Chapter 34

2.2K 101 7
                                    

Jessica's POV

It's been two weeks since bumalik ako dito sa dorm. Yes, ako lang. Eh pano kase itong si Deanna hindi na sumama sa kin dito sa dorm at may aasikasuhin daw sila sa kompanya nila dahil simula ng humiwalay ang daddy nya sa mommy nya ay nahirapan na ang mommy nya sa pagmamanage nito.

At dalawang linggo ko na rin syang hindi nakakasama, nakakainis namimiss ko na sya. Sa isang linggo namin sa Cebu ay masaya, lalo pa at lumabas pa kami ng mommy nya para maggala, grabe sobrang bait ni tita, sabi nya kase ayun na lang itawag ko sa kanya. Ang dami nyang kinuwento sa akin na kesyo lagi daw akong kinuwento ni Deanna sa kanya at kita nya naman daw na masaya ang anak nya kaya masaya na rin sya.

Ang swerte ni Deanna Kay tita dahil napakasupportive nya sa kanya samantalang yung akin parang walang pakialam, ewan ko ba. Mabait din naman ang mama ko ang kaso lang parang wala nga syang pakialam kung anong gawin ko sa buhay. Kung nakasama ko lang sanang lumaki si tatay, ano kaya magiging reaksyon nya, na ang maganda nyang anak ay maganda din ang gusto. Biro lang, alam ko naman na matatangap kami ni tatay kase mabait naman sya, babaero nga lang.

So ayun pa nga, mag-isa lang ako ngayon sa dorm at si Kyla naman ang nagbakasyon sa kanila. Naiinis daw nga sya sa akin at bored na bored daw sya nung mga araw na wala ako. Ano pa ako ngayon? Wala na ngang pasok, wala pang Deanna.

Halos lahat kase ng mga estudyante dito ay umuuwi kapag sembreak so kadalasan ay mga taga malalayo o kaya walang pera para umuwi yung iba katulad ko. Parang ayaw ko munang umuwi sa bahay dahil kay ate.

Nakokonsensya pa ako dahil sa pag sagot ko kanya noon at sya rin kase ang nagbibigay ng allowance ko tutal libre naman tuition fee ko dito dahil scholar ako.

Dahil sa boredom ko ay napagpasyahan ko munang lumabas ng dorm room para maglakad lakad. Medyo hapon na din kaya hindi masyadong mainit.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko bigla akong na excite. Knowinf already who it is. Umupo ako sa isang bench dito at kinuha ito sa bulsa ko. Napangiti ako ng malawak ng makitang sya nga ang nag-text

From: Deanna Wong

'Hi babe, are you doing okay? Sorry if ngayon lang ako nakapagtext sayo. I' ve been busy eh. Pls, dont skip meals. I love you. I miss you so much.'

Parang gusto kong maglupasay sa kilig dahil sa message nya sa akin. Minsan lang kase kami magtext sa isang araw madalas umaga at gabi lang. Minsan nagmemessege ako ng goodmorning gabi nya na nababasa dahil sa sobrang busy nya.

Naiintindihan ko naman sya kaya okay lang sakin. Grabe, sobrang miss ko na sya.

To: Deanna Wong

'Im okay, dont worry, naiintindihan ko. And dont skip meals too. Iloveyoutoo. Imissyou :('

Hindi ko inintay ang message nya at tinago na uli sa bulsa ang cellphone. Natigilan naman ako sa ginagawa ng may tumabi sa akin.

Yung mayaman. Este si Ricci. Buti hindi ko nakalimutan ang pangalan nya. Sya kase yung dahilan kaya napaligaw ng di oras sa akin si deanna eh. Tsk pero naiinis pa rin ako dahil may gusto daw sya kay deanna.

"Hey," bati nito kaya napalingon ako sa paligid kung ako nga ang kinakausap nya. Baka hindi ako, mapahiya pa ako. Pero mukhang ako naman dahil kami lang dalawa dito.

"H-hey." nasabi ko dahil nakatingin ito sa akin nung bumalik ako ng tingin sa kanya.

"What? You seem nervous." natatawang turan nito. Umiwas ako ng tingin dahil sa tingin na ipinupukol nya sa akin. Anong problema nito?

