Ikaapat na Yugot

14 1 2
                                    

NAGISING AKO NANG DAHIL sa liwanag. Nang maging maayos ang tingin ko sa paligid ay agad akong napahawak sa aking ulo. Ah shit! Ansakit. Dumaing pa ko ngunit natigilan nang may naalala ako kagabi.

"Shit, no. I didn't do that right?" Pag-aalo ko sa aking sarili at tinignan ang buong paligid. Ang damit ko naman ay ganon parin wala na nga lang akong jacket at boots na suot, wala na rin akong make-up.

"Yeah, right I wouldn't do that." Anang ko at ngumiti sa sarili. Agad akong nagpunta sa banyo para mag-ayos at magbihis na para makapaghanda na nang makakain.

"Ay butiki." Sigaw ko nang makita si Klenth na nagluluto.

"Saan?" He teased and then chuckled. Agad akong napapikit at muling tumakbo pabalik sa kwarto ko. Shit nangyare nga!

"Oy, sheng. Papasok ako ah." Anang niya at gusto ko na lang iuntog ang sarili ko nang maalalang hindi ko nilock yon.

"Wag! Ano, magulo dito." Palusot ko ngunit mukhang hindi siya naniwala dahil agad niyang binuksan ang pinto at naupo sa tabi ko.

"Alam kong makalat. Dito kaya ako natulog." Nangunot ang noo ko rin. Pokpok ka talaga, Sheena. Anong ginagawa mo sa buhay mo?

Bahagya akong umatras at iniwasan siya. "Manonood pala ako nang TV, oo tama."

Aalis na sana ako ngunit natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. "Klenth."

"Alam kong naalala mo yung nangyari kagabi. Wag mo rin sana akong iwasan ulet." Anang niya at hinila ako papaupong muli.

Agad akong pilit na ngumiti at nagkamot nang ulo.

"A-anong bang nangyari kagabi? Nasa bar lang naman ako. Anong ginagawa mo dito?" Kita ko ang pagbabago nang itsura niya na mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Wala ka talagang naaalala?" Tanong niya kaya agad naman akong kunwari naguguluhang umiling iling.

"Wala, bakit may nangyari ba? Nagwala ba ko sa bar?" Nako Sheena, pwede ka na mag-artista. Naguguluhan din siya ngunit hindi nagsalita.

"K-kung ano mang nangyari o sinabi ko kagabi, kalimutan mo na yon. Lasing lang ako no." Sabi ko at nag-iwas nang tingin.

"Sigurado ka ba?" Malungkot at bigong tanong niya.

"Oo, pero teka ano nga bang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Feeling ko ay hindi siya naniwala sa sinabi ko ngunit pinilit na lang dahil naguguluhan din siya.

"Hinatid kita dito kagabi." Malamig na ani niya.

"Si Sam? Ba't nandoon ka sa bar? Yung girlfriend mo?" Tanong ko.

"Alam ni Sam na hinatid kita. Kung hindi mo talaga naaalala sinabi ko na sayo nakipagbreak na ko sa kaniya." Sambit niya bago tumayo at umalis nang kwarto ko.

Agad ko siyang sinundan at naupo rin sa sofa kong inuupuan niya. "Bakit ka nakipagbreak?"

Bahagya akong napaatras nang napatingin siya sa akin.

"Wala ka ba talagang naaalala?" Tanong niya. Napalunok ako at natawa bago ay nag-iwas nang tingin.

"Oo nga, ang kulit mo."

"Pati yung sinabi mo sa likod nang sasakyan ko hindi mo naaalala?" Shit! Napalakas ba pagkakasabi ko non?

"Ang alin?"

"Hayaan na kitang mag-move on?" Tanong niya kaya agad akong natawa para bahagyang mawala ang kaba.

"Hindi ko alam sinasabi mo."

"Hindi ka lasing non, sheng. Wag mo kong gaguhin." Agad nawala ang ngiti ko nang dahil doon. Tangina, diba dapat kinakabahan ako? Bakit ang hot niya lalo tignan. Shete ka Sheena.

Remember me (Il Fiore Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon