Ikatatlumput-Apat na Yugto

9 1 3
                                    

"DID YOU ENJOY THE FOOD, Reiliese?" Tanong ni Edward. Pinisil niya ang pisngi ni Kliera. Buhat niya si Kliera pabalik sa kotse niya ang lakad namin. Gabi na rin kasi.

Masiglang tumango tango si Kliera. "Yes, Nong! Sana po maulit bukas." Pang-aasar ni Kliera. Natawa siya ng makitang bumusangot si Edward.

"I'm just kidding!" Agad nabawi ni Kliera. Ngumuso si Edward at pinisil naman ang ilong ni Kliera.

"Ikaw, kanina mo pa ko trip ha." Bahagyang kiniliti ni Edward si Kliera na siyang nagpahigikhik sa aking anak.

I can't help but to smile at the sight. My daughter is smilling again genuinely. But I can't deny that a part of me wishes that it is Klenth that is holding my child right now. Napailing ako sa naisip at sumunod na lang sa kanila.

Pinatunog ni Edward ang sasakyan niya kaya agad na kaming pumasok sa loob. Inutusan kong magseatbelt si Kliera at nangmasiguro kong naikabit niya iyong maayos ay ikinabit ko na rin ang akin.

"Mommy! I'm performing tommorow. Don't forget about it!" Napatingin ako kay Kliera at agad kong naalala na may role play performance nga pala siya.

Agad siyang sumimangot ng makita ang gulat sa aking mukha. "Mommy! Don't forget about it!"

Bahagya akong ngumiti at tumango. "I'm sorry. Pupunta ako, baby."

"Ako, hindi ako pwedeng pumunta?" Sali ni Edward sa usapan. Nakita kong natuwa si Kliera roon. Hindi kasi makapupunta ang iba.

Si Sam ay may pasok ganon din sila Thed. Alam kasi nilang ako ang susundo kay Kliera kaya lang nakalimutan nila na performance pala nito ang dahilan kaya ako pupunta kaya ayon huli na puno na ang schedule nila.

"Pwede ka, Ninong?" Masiglang tanong ng aking anak. Kumapit pa siya sa upuan ni Edward para silipin ito.

"Oo naman." Natatawang sagot ni Edward kay Kliera.

"Don't you have work?" Tanong ko.

"Psh! Reiliese is more important than anything." Nakangising anang niya. Nakita ko ang lalong paglawak ng ngiti ng aking anak.

"I love you, Nong!" Natawa na lang si Edward at tumango tango na parang sigurado siyang alam niya na yon bago niya ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Mabilis lang kaming nakauwi sa apartment. Nakatulog muli si Kliera. Palagi naman. Buti at may katulong na ako ngayon. Nang makapagpark na siya ay bumaba na kaming dalawa. Kukunin ko na sana ang bag ni Kliera dahil buhat niya na si Kliera ngunit nabigla ako ng kinuha niya rin iyon.

"Ako na." Pagtuturo ko roon sa bag ni Kliera. Mahigpit siyang umiling bago kunot noong naglakad na papuntang elevator. Agad ko siyang sinundan.

"Hihilahin ko na lang. Amin na." Anang ko para hayaan niya ako.

"Wag na. Pindutin mo na lang yung elevator." Umismid ako at agad na pinindot ang elevator. Mukhang nasa mababang floor lang ang elevator dahil mabilis lang itong nagbukas para sa amin. Sumakay na kami. Binaba niya muna ang bag bago niya pinindot ang floor namin.

"Sigurado kang wala kang trabaho bukas?" Hindi ko pagbibitiw sa topic. Hindi lang ako sanay na inuuna kami. Na mas importante kami.

Mayabang siyang sumulyap sa akin bago napangisi. "Oo, ako ang may-ari ako ang may desisyon."

Napaismid ako ng dahil sa kakapalan ng mukha niya "Wag mo kaming sisihin pag nalugi ka ah."

"Ang OA mo po! Isang araw lang naman. Tsaka hindi ko naman papangakuan si Kliera kung hindi ako pupunta." Nakakunot noong ani niya.

"Bahala ka." Iling ko.

Kukuhanin ko pa sana ang bag ni Kliera na ibinaba niya pero mabilis niya iyong binuhat. Sinabi buksan ko na ang pinto kaya wala na akong nagawa kundi ang buksan nga ito.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now