"Anong nervous ka dyan. Kung magtatanong ka ulit tungkol kay deanna wala ako mabibigay na sagot, sorry." pagtataray ko agad dito ng maicompose ko ang sarili. Hindi ba nya alam na kami na deanna at may balak pa atang pumorma doon?

"Feisty, im not here for deanna. Hindi ko na sya crush." natatawang sabi pa nito. Naiinis talaga ako sa ngisi nya, ewan parang nakakaloko.

"Eh bakit ka nandito? Kung wala ka ng kailangan aalis na ako." sabi ko sabay tayo pero napatigil ako ng pigilan nya ang braso ko. Agad akong napalingon sya kanya sabay hatak ng braso ko pabalik.

"Oh sorry. I didnt mean that. Im not up for something i just wanna hang-out or anything." agad na paliwanag nito ng tingnan ko sya ng masama. Hindi ko na ito pinansin at nagsimula ng ulit maglakad. Gusto ko sanang sa mall na lang maghapunan dahil hindi bukas ang canteen ngayon. "Hey where are you going? Can i join!?" tanong uli nito habang hinahabol ang mga hakbang ko.

"Pwede ba? Wag mo nga akong sundan!" naiinis na sabi ko dito at tumingin sa kanya. Napakakulit.

"Are you going to eat dinner? Sabay na tayo, my treat." pilit pa din nito na para bang hindi ininda ang pag-sigaw ko. Bigla akong napaisip doon. Sasabay ba ako? Sayang libre, at saka sabi naman nya eh hindi nya crush si deanna. Kaso nakakainis kase sya.

"Ayok-" naputol ang pagtutol ko ng hilahin na ako nito palakad. "oy! Ano ba?!" sigaw ko dito sa pagkagulat.

"I dont take no as an answer." nakangiting sabi nito kaya wala na akong nagawa.

"Fine, fine, bitawan mo na ako." naiirita kong sabi. Pumayag nga ako pero di ko sinabing di ko sya susungitan.

Agad kaming naglakad papunta sa pinakamalapit na fastfood chain. Agad akong humanap ng upuan at sya naman ang umorder. Gusto ko sana ng pancake kaso hindi pala sila nagseserve non sa gabi kase pang-umagahan naman talaga yon.

Ilang sandali lang ay bumalik na agad ito dala ang tray ng pagkain. Parang gusto ko namang maglaway ng maamoy ang pagkain.

"Go eat it. Parang gutom na gutom ka naman." natatawang sabi nito pero hindi ko na sya pinansin at kinuha na yung pagkain.

"Salamat pala." sabi ko at sumubo na.

"It's nothing." nakangiting sabi nya pero yung nakakaloko pa rin.

"Ganyan ka ba talaga ngumiti? Nakakaloko." hindi ko naman mapigilan ang bunganga ko sa pagtatanong. Nadinig ko naman ang malakas na pagtawa nito kaya nangiti din ako.

"What? Haha. I dont know. Maybe ganon talaga ko ngumiti. Bakit? Nakakainlove ba?" sabi nya sabay ngiti.

"Eww, may sinabi ba ako? Tsaka tumahimik ka dyan. May iba na akong love noh." sabi ko at sumubo na rin. Kita ko ang pagkawala ng ngiti nito kaya natigilan ako sa pagsubo. "May nasabi ba ako?" tanong ko agad.

"Ahh, wala. May naalala lang." sabi nya sabay ngiti  ngiti uli.

Maya maya lang ay bumalik uli ang kulit nya at nagkwento ng kung ano ano. Nakakatuwa naman pala tong kasama dahil palakwento. Medyo nabawasan din yung boredome na nararamdaman ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos na din kaming kumain at sabay na din kaming bumalik sa school. Natanong ko nga din sa kanya kung bakit hindi sya umuwi at sabi naman nya ay wala naman daw sa bahay nya ang Family nya at nasa ibang bansa lahat at tinatamad naman syang sumunod doon. Mayaman din pala sila.

"So, dito na ako. Thank you nga pala uli." sabi ko dahil sa kabila pa yung dorm ng mga lalaki at liliko na sya.

"No, thank you sa pagsama nag-enjoy ako." sabi nya at tumalikod na. Napangiti naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Bigla naman akong napatigil sa paglalakad dahil sa isang galit na tinig.

"Nag-enjoy ka din ba?"

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon