

Kumunot ang noo ko. "B-bakit pa. Wala na nga akong damit!"

"Let me in, that's impossible." Kinatok ko siya ng malakas. Parang tanga to.

"Siraulo ka ba? Hindi naman tayo naglalaba! Tsaka ilan lang naman yung damit atsaka underwear dito!" Sumasakit ulo ko sa kaniya eh.

"Did you really check it? Let me in, i'll check it." Mas lalo ata akong nainis. Wala ba siyang tiwala. Ang kapal. Sarkastiko akong na tawa.

"Tangina ka talaga!" Galit kong hinampas ang pinto mabilisang binuksan yon. Bahagyang gulat ang mukha niya ng makita ang galit kong mukha. Dahan dahang bumaba ang mata niya sa aking suot na roba. Napalunok siya bago muling itinaas ang paningin sa aking mukha.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now