Ikadalawamput-Isang Yugto

23 2 1
                                    

"MAGIGING OKAY KA NAMAN dito diba?" Nag-aalalang anang ni Klenth na rito kami sa airport para ihatid na siya. Kasama ko sila Ate Klaire.

I nodded and hug him. "Ingat ka doon ha. No monkey business!"

Tumango tango lang siya sa paalala ko at hinalikan ang noo ko bago ako ginantihan rin nang yakap. Sa Australia sila magcoconcert ngayon. Sa Europe muna sila magsisimula.

Hindi na rin kami nakapagsalita dahil tinawag na sila. Agad niya akong hinalikan na siyang ikinapula ko. "I love you."

"I love you. Intayin ko text mo ah!" Paalala ko at tinanguan niya naman ako bago na siya dumiretso papasok. Kinukuyog pa sila nang fans kanina dito lang kami pinapasok sa wala masyadong tao.

Pagkatapos mahatid si Klenth ay umuwi na kami. Hinatid nila ako sa apartment ko. It's already three o'clock pm. Tanghali pa lang naman kaya nagdrive na lang ako sa hospital para magpacheck-up.

Agad akong napatakip sa aking ilong nang mabahuan sa amoy ng hospital. Nag-CR ako agad ng maramdamang maduduwal na naman. Naghugas ako at nagpunas bago lumabas nang banyo ng hospital.

Pumila na lang muna ako at naghintay hanggang sa time ko na para i-check up. Medyo konti lang yung taong nagpapacheck-up siguro dahil tanghali na at mainit na den. Madaming test at tanong ang ibinato sa akin hanggang sa umalis na ang doctor para tignan ang results ko. Naghintay ako para sa results noon.

Bumalik ang doctor ng nakangiti sa akin. Bahagya akong naguluhan dahil doon. Mukhang masaya siya.

"Base on your test results your very healthy, Engineer. Especially your baby." Masaya akong napatango doon. Ngunit agad ding natigilan ng parang may makaligtaan.

"Ho? Ano hong sabi niyo?" Pagpapaulit ko.

"Your 7 weeks pregnant, Engineer. Congratulations!" Pagbabati niya sa akin. Ipinakita niya pa sa akin ang ultrasound copy. Nag-ultrasound kami kanina kasi palagi nga akong nagsusuka. Hindi ko inaasahang may bata na pala sa loob. Oh god. Right we did it two times again without protection because he promised he would withdraw.

"Tissue?" Anang niya at inilapit sa akin ang box nang tissue hindi ko na malayang umiiyak na pala ako. Hindi ko pa matatawagan si Klenth pero excited na akong sabihin sa kaniya ang tungkol dito. Hinamas ko ang tyan kong ganon pa rin ang laki. Oh god. There's a baby inside! My baby!

Umuwi akong masaya. Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan sila Mommy. Video call.

"Hi, Mom!" Anang ko sabay kaway sa kaniya. Wala si Dad sa camera pero alam kong nandiyan siya. Mommy smiled and wave back to the camera.

"How are you, baby?" Masayang ulat niya sa akin.

"I'm good I have something to tell you!" Kumunot ang noo ni Mommy nang makita ang saya sa mukha ko.

"What is it?"

"Tawagin mo muna si Dad, Mommy." Gusto kong malaman nilang dalawa at gusto kong makita ang reaksyon nila.

"All right?" Naguguluhan man ay tinawag pa rin ni Mommy si Daddy.

"What's happening?" Tanong ni Dad.

"Mom, Dad. I had a check up earlier and.."

"And?" Si Dad.

"Bakit nagpacheck-up, baby? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Mom.

"No mom. I had a check-up because i'm positive!" Masayang ulat ko.

"Positive saan?" Tanong muli ni Mommy. Parang nakukuha niya ngunit gusto lang makasigurado.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now