Ikaanim na Yugto

19 1 9
                                    

NAGING MASAYA ANG BAKASYON naming iyon. Sobrang laki pala talaga nang isla yon at nakakamanghang pagmamay-ari yong lahat ni Thed.

Pasukan na naman kami ngayon. Patapos na ang klase para sa araw na to at excited na talaga akong matapos may gig kasi ulit sila Klenth at ngayon ay wala na siyang ibang babae kundi ako na. Lumelevel-up tayo mga sis.

"Okay class, dismissed." Pagkasabi non nang propesor namin ay masaya akong nagligpit nang gamit ko. Paglabas ko nang aming classroom ay napangiti ako nang makitang naroroon na si Klenth sa railings at nakasandal doon.

Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang lumapit sa akin.

"Ano, okay ka pa sa klase niyo?" Tanong niya habang kinukuha ang libro ko sa akin. Ganoon na ang ginagawa niya sa akin. Kinukuha ang bag ko pero ayoko ibigay kaya ang libro ko na lang ang kinukuha niya.

"Oo naman, ano ka ba! Kakasimula lang nang klase no."

Nagkibat-balikat na lang siya at naglakad na kami papuntang parking.

"Sunduin ba kita sa apartment mo?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Wag na, di naman ako maglalasing."

"Ok." Simula nung bakasyon ayaw niya na akong palapitin sa bahay nila dahil baka magkita raw kami ni Keifer. Napakasiraulo. Di niya alam na tinetext ako nang kuya niya. Oo text pero di naman madalas. Pagtina- tanong niya lang kung kasama ko ba si Klenth. O kaya pagpinauuwi na si Klenth. Ganun lang.

Dala ko ang sasakyan ko ngayon kaya di na niya ako inihatid. Pagkarating ko sa apartment ko ay agad akong nagbihis at nag-order na lang nang makakain dahil hindi naman ako dito maggagabihan.

Napatingin ako sa aking telepono nang magring ito. Kaya agad kong kinuha yon may nagtext pala.

Klenth:

Oy, Mesasabihin ako.

Nangunot ang noo ko at agad nagtipa.

Ako:

What?

Ilang segundo pa ang hinintay ko nang biglang magring ang doorbell ko kasabay nang pagring ng telepono ko. Agad ko namang pinuntahan ang doorbell at nang makitang ang pagkain ko yon ay agad ko na yung kinuha at binayaran.

Agad kong binuksan yon at muling umupo sa sala at binuksan ang aking telepono para makita ang text ni Klenth.

Klenth:

Bat po ang pogi ko?

Klenth:

Ay, natulala siya. Natagalan magreply.

Klenth:

Luh, oy.

Klenth:

Joke lang eh. To naman.

Klenth:

Yuhuu!

Klenth:

Puntahan kita dyan ang tagal mo.

Agad kong binitawan ang pagkain ko at nagreply.

Ako:

Sorry, dumating na kasi pagkain ko.

Nang maisend ko yon ay agad kong kinuha ang pagkain ko at nagsimula nang kumain. Nabigla naman ako nang makitang tumatawag siya. Video call. Kunot noo ko itong sinagot at nilunok muna ang aking kinakain.

"Oy." Anang niya nakahiga siya sa kaniyang kama at mukhang nakadapa. Wala siyang suot na t-shirt. jusko po.

"Oh? Bat tumawag ka?"

Remember me (Il Fiore Series #2)Where stories live. Discover now