Ikatatlumpung Yugto

12 1 0
                                    

"MOM, CAN WE GO HOME NOW?" Mahinang anang ni Kliera habang nasa CR pa rin kami, kakatigil niya lang sa pag-iyak. Umalis si Sam saglit dahil nagpasuyo ako ng tubig.

Nakaupo pa rin si Kliera sa nakasarang bowl na ito habang nasa harapan niya naman ako. Yakap niya ang kaniyang sarili habang rinig kong hinahabol niya ang kaniyang hininga dahil sa pag-iyak. Mabuti nga at pumayag siyang magbihis na kami. Ayaw niya na rin kasing suotin yung T-shirt. Kaya nagpalit kami kanina kahit naiyak pa rin siya.

"Sheng, eto na yung tubig. Pwede bang labas na kayo dyan? Ang awkward uminom ng tubig sa loob ng CR. Don't worry naka-usap ko na yung Teacher ni Kliera." Rinig ko ang sabi ni Sam mula sa labas.

Agad namang umalis tumayo si Kliera at dahan dahang naglakad pa labas. Napabuntong hininga na lang ako at sinundan siya.

Umupo kami doon sa may duyan nang playground ng school nila Kliera. "Anong sabi ng Teacher?"

"Tinanong niya lang kung ok lang ba si Kliera. Tapos na sa sainyo na man daw kung magpeperform kayo o hindi. No hassle daw." Pampalubag loob na ani ni Sam habang hinahaplos ang buhok ng anak kong umiinom na ng tubig ngayon.

"Kung uuwi na kayo, ako na lang ang bahalang magsabi sa Teacher ni Kliera. Ako ng bahala." Maingat kaming nginitian ni Sam. Napatingin kami ng tumayo si kliera pumunta siya sa may merry-go-round at doon naupo. Sam and I both sighed.

"Pasensya ka na. Lahat na lang ng problema ko nadadawit ka." Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Never akong binigyan ng problema ni Sam. Palaging ako ang perwisyo.

"Ano ka ba naman! Ngayon ka pa nahiya sa'kin? Ang dami na nating pinagdaanan, Sheng. Talagang magtutulungan tayo no."

"Tulungan? Hindi mo nga sinasabi mga problema mo sakin." Angal ko. Natawa siya sa sinabi ko.

"Syempre. May problema ka na nga tas dadagdagan ko pa." Inismiran ko siya at inirapan.

"Yan ang nararamdaman ko."

"Ewan sayo, Sheena. Sasabihin ko sayo ang problema ko kapag hindi ko na kayang kimkimin. Kaya ko pa naman kaya wala akong sinasabi sayo." Anang niya at nag-iwas ng tingin sa akin at ibinigay na lang ito kay Kliera.

"Ulol mo. Ni break up niyo nga ni Thed dati hindi ko alam." Pag-sasapunto ko. Binalikan niya ako ng atensyon at pabirong sinampal.

"Arte neto. Nalaman mo naman ah!" Natatawang ani niya.

"Oo kasi aalis ka na. Kung di ka pa namin pinuntahan malamang aalis ka pa ng walang paalam man lang." Inis kong sabi at muli siyang inirapan.

"Tss, tama na nga. Bakit napunta dito yung topic. Ok na ko, ok? Asawa ko na siya at may anak na kami. So shut up ka na." Naghairflip pa siya. Parang tanga.

"Ewan."

"Nag-aalala ako kay Kliera." I sighed because of what she said.

"Anong plano mo na niyan." Tanong ni Sam at bahagyang nag-sway sa duyan niya.

"Lalayo na kami sa gulo." Suwesyon ko.

"Hmm, ginawa ko din yan. Pero ang ending hinarap ko pa rin yung gulong iniiwasan ko. Kaya ang payo ko sayo. Hanggat maaga tapusin mo na. Para walang umaasa at wala ng masaktan." Tumango ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita.

"Siya, umalis na kayo. Iuwi mo na si Kliera. Pagod na yan." Pambabasag ni Sam sa katahimikan bago siya tumayo.

"Ikaw na bahala, Sam. Thank you." Masayang anang ko at tumayo na rin.

"May bayad to, ulol." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya at napunta iyon sa kaniya.

"Wala akong pera, tang." Binatukan ko siya.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now