Chapter 37

2.3K 101 5
                                    

Jessica's POV

Dumaan pa ang madaming araw at dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang Subic vacation namin!

Yes, my dream day has come. Hay, excited na ako sa mga pwede naming gawin doon.

"Babe, come on. We have to hurry so that we can arrive there earlier. Para rin makapag-rest tayo." bigla akong nahila sa aking pag-iimagine sa pagtawag sa akin na yon ni deanna.

Dun ko lang naalala na nag-iimpake pa ako ng mga damit namin hihi. Excited na talaga ako. Gabi ngayon at mas magandang bumiyahe dahil walang traffic at siguradong madaling araw na kaming makakarating doon.

Pagkatapos kong mag-impake ng mga damit namin ay agad kaming pumunta na sa kotse nya dahil ayun ang sasakyan namin papunta doon. Bale, nandon na silang lahat at kami ang nahuli dahil may mga tinapos pa si deanna sa opisina nila para lang makasama siya sa amin.

"Excited na ako deanna." naibulalas ko habang nasa biyahe kami. Napatingin naman ito saglit sa akin at ngumiti.

"I know you are." sabi nya sabay kuha ng kamay ko at ipinaghawak ito habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.

Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa aking katawan dahil sa pagdampi ng mga balat namin.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa isip ko yung gabi na iyon na muntik ng may mangyari sa amin. Kung hindi sya nakapagpigil ay siguradong hindi ko rin mapipigilan ang aking sarili at magpapatianod na lamang sa mga haplos nya.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa isiping iyon.

"Deanna, baka naman maaksidente tayo nyan." nasabi ko na lang at nag-alalang tumingin sa kanya kahit na gusto ko naman tong ganito dahil ramdam ko ang init nya sa palad ko.

"No, just trust me. Besides, i like it like this and its not making me sleepy because it's making my blood more alive." sabi nito kaya natawa ako.

"Ano tingin mo sa kamay ko energizer?"

"No, it's called lovegizer." naiiling na sabi nito, hindi nagustuhan ang sariling ka-cornihan.

"Corny mo." natatawang sabi ko sabay hampas sa braso nito.

"I know." natatawamg sabi nya at napakamot na lang ng kilay. "But you still love me." dagdag pa nya sabay halik sa kamay ko.

"I do." sabi ko at lumapit sa kanya para halikan sya sa pisngi.

Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating na kami sa resort kung saan nandun ang mga ka-team mates namin. Pinilit ko talaga ang akin sarili na hindi matulog habang nasa biyahe para hindi antukin si deanna habang nagmamaneho. Dinaldal ko sya ng dinaldal ng kung ano ano mawala lang antok namin.

"Ang ganda." naibulalas ko ng makita ang papasikat pa lamang na araw na tanaw mula dito sa pinagparkingan namin ng sasakyan.

"Yes, but we still have tomorrow to enjoy the sunshine and we have to rest na."

"Yeah lalo ka na. Pagod ka sigurado." hinug ko siya sabay halik sa pisngi nito. Bumaba na kami parehas sa sasakyan at kinuha na ang mga bag namin.

Hindi pa kami nakakalayo ng makita namin sina maddy, bea, jho kasama na rin si kat na nagjojogging. Itong mga to talaga hindi uso pahinga. Nakasuot sina bea, maddy at kat ng sports bra at sweatpants samantalang hoody naman ang kay jho, hindi ba to naiinitan?

"Oh, the rookie is here rin pala." agad na bungad sa amin ni kat ng makalapit ang mga ito sa amin. Bakas sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti na hindi ko na lang pinansin

"Hi deanna, hi jema." sabi naman ni Bea na balak pa atang makipag-hug kay deanna pero umiwas yung isa.

"Yuck, you're sweaty." sabi ni deanna at lumapit sa tabihan ko. Kita ko naman na tango si maddy sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti.

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon