Ikalabing-Anim na Yugto

10 1 1
                                    

NAGISING AKO NA TANGHALI dumiretso ako sa kusina para tignan kung anong pwedeng iluto. Nang makitang ubos na ang grocery ay agad akong nag-ayos para maggrocery.

Naglagay ako nang kaunting make-up para maitago ang pagiging puff nang mata ko dahil sa pag-iyak. Naka-white cropped top shirt at black sweat pants lang ako. Nagsuot ako nang cap para di na magpayong.

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan, telepono, at susi nang apartment ko bago binuksan ang pinto.

Isasara ko na sana yun nang biglang magtama ang paningin namin ni Klenth. Nakaupo siya sa gilid at parang kanina pa nag-aantay. Nang makita ako ay dali dali siyang tumayo. Naka-plain white t-shirt siya at black ripped jeans. May cap, mask at shades din. Napatingin ako sandali sa necklace namin na suot niya. Tinanggal ko ang akin. Tinago ko.

Hindi ko siya pinansin at sinara na ang pintuan bago naglakad papuntang elevator. Tahimik siyang nakasunod sa akin.

Nang bumukas ang elevator ay dali dali akong pumasok kaya pumasok din siya. Nasa malapit ako nang mga button habang nasa likod naman siya. I can see that his looking at me on our reflection.

I heard him sigh when I pressed the button.

"San ka pupunta?" Pambabasag niya sa katahimikan. Hindi ko siya sinagot at muling pinindot ang button.

"Sheena." Tawag niya ngunit laking pasasalamat ko nang bumukas na ang elevator. Dali dalu akong pumunta at sumakay sa kotse ko. What the fuck?

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at napabuntong hininga na lang ako nang makitang nakasunod ang sasakyan niya sa akin. Dudumugin siya sa mall. Tanga talaga.

Nang makapagpark na ay agad akong bumaba, nagtama ang paningin namin pagkababa ko. Mukhang nauna siya sa akin. Nag-iwas ako nang tingin at hindi na siya pinansin.

Naglakad ako papasok nang mall at nakasunod lang naman siya sa akin na parang tanga.

"Love, hintayin mo naman ako." Malambing na anang niya at marahang hinawakan ang kamay ko. Nabitawan niya din ito nang makita ang malamig kong tingin.

Hindi na ko nagsalita at naglakad na lang papuntang vegetable stall.

I picked some fresh vegetables and fruits. Also some meats.

Bumili pa ko ng ibang kailangan bago dumiretso sa bayaran. Iibigay ko na sana ang bayad ngunit agad na itong binayaran ni Klenth. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na lang sa paglalakad.

"Love.." Napahinto ako roon. Natulala.

Nasa parking na kami ngayon. Mabuti na lang walang masyadong tao. I gasped softly when I felt his touch on my shoulders.

He softly hugged me from behind and kissed my shoulder. I sighed heavily and gently shrugged him off my shoulder before pulling out of his hug.

"Love, please. Mag-usap tayo."

"Uuwi na ko." I heard him sighed and nooded.

"Sige, pero pwede ba tayong mag-usap?"

"Uuwi na ko, Klenth." Aalis na sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko.

"Love, aalis ako.." mahinang anang niya pero sapat na para marinig ko. Agad ko siyang nilingon roon. Malambing ang mga mata niya nang magtama ang paningin namin ngunit halata ang sakit roon.

"May.. Concert kami sa Bataan."

"Kailan ang alis mo?" Malamig kong anang.

"Dalawang araw mula ngayon." Nag-iwas ako nang tingin at yumuko naman siya.

Remember me (Il Fiore Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant