Chapter 40

2.2K 110 5
                                    


Jessica's POV

Kinabukasan ay halos tanghali na ako nagising kaya agad akong bumangon ng maramdaman ang init ng araw. Kainis si deanna, hindi man lang ako ginising. Hindi ko mapigilang mapasimangot habang naglalakad papunta sa banyo para makapag hilamos na.

Mas lalong pa akong napasimangot ng umihi ako at makitang meron pala ako. Arghh! Nakakainis talaga. Bakit ngayon pa? Gusto ko mag swimming eehh.

Natapos na ako't lahat pero hindi pa rin bumabalik yung deanna na yun.
Didiretso na sana ako palabas ng maalala ko bigla yung nangyari kagabi. Nanlalaki ang mga matang napatakip ako sa bibig dahil sa pagkakaalala sa mga pangyayaring iyon kagabi sa pagitan namin. Hindi ko alam at parang nanlambot ang tuhod ko at napaupo na lamang sa kama dahil sa kahihiyan.

Ohemgii! Totoo ba yun? Pano na to? Nakakahiyaaa!

Bigla akong napatakbo pabalik sa banyo at humarap sa salamin. Agad kong kinilatis ang buong leeg ko pero nakahinga din ng maluwag ng walang nakitang marka doon. Pero pag-angat ko ng damit ay doon ko nakita ang isang malaking marka na akala mo ba ay kinagat ng madiin sa pagitan ng aking dibdib.

Naramdaman ko agad ang pamumula ng aking mukha kaya wala akong nagawa kundi ang takpan ito ng aking dalawang kamay na para bang may nakakakita ng itsura ko ngayon.

Arghh! Pano ako haharap sa kanya ngayon? Hiyang hiya ako.

Bigla akong napatunghay ng marinig ko ang pag-click ng pintuan ng room at alam kong may papasok na doon kaya agad agad akong tumakbo pabalik sa kama at doon ay nagtalukbong. Jusko, hindi ko alam kung pano sya haharapin ng hindi inaalala yung mga nangyari kagabi.

"Babe? Are you awake?" nadinig ko matapos nitong buksan ang pinto ng kwartong tinutulogan namin. Hindi ako sumagot at pinakiramdaman lamang ang paligid. Naramdaman kong lumubog ang kama sa bandang likuran ko kaya ipinikit ko ang aking mata na para bang natutulog talaga.

"Babe? Wake up." tawag nito pero hindi pa rin ako tumutugon. Bigla akong kinabahan ng unti unti nitong tanggalin ang kumot na nakataklob sa akin. Bigla akong napamulat ng bigla itong naupo sa bandang tiyan ko. "Gottyaa! Hahaha i know you're not asleep. Do you think you can decieve me? Huh?" nakita ko agad ang mukha nitong may nakakalokong ngiti.

"Deanna anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko dito.

"Nothing baby." nakangiting sabi nito pero hindi pa rin nabubura ang nakakalokong ngiti.

"Tumigil ka deanna Ah" sabi ko pero hindi ito nagpaapigil at talagang dumapa pa sa ibabaw ko. "Deanna ano ba?!" iritadong sabi ko pero hindi pa rin mapagtakpan ang kinikilig na parte ng pagkatao ko't eto at namumula ako.

"Baby." tawag nito. Pero nandon pa rin sya.

"Ano?" nakakunot ang noo kong sabi.

"Baby."

"What?!"

"You're blushing." sabi nito. Bigla ko tuloy syang nahampas sa braso dahil sa pang-aasar niya.

"Tumigil ka nga! Naiinis na ako." nakakunot ang noon sabi ko.

"Pano yung inis?" ngiti nito sa akin.

"Isa ah! Umalis ka nga dyan. " sabi ko pero parang wala lang dito at hinalikan pa ako sa pisngi.

"If you want me out here. Make a move. Push me. " nakataas ang kilay nito at lalo pang nagpabigat. Tinesting kong pumiglas pero parang wala akong lakas para maalis sya doon. Napabuntong hininga na lang ako at inilagay ang dalawang kamay sa bewang nito. Sinyales na sumusuko na.

"Ang kulit mo din talaga." sabi ko at tinanaw ang labas na may napakagandang tanawin. Nakakarelax iyong tanawin

"Beautiful isn't it?" sabi nito at inilagay ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tenga. Halatang tinititigan ang aking mukha.

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon