Chapter 11

2.8K 90 4
                                    

Jessica's POV

Maaga akong gumising kinabukasan kahit na lulugo lugo akong tumayo patungong banyo. Ba't pa kasi ako pumayag. Wag na lang kaya akong sumipot. Pero nah, baka madissapoint ko lang siya. Mawala pa tiwala non sa 'kin. Wala talaga akong choice kundi ang sumipot.

Paglabas ko ng banyo ay tiningnan ko ang oras at limang minuto na lang pala para mag-alas kwatro ng umaga. Patay. Agad akong nagmadaling magbihis ng leggings at sandong itim tsaka tumakbo na papuntang quadrangle.

Nang makarating ako doon ay nakita ko si Deanna na nag-aantay sa ilalim ng puno na para bang inip na inip na. Patay talaga.

Agad akong huminto sa harapan nya na hingal na hingal kaya inilagay ko ang dalawang kamay sa tuhod dahil sa pagod. Kung ganto pa lang pagurin na ako pano pa kaya kapag nagsimula na ko.

"You're 5 minutes late. Let's start. " monotone na sabi nito.

"Teka lang naman." Sabi ko sabay taas ng kamay. "Bawal bang magpahinga?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito.

"Masyadong mababa ang stamina mo. We need to improve that so we should start. Let's start warming up." hindi na ako hinintay nito at pumunta na sa ground para mag-warm up. Agad akong sumunod sa kanya kahit na hingal pa rin ako.

Nag-warm up kami sa loob ng 20 minutes pero ang pawis ko ay sabog na agad. Grabe, ayaw ko na. Warm up pa lang yon ah. Hirap na hirap pa akong gawin yung ibang warm up kaya ituturo nya pa sa kin. Samantalang sya parang wala lang. Ang fresh nya pa ring tingnan Samantalang ako mukha ng dugyot dito.

Agad akong umupo at kinuha ang towel at tumbler sa bag na dala ko. Grabe ang dugyot ko. Tiningnan ako ni Deanna na parang nagtatanong.

"What are you doing?" tanong nito.

"Nagpapahinga." obvious na sagot ko.

"We're not suppose to rest. We're just starting." poker face na sabi nito. At nagsimula ng mag-jogging papaikot sa ground sumunod agad ako sa kanya pero may distanya pa rin mga 3 meters.

"Dapat talaga di na ako nag-agree dito eh. Nakakapagod na tas ang sungit pa ng nagtuturo." himutok ko sa sarili.

"I can still hear you, you know." Sabi nito habang nakatalikod pa rin na patuloy sa pagtakbo Samantalang ako ay namula dahil hindi ko naman alam na naririnig pala ako nito.

"Sorry." Sabi ko pero hindi na nito ako pinansin. Ang sungit na naman niya. Ano na naman kayang nangyare. Simula kaninang pagdating ko talagang sinusungitan na naman nya ako eh. Di bale na, baka ganto lang talaga sya kapag seryosohan na dapat seryoso lang.

Pagkatapos ng dalawang laps ay huminto na ako dahil ko na talaga kaya. Baka mag-faint na ako kung hindi pa ako titigil. Tumingin ito sa akin at tumango pero nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Tila ba alam nya na, na kailangan ko ng magpahinga. Hay salamat naman. Naawa na siguro sa akin.

Pagkatapos nyang maka-limang laps ay lumapit na ito sa akin. Hindi talaga umalis dahil ayaw ko syang iwan dito mag-isa dito noh.

"Why are you still here?" tamang tanong nito habang nagpupunas ng pawis nya.

"Wala lang, gusto ko lang hintaying matapos ka." paliwanag ko at tumango naman ito.

"Don't forget tomorrow, same time. And everyday we're going to add one laps. You understand?" tanong nito na ikinabigla ko.

"Isa pang lap? Nakakapagod na yon." angal ko.

"Its the right thing. Buti nga hindi 2 laps ang idinagdag ko eh." napatango na lang ako na parang umaagree na lang. "This week is jog only and next week is another exercise." Sabi nito at nagsimula ng mag-imis ng gamit nya kaya ganon na din ang ginawa ko.

Sabay na kaming naglakad papuntang sa mga dorm namin na medyo malayo pa kaya medyo awkward na walang nagsasalita sa amin. Kanina habang nagjajog ay hindi ganon ka awkward dahil naka earphone naman sya so hindi ako masyadong naawkwardan na magsimula ng conversation pero ngayon ay wala syang suot kaya ang awkward sa part ko. Ewan ko na lang sa kanya pero sabagay sanay naman sya sa tahimik lang.

"Salamat pala sa pagtatyaga sakin." Sabi ko habang nakayuko.

"It's okay, I'm the one who insist to teach you so it's okay." Sabi nito.

"May problema ka ba? Sobrang tahimik mo kase kanina." hindi makatiis na tanong ko.

"I have lots of it." Sabi nito na nakapagpatahimik sa akin. Oo nga naman. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumahimik na uli. Ang awkward shet.

"Basta kapag gusto mo ng masasabihan nandito lang ako ha." Sabi ko ng papalapit na kami sa dorm room ko.

"Okay, and thank you." Sabi nito at dumiretso na papunta sa dorm room nya. Napangiti naman ako. Sana magtuloy tuloy na. I want to know you more.

Buti na lang talaga 11 nagsisimula ang klase namin tuwing Friday so I have time to sleep. Bago ako humiga ay naligo uli ako dahil ang dugyot ko na talaga. Madalas ay mas kumportable talaga akong matulog kapag naliligo muna.

Kahit pagod ako ay nag-enjoy pa rin ako. Sino ba namang hindi di ba?

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon