Chapter 1

9.6K 136 5
                                    

Jessica's POV

"Je, bilisan mo na dyan baka hindi na natin maabutan yung game." that was my friend Kyla.

"Teka lang naman, hinahanap ko pa yung banner na ginawa ko kagabi eh. Nakita mo ba?" Sabi ko na halos imudmod ko na yung mukha ko sa sahig para lang tingnan yung ilalim ng kama ko.

"Nako talaga kanina ka pa tuwad ng tuwad dyan ngayon ka lang nagtanong." iritadong sabi nito.

"Nasan na nga kase?" paangal kong sabi dito.

"Aba'y ineng doon mo po nilagay sa drawer ng mga books mo. Ang burara kase kaya mismo sya hindi alam kung---" agad kong pinutol ang kadaldalan nya.

"Sya, sya, sya! Dada pa ng dada sasabihin na lang eh." I said and get the banner that I made yesterday. Well totoo naman yung sinabi ng kaibigan ko, medyo hindi ako organize sa mga gamit na kung saan saan ko inilalagay pero hindi naman ako makalat. At oo nga pala, kaya malakas ang loob nan dumada ay iisa lang ang kwarto namin dito sa dorm, kaya hinahayaan ko na lang minsan.

"Let's go na nga bes, baka nakakailang score na yung ultimate crush mo ehh hindi mo pa napapanood." Sabi nito na dahilan upang makatanggap sya ng malakas na batok mula sa akin.

"Ehh gaga ka ba? Pano makaka-score ng madame yun eh setter ang position non." Sabi ko habang nilalakihan ang hakbang papunta ng gym namin. Hindi na ito nagsalita pa at sumunod na lang sa akin. Nako naman ngayon pa talagang first game nila ako male-late.

Nang makarating kami sa gym ay malalakas na hiyawan at tambol agad ang maririnig mo. Well, ganan ka supportive ang mga schoolmates namin sa aming team. Agad kaming pumwesto sa tapat ng bench ng mga player namin syempre.

"Ahh, besh nakita mo ba yon? Napakagaling talaga ng Maddie ko!!" she squealed. I rolled my eyes.

"Nako bes, walang wala yang Maddie mo kung hindi magaling yung Deanna ko. Sa tingin mo mai-spike nya ng ayos yan kung hindi magaling yung setter, Diba hindi? " pakikipagtalo ko pa. Normal na samin tong dalawa, ang pagatalunan ang mga idol namin. Pero hindi pa naman umabot sa puntong nagkasabunutan na kami hehe.

I arranged the banner I made last night, grabe effort ko dito. It's colorful as possible. It's says, 'Deanna for the win. #3' yeah. Made this for her cause I'm a big fan.

"Go Deanna!!!" I shouted when she is the one who is going to serve. "Yess!!" i shouted again when she aced that serve. Napaka galing talaga.

"Bes, ewan ko na lang kung di pa mapansin yang banner mo. Masyadong buhay na buhay, baka kulang pa color mo dyan?" pang aasar pa nito g hipokritang kaibigan ko. Di talaga ako sure kung kaibigan ba talaga to eh.

"Manahimik ka nga dyan." hindi ko na pinansin at tumingin na lang sa naglalaro. I looked at Deanna and as usual she's on her game face that I find really hot. Since makita ko syang naglaro last year, which is first year grabe na yung pag iidolo ko sa kanya. Napaka galing nya hindi lang magset  basta feeling ko nga kaya nyang gawin lahat.

Natapos agad ang game and agad kaming humilera sa exit ng mga player at syempre dala dala ko pa rin yung banner ko. Gusto ko sana mag-paautograph. Gosh I'm so excited dahil papalapit na sila.

"Deanna! Pa-autograph naman!" I shouted a little bit. Masyado na kasing maraming tao dito.

My heart became so happy when she looked at me. Parang gusto ko nang himatayin, ngayon na. Lumapit sya sakin with still in her frown face. I smiled widely nang makarating na sya sa harapan ko.

"Dito ba?" she pointed at the banner so I nod eagerly. She smirk. "Ayoko nga and can you just throw it away? Ansakit sa mata ehh." she said at umalis na sa harapan ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko at medyo sumakit yung mata ko na parang maiiyak. Aray ha. Yun nga lang problema sa kanya, may konting kasamaan sa ugali pero ewan ko, hindi pa rin nababawasan pagkakacrush ko sa kanya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na napansin nya ako o maiiyak na lang dahil sa ganoong paraan na naman iyon nangyari.

"Okay lang yan bes. Next time nalang uli." Kyla said on my back.

We turn our back but malas talaga ata ang araw na ito.

"Kawawa naman ang bata. Hahaha, Masyado ka kasing isip bata." it's Michelle ang isa pang dagok sa buhay ko dito. She's a cheerleader kaya malakas mang-bully. Hindi ko na lang sya pinansin at dire-diretso na lang umalis. Papatulan pa sana ni Kayla pero ayaw ko ng gulo kaya niyaya ko na lang sya pabalik sa dorm room namin.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon