Chapter 15

2.6K 107 6
                                    

Jessica's POV

3 days, it's been three days nung last na nakapagusap kami. Shet, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nami miss ko na sya. And yes, nakikita ko pa rin sya dahil iisa lang ang room namin pero madalas syang umiiwas. In short, bumalik na naman sya sa dati.

"Bes, wag kana mamroblema dyan. Magiging okay din ang lahat." pampapalubag loob ni Kyla sa akin. Nandito kami ngayon sa room namin at sabay na gumagawa ng assignments para bukas. Sobrang nawawalan ako ng gana kaya ngayon lang ako nakagawa. Ewan ko na lang dito kay Kyla na sadyang tamad lang paspasan tuloy kaming dalawa.

"Di ko alam bes, feeling ko dahil sa akin bumalik na naman sya sa dati. Dapat talaga hindi ko na sinabi yon." problemado kong sabi. Ayoko mag-assume pero simula kase nung nasabi ko yung bagay na hindi naman dapat niya alam ay naging ganon na ulit sya.

"Nako bes, wag mo na muna kase isipin maistress ka lang." Sabi pa nito.

"Siguro nga." Sabi ko.

"O sya, pano ba yan. Bukas na lang uli. Inaantok na ako." Sabi nito at inimis na ang mga gamit nya upang makahiga na. Habang ako tulala at iniisip ang mga pwede pang mangyare.

Hindi ko na itinigil ang mga exercise ko tuwing umaga dahil nasanay na ang katawan ko. Pero syempre, hindi ko sya kasabay dahil sa gym sya nagtitraining, kasama ang mga team mates nya. Ayokong mauwi na lang sa ganto ang lahat dahil lang don sa katangahan ko. Gusto kong gumawa ng paraan kung paano bumalik sa dati ang lahat pero hindi ko alam kung papaano.

------

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa daily exercise ko, hindi ko na tinatawag na training dahil takbo at warm ups lang naman ginagawa ko. Agad akong pumunta sa quadrangle kaso parang nanigas ang tuhod ko ng makita ko ang volleyball team na sa ground nagtetraining. Lahat sila including Deanna. Bakit sila nandito?

Patalikod na sana ako ng madinig ko na may tumawag sa akin.

"Jessica, ang aga mong nandito ah." lumingon ako para tingnan kung sino ito. Si Bea. "Bakit ka pala nandito?" lumapit ito sa akin.

"Ahh, wala napadaan lang." Sabi ko at tumalikod na pero pinigilan nya ako.

"Wehh? Hindi ako naniniwala." Sabi nito.

"Ahh ano, kase..." itinaas nito ang kilay na para bang nagiintay ng kasunod sa sasabihin ko. "Lagi kase ako nageexercise dito tuwing umaga." nakayuko kong sabi.

"Talaga ba?" tanong nito. Tumango naman ako. "Edi sumabay ka na lang samin."  tututol na sana ako pero dinugtungan nito ang sasabihin "it's fine, suamabay ka na." Sabi nito na ikinakaba ko. Wala ba syang alam?

"Nako, wag na nakakahiya." Sabi ko. She chuckled.

"Don't be shy, it's okay. Sumabay ka na samin. Sayang naman yung outfit mo." namula naman ako sa komento nito at wala ng nagawa pa at sumunod na. Baka sabihin pa nito na ang choosy ko. Buong volleyball team 'tongmakakasama ko tas tatanggihan ko pa?

Pagdating ko doon ay kanya kanya silang hi sa akin na sinuklian ko naman ng tipid na ngiti at kaway. Napa tingin naman ako kay Deanna na kausap si Maddie. Hindi ko alam kung alam nyang nandito ako o sayang wala lang syang pakielam. Hindi man lang kase sya lumilingon sa gawi namin.

Nagsimula na silang lahat pero sumabay lang ako sa jogging nila na 5 laps. Nasa bandang unahan si Deanna, ngayon alam ko na alam nya na nandito na ako pero hindi nya talaga ako papansinin. Kasabay ko naman sa likuran si Bea. Grabe ang bait nya talaga. Hindi nya ako hinayaan na ma-out of place, lagi nya akong kinakausap. Kaso parang ansama ng tingin sa akin nung isa nilang ka team na si Jho. Kanina pa sya nakatingin ng ganon sa akin na kung nakakamatay lang tingin kanina pa ako nakahandusay dito.

Sya yung lagi kong nakikitang kasama ni Bea. Yung lagi nyang bini-baby. Ang cute nila pareho lalo na sa loob ng court kase halata ng gusto nila ang isa't isa pero parehas indenial. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko aagawin si Bea sa kanya kaso hindi naman kami close.

"My I ask something?" Sabi ni Bea sa gilid ko habang tumatak o lang kami. Tumango naman ako. "What happen to you and Deanna? I thought okay na kayo?" tanong nito. Hindi ko alam Kung papano sasagutin.

"Ahh, wala, busy lang siguro sya nung mga nakaraang araw atmaraming iniisio." pagsisinungaling ko. Hindi ko pa kayang mag-share sa iba.

"Okay, you sure?" tanong nito kaya tumango na lang ako. "And thank you pala sa pagsama samin ah." Sabi nito ng tumigil na kaming lahat at kinuha na ang mga gamit namin.

"Salamat sa iyo." Sabi ko at nagpaalam na din sa iba nyang teammates at syempre hindi ako pinansin nung isa. Pagkatapos nun ay bumalik na din ako sa dorm namin para maghandang pumasok na.

--------

Pangalawang subject namin ay research so hindi mawawala ang research paper. Shit, mahina ako sa ganito. Hindi pala mahina, sadyang tamad lang. Assignments nga tinatamad pa akong gawin research pa kaya.

"So class, our research is a bit hard so I have to make it two pairs every Research. So dahil dalawa, I want it to be perfect. This research is important so don't be lazy while doing it." Sabi nito at nagsimula ng magtawag ng mga mag-pair. Kinakabahan ako sa mga ganto dahil kung tamad ang makakasama ko at medyo mahina. Walang mangyayari sa amin dalawa, talagang babagsak kaming dalawa.

"Madayag and Atienza" tawag ni ma'am. Nanlalaking mata naman akong napatingin kay Kyla na kinikilig na pala dito sa tabi ko. Hindi ko pala nasasabi na tatlo ng volleyball player ang nandito sa room namin. Maddie, Jules and Deanna. Kaya ang daming gusto ng magpalipat dito sa class namin pero hindi pwede. "Michael and Carlos." kumabog ang dibdib ko dahil halos lahat natatawag na pero hindi pa ako. "and last Wong and Galanza." parang nabingi ako at kabog na lamang ng aking dibdib ang aking narinig dahil sa pagtawag ng parehas naming apelyido.

Kami. Magkapartner. Shet.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon