Ikadalawamput-Tatlong Yugto

16 1 0
                                    

TAHIMIK NA NATAPOS ANG umagahan bago nila pinapasok ang mga bata para makapag-usap kaming lahat dito. Madalas ko na ring nakita kanina na pinalalayo nung babae si Klenth kay Kliera na siyang hindi ko maintindihan.

"Sheena, ito si Mr. and Mrs. Torres ang kumupkop kay Klenth. Siya naman ang anak nila si Allianna Torres." Tinuro ni Toto Keene ang mga bisitang naririto habang ipinapakilala.

Bahagya akong tumayo para yumuko at magbigay galang hindi para sa babaeng parang tukong nakakuyapit ngayon sa braso ng taong dapat ay sa akin. Kundi para sa mga taong nag-alaga rito.

"Magandang umaga ho. Ako po si Sheena." Maikling bati ko ngunit may paggalang. Ngumiti naman sila sa akin dahil doon. Nahagip ko pa ang bahagyang pagtaas ng kilay nung Alliana. Aba, masyado pang maaga para lumabas ang kulay mo rito.

"Mrs. Torres, Mr. Torres. Ang babaeng ito ay ang babaeng pinangakuan ng aking anak ng kasal bago nangyari ang aksidente." Agad silang nagulat ganoon din si Alliana ngunit mas nasaktan ako sa pagkagulat ni Klenth.

Bakit ba nalilimutan kong hindi niya ako maalala o sadyang dahil masakit lang tanggapin.

"P-pasensya na ho, hindi ko alam kung anong gagawin rito pero ikakasal na rin dapat sila ng anak ko. P-papaano ho kaya ito." Mrs. Torres said her words safetly.

"Sa totoo lang Mrs. Torres wala na sa atin ang desisyon diyaan. Nasa anak ko na. Ngunit ang desisyon ko sana ay ipa-psychiatrist si Klenth para mabalik ang kaniyang alaala." Tumango naman sina Mrs. Torres taliwas sa kanilang anak.

"No." Matigas na anang ni Alliana na siyang nagpatingin sa aming lahat.

"Alliana, anak."

"What the heck?" Gulat na anang ni Ate Klaire

"I mean.."

"Ayaw mo siyang maka-alala?"

"Hindi po, ahm.."

"Oh god, I can't believe what im hearing!"

"Klaire." Anang ni Tito Keene.

Muling nanaig ang katahimikan.

"Ehem, gaya nga nang sinabi ko, gusto kong makaalala ang anak ko. At ang desisyon tungkol sa pag-aasawa ay nasa anak ko na, yun ay kung ayos lang sa dalawang babaeng naririto lalo pa't may anak na si Klenth ngayon."

"Anak mo ang batang yon?" Bulong ni Alliana na may halong pandidiri pero narinig pa rin namin. Mukhang napahiya naman siya dahil tumikhim si Tito Keene.

"Oo, hija. Anak niya yon. Anak nila iyon ni Sheena."

Natahimik ang lahat.

"Why now?" Napatingin kaming lahat ng magsalita si Ate Klaire ang kaniyang asawa ay nakaabang na sakaling may masabi mang hindi kanais-nais ang kabiyak.

"Excuse me?"

"After all this years that you hide him? Bakit ngayon niyo lang siya ibinalik?" Matapang na ani ni Ate Klaire.

"Klaire." Pagpapahinto ni Tito Keene sa kaniyang anak ngunit huli na para roon. Matapang na tumaas ang kilay ng babae at nakita kong sinubukan siyang pigilan ng kaniyang ina ngunit hindi rin nagawa.

"Ngayon sinasabi niyong itinago namin siya? Bakit pa namin itatago kung ibabalik din naman namin siya ngayon?"

"I don't know? Klenth is famous. He's the vocalist of the famous band before, all over the world, so how come na hindi man lang siya nakita ng ibang tao sa inyo? How come na hindi man lang siya nakilala?"

"Klaire."

"Bakit ba pinagdududahan niyo kami?" Hindi ko alam kung bakit mukhang walang pake si Klenth sa nangyayari. Kumakain lang siya ng toasted bread na ni-request niya kanina habang malalim na nakatingin sa akin.

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now