Chapter 41

2K 94 18
                                    

I'm A Fangirl
Chapter 41

Jessica's POV

"I think I know who it is." ng sabihin iyon ni kuya ay kita ko ang pagkuyom ng kamay ni Deanna.

"Jema!" bigla akong napalingon ng may tumawag sa akin. Hinanap ko pa ito dahil di alam kung san galing iyon. "Dito sa entrance!" agad na pumaling doon ang paningin ko at nakita doon si Kyla. Kumunot ang noo ko dahil bakit hindi na lang siya ang pumasok. Tumayo ako at nag-excuse na muna sa kanila. Tumango si Deanna sa akin at ngumiti naman sila ate Ally.

"Bakit ba, anong problema?" tanong ko kay Kyla ng makalapit ako dito.
Di ko maiwasang mainis dahil may importante kaming pinag-uusapan sa loob and i want to be with deanna dahil medyo sensitive ang topic na iyon para sa kanya.

"Ahm, may nagpapatawag kase sayo eh." sabi nya at nagsimula ng maglakad kaya sumunod ako sa kanya.

"Kaloka, ba't hindi mo na lang ako nilapitan. Sumigaw kapa talaga." sabi ko dito.

"Eh kase naman nakakahiya kung lalapit ako. May gwapo kayong kasama tapos nandon din pala si Alyssa Valdez. Grabe ang ganda nya talaga." napailing na lang ako sa kanya. Mas nakakahiya kaya yung pagsigaw nya dun.

"Sino ba kase yang nagpapatawag na yan?" tanong ko uli dahil medyo malayo na rin nalakad namin.

"Nandito lang yon sa isa sa mga cottage." sabi niya at parang may tinatanaw tanaw pa. "Nasa basketball team yon eh, nakisuyo dahil may sasabihin daw sayo." biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nyang iyon kasabay na rin ang pagkunot ng noo ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Ricci.

"T-teka, babali-"

"Wait lang eto na sya eh." biglang hablot uli sa akin ni Kyla. Kinabahan ako at lumingon sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung luluwag na ba ang paghinga ko ng makitang hindi si Ricci iyon o mas dapat kabahan pa.

"Hey, thank you." sabi nito kay Kyla na ngiting ngiti doon sa lalaking isa sa varsity ng school namin. Tsk, halatang nagpapagood shot ang bruha.

"Wait lang bes, saglit lang kuha ako ng drinks." sabi ni Kyla at hindi na hinintay pa ang sagot ko bago umalis.

"Bwisit talaga." nabulong ko na lang. "Pwede ko bang malaman kung bakit mo ko pinatawag?" mahinahon kong tanong sa lalaki kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. May itsura ang isang ito at matangkad din naka trunks ito at sando na nakapagpahimutok pa sa mga muscles nito sa katawan pero hindi ko pa rin sya feel.

"Ahm, i just wanted to remind you about something you agree with." matalim ang tingin nito sakin na mas lalong nakapag paintimidate sa itsura nito. "10 pm at the rooftop of that hotel, don't bring anyone because he said he wanted to talk to you, alone." napalunok ako ng mapagtanto ang tinutukoy niya. Bigla na naman rumagasa ang kaba sa dibdib ko na hindi ko na mapigilan pa.

"Eh pano kung ayokong pumunta?" tanong ko pa rin dito dahil nagdadalawang isip talaga ako. Hindi maganda ang kutob ko dito.

"Don't you dare or else, i will spread that you are a two timing bitch, to everyone. Hmm, it might end the career of your loving girlfriend too. She would be depress if she'll know that her girlfriend is a whore and cheating with a boy, isn't it exciting?" nakangisi nitong sabi. Agad na uminit ang ulo ko nang marinig ang mga sinabi nito.

"Walang katotohanan ang lahat ng yan!! Kahit kailan hindi ako nagcheat kaya walang maniniwala sayo!" sinabi ko iyon sa galit na tono dahil nakakafrustrate ang mga sinabi nya. I never cheated and i will never be a cheater!

"I can make it possible, don't worry. And don't tell it to anyone sweety, i have connections that can make them kicked out of our school. Have a good day. " bulong nito sa akin at dali dali na umalis pero lumingon uli at binigyan ako ng makahulugang ngisi bago tuluyang makalayo. Napatulala ako dito sa kinatatayuan ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko pero kinuyom ko ito para mapigilan. Galit na galit ako but i remain my face stoic.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon