Chapter 36

2.8K 132 9
                                    



Jessica's POV

Agad akong napalingon sa aking likuran ng madinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

"Ahm, ano, syempre hindi. Pinilit lang naman ako non kaya napilitan na din akong pakisamahan. Wag ka mag-alala wala lang yon." sabi ko at agad na lumapit sa kanya.

"Hmm," sabi nya at umiwas ng tingin. Nasasaktan akong makita ang disappointment sa mga mata nya ng titigan ko ito.

"Baby, wala lang talaga yun tsaka di na ako nagseselos dun noh. Sabi naman nya wala na syang gusto sayo." nakangusong sabi ko kase hindi pa rin sya natingin sa akin.

Kaya ayaw ko syang naiinis o nagagalit eh. Hindi talaga sya kikibo hangga't kaya nya.

"Baby," tawag ko sa kanya. Bihira ko lang sya tawagin sa endearment namin pero mukhang nagugustuhan ko na syang banggitin ng paulit-ulit.

Nagliwanag ang mata ko ng makita itong napabuntong hininga at tumingin sa akin. Todo pa-cute naman ako sa kanya dahil dito.

"Sayo sya may gusto." mahinang sabi nito kaya nawala ang ngiti sa labi ko at gulat na napatingin sa kanya. Agad ko itong ibinalik ang ngiti at gumawa ng pilit na tawa.

"Ano ba yang sinasabi mo? Yun? May gusto sakin? Napaka-imposible." maangan ko pa kahit kanina ay napapansin akong kakaiba sa taong yun pero di ko na lang pinansin dahil maayos naman pakikitungo nya sakin.

"Hindi ako tanga Jema, bobo lang ang hindi makakahalata non!" naihakbang ko ang aking isang paa paatras sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses at agad kong nakita ang pagsisisi sa mata nito. "Sorry baby, i didn't mean it. It's just-"

"It's okay, naiintindihan ko. Sorry din, hindi na dapat ako sumama sa kanya. At kung totoo man yang sinasabi mo, wala akong balak kilalanin yung nararamdaman nya." sabi ko at napayuko. Napaangat naman uli ako ng tingin ng hawakan ng dalawang kamay nito ang kamay ko.

"Im sorry. I didn't mean to raise my voice and you're not dumb also. I just hate the thought of someone is liking you. I really hate it." malungkot nitong sabi kaya agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Binitawan naman nito ang kamay ko at gumanti ng mas mahigpit na yakap sa akin. "I miss you." parang naalis lahat ng nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi nyang yon. Lalo pang naghuramintado ang mga kalamnan ko ng dampian nito ng halik ang tainga ko.

"I miss you too. Promise di na mauulit yun." sabi ko na ikina-tango nya.

Habang nakayakap ako sa kanya ay may nakita ako sa lapag na bungkos ng rosas. Dala ba nya yun?

"Deanna,"

"hmm?"sagot nya.

"Dala mo ba yun." turo ko sa kanya ng bouquet ng humiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Ah yeah. I hope i didn't ruin it. I guess, it accidentally fell off my hands without me knowing." she chuckled at inabot sa akin. "Maybe, i can change the mood?" sabi nya iwinagayway pa ang mga kamay sa paligid namin na para bang naghahawi ng usok kaya naman natawa ako. "Flowers for you." dagdag nya pa at tuluyan ng nabura lahat ng mga nararamdaman ko kanina.

Hindi ko alam pero parang natakot ako sa thought na may gusto sa akin ang taong yun. Hindi ko alam kung totoo pero wala na akong balak kilalanin ang nararamdaman nya.

Bigla akong napatingin kay deanna ng hawakan nito ang kanyang tiyan.

"Hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko agad.

"Actually, no. I'm planning on eating you- i mean eating with you sana." sabi nya kaya nahampas ko bigla ang braso nya.

"Bunganga mo."

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon