Chapter 14

2.6K 127 5
                                    

Jessica's POV

Shit, bakit ba ako nadulas! Ang tanga tanga ko talaga. Bakit kasi tanong ng tanong si Deanna eh. Napaamin tuloy ako ng di oras. Kakasimula ko pa lang ng friendship namin pero sinira ko agad. Ang tanga tanga!

Hindi ko na mapigilan ang mga luhang sunod sunod na umaagos sa mukha ko dahil alam ko na ang mangyayari. Kakakwento ko pa lang sa kanya ng nakaraan ko pero parang mauulit na naman yon.

Natatakot ako sa pwede nyang sabihin. Baka sabihin nya, tinake advantage ko ung kahinaan nya para mapalapit sa kanya. Ayokong pag-isipan nya ako ng ganon. Hindi ako ganon.

Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam ano ang nararamdaman nya sa ngayon dahil parang bumalik yung dating ekspresyon nya na parang andami nyang iniisip. Blanko.

"I don't know. I know, we get along together. We're fun being with each other and all but the only thing I can give you for now is friendship. Sorry." iniiwas ko agad ang tingin ko sa kanya matapos nyang sabihin iyon. I knew it.

"It's okay, wag kang mag-sorry okay lang yon. Ano ka ba." pagpipigil kong luhang sabi.

"No, it's not."

"Hindi, okay lang talaga. Atleast friends pa rin tayo di ba?" umaasa kong tanong. Sana kahit don na lang pagbigayan nya ako. I don't want to be broke again dahil lang sa katangahan ko. Ayokong mawalan uli ng kaibigan dahil sa katangahan ko.

"Yeah, of course. We're still friends." Sabi nito. Hindi na ako nakapag-salita pa ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Na sya ring pagtayo na ni Deanna.

"Ops sorry. May na interrupt ba ako?" tanong ni Kyla.

"No, it's okay. Paalis na rin naman ako." Sabi nito at dire-diretsong lumabas ng silid ko. It broke my heart cause I know, hindi totoong magkaibigan pa rin kami. Hindi ko na mapigilan ang luha ko ng makalabas na si Deanna. May nagbago na. Ang tanga ko talaga.

"Bes, ano bang nangyare? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Kyla.

"Sinira ko lahat Ky. Dahil sa katangahan ko." Sabi ko.

"Ano ba sinasabi mo bes?" tanong nito.

"Umamin ako sa kanya bes. Alam ko nagkalamat na yung pinagsamahan namin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam gagawin ko kapag nagkita uli kami." naiyak kong sabi. Tinapik tapik naman nito ang likod ko.

"Magiging okay din ang lahat bes."

----------

Wednesday ngayon at may laro ang team ng school namin sa volleyball.

Tama nga ang hinala ko, nasira na ang lahat. Kinabukasan ng mangyari yon, pumunta pa rin ako sa quadrangle para sa training ko pero wala akong naabutang Deanna doon. So ang nangyare, mag-isa lang akong tumakbo at nakapitong laps ako. Tuwang tuwa ako dahil naachieve ko yon dahil nakompleto ko pero naalala kong mag-isa nga lang pala ako. Nagmukha akong tanga haha.

Buong araw ko syang hindi nakita kahapon at hanggang ngayon. Hindi dapat ako pupunta sa game pero pinilit ako ni Kyla. Wala na akong nagawa dahil namimiss ko na din sya. Kahit tingin lang okay na.

Pagkarating namin sa gymnasium ay naririnig mo agad ang sigawan at malalakas na tambol na nagmumula sa magkabilang school. Pumwesto uli kami doon sa bench na malapit sa mga players. Nakita kong lahat ng team mates ni Deanna ay nag-wawarm up pero sya, hindi. Nakaupo lang sya sa bench at nakayuko habang may towel na nasa ulo nya.

Nalulungkot ako sa nakikita ko dahil parang bumalik na naman sya sa dati. Yung walang sigla.

Nagsimula ang game ilang sandali pa. Isinalang sya sa set1 pero wala sya sa hulog. Laging kapos ang pasa nya sa bola at nakakadalwa na rin syang error kaya napipilitan na panalitan muna sya ni coach.

Nakokonsensya ako sa nangyayari feeling ko dahil to sa nangyare noong nakaraang araw.

Nakita kong kinausap siya ng iba nyang team mates pero wala syang sinasagot sa kanila kaya tumigil na sila.

Sa set 3 ay pinasok uli si Deanna pero walang pinagbago ang mga tira nya, talagang wala sya sa mood maglaro. Pinalitan uli sya at natapos ang laro sa set 4. Panalo sila pero halatang dismayado si coach sa ipinakita ni Deanna. Kitang kita ang panenermon nito pero parang wala namang pakielam si Deanna sa pinagsasasabi nito.

Nang papunta na sila sa locker room ay agad kong bumaba at hinarang si Deanna at dahil nahuhuli sya ay walang nakakita. Tumingin sya sa akin at nagulat ang tingin nito sa akin pero bumalik din ito sa pagiging seryoso.

"hmm, Deanna. Sorry nga pala dun sa sinabi ko nung isang araw. Kalimutan mo na yon, ano, wag mo na lang isipin na sinabi ko yon. Ayoko ng nagkakaganyan ka." Sabi ko pero nakatingin lang ito sa akin. Yumuko na ako dahil hindi ko na kaya ang tingin na ipinupukol nya sa akin.

"Don't blame yourself. It has nothing to do with you." Sabi nito sa walang emosyong boses. Napapahiyang tumango naman ako. Ang tanga tanga ko, assuming tsk.

Bakit ko ba naisip na konektado sakin ang pagiging ganon ngayon ni Deanna. She doesn't care, ano ba self?

"Ahh, sorry uli." Sabi ko at tumalikod na. Yumuko ako ng maramdaman ko na naman ang luha ko. Napakaiyakin ko talaga. Please remind me next time, na wag mahuhulog sa taong imposibleng ibalik yung nararamdaman mo kase masasaktan ka lang.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon