Chapter 20

2.8K 119 6
                                    

Jessica's POV

After makita ni Deanna itong paghawak ng bwisit na lalaking to sa kamay ko ay agad ko itong hinugot mula sa kanya. I can see the frown on her face.

"Ba't ka ba nanghahawak ng kamay?" mataray at pagalit kong tanong dito sa poncio pilatong ito.

"Easy miss, nakikipagkaibigan lang ako." cool na sabi nito. Nakangisi pa ang gago na para bang nang-aasar.

"Pwes, ayaw ko makipagkaibigan. Tsaka wag kang lalapit sa gir-kaibigan ko." pagbabawi ko agad. Shet, madudulas pa. Hindi ko naman girlfriend yung tao. Bakit ba biglang gustong lumabas non sa bibig ko?

Am i being territorial? Wala naman akong pinanghahawakan eh.

"Oh, kaibigan mo pala sya. So, pwede mo ba akong ilakad sa kanya." nakangiti pa rin nitong sabi. Parang gusto kong burahin yung mukha ng lalaking to para mawala na yung nakakaasar na ngiti nyang yun. Bwiset.

"Fyi, poncio, hindi ko sya ilalakad kahit kanino, pangalawa, sigurado ako na hindi yun magkakagusto sayo, at pangatlo, akin lang sya." gigil kong sabi. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko dahil sa pagkapikon ko sa kanya. Nawala naman yung ngiti nya na kanina ko pa gustong tanggalin. Buti nga sayo.

Tumayo agad ako at lumipat sa malayo layong pwesto mula sa kanya. Bwiset na lalaking yon. Sabi ko na, minsan lang ako magmaldita pero hindi mo gugustuhin na makaharap yung malditang yon dahil hindi ko talaga nakokontrol yung mga lumalabas sa bibig ko.

Huminga muna ako ng malalim para mawala na yung inis na nararamdaman ko. Ayoko ng bad vibes. Tumingin uli ako sa laro at nagulat ako ng lamang ng lima yung kalaban sa kanila, set 3 na at panalo sila sa dalawang naunang set pero maaari pang manalo ang kalaban pag hindi nila pinanalo ang set na to.

Hinanap ng mata ko si Deanna at nakita kong nakakunot ang noo nito na para bang badtrip talaga. Tatawagin ko na sana sya ng biglang may horn na malakas indikasyon na may nag-time out.

Lumapit sila sa coach nila kaya lumapit din ako sa pinupwestuhan nilang upuan. Tinawag ko ito.

"Deanna! Deanna!" nakita kong lumingon ito sa pwesto ko kanina pero iginala nya uli ang mata nya ng makitang wala na ako doon. Lalo pang kumunot ang noo nito. "Deanna!" tawag ko uli at ikinaway na ang kamay ko at doon nakita nya ako. Agad akong ngumiti sa kanya. "Smile lang." sabi ko at nag-gesture ng smile. Nakita kong napangiti na ito dahil doon, isang tipid na ngiti. Okay na sa akin iyon kaysa naman nakasimangot. Kinilig naman ako dahil may epekto din pala ako sa kanya. Akala ko ako lang ang kinikilig. Okay, medyo assumera ako sa part na yun. Asang kinilig sya.

Bigla naman akong na guilty ng bigla siyang sigawan ng coach nila na binibigyan pala sya ng instruksyon sa gagawin nya, dinig dito sa pwesto ko yun. Pero hindi nagpatinag si Deanna sa sigaw sa kanya at parang mas naging energetic pa.

"One big fight!" sigaw nilang lahat matapos ang timeout.

Naging maayos ang laro nila pero hindi naging madali dahil talagang ginalingan din ng kalaban. Pero sa bandang huli ay nanalo din sila. 3-0 at umabot pa ng 28-30 dahil talagang ayaw patalo ng kanilang kakompitensya.

Kita ko ang saya sa mukha nilang lahat matapos ang laban na iyon. Lumabas agad ako para sa labas na lamang sya antayin.

Ilang minuto pa ang tinagal nila sa loob at lumabas na din ang mga player. Hindi ko agad nakita si Deanna pero agad akong tinawag ni Bea pagkakita nya sa akin.

"Bea, congrats pala." nakangiti kong sabi dito. Napatingin naman ako kay jho na malayo ang tingin pero nakakunot ang noo. "Congrats din jho." tumango lang ito sa akin. Ang sungit talaga nya sa akin pero hindi naman sya ganyan sa iba. "Si Deanna pala?" baling ko kay Bea.

"Nandon pa sa loob hinahanap ka ata." nagulat naman ako sa sinabi nito at babalik na sana ako sa loob ng makita kong palabas na rin pala si deanna. Pawis pa rin ito at hindi nagpalit ng suot nya kaninang jersey. Agad ko itong nilapitan. Buti na lang wala masyadong tao dito.

"Deanna, ba't hindi ka nagpalit ng damit." nakakunot ang noo kong tanong ngunit seryoso lang ang reaksyon nito. Hindi nya ako sinagot at hinila na lang sa tapat ng kotse nya.

"I thought you go out with him when I didn't found you inside." Sabi nito sa akin.

"Of course not, ni hindi ko nga kilala yon." sabi ko agad.

"I just thought you change your mind----"

"No, hindi mangyayare yon tsaka kung alam mo lang. Sayo kaya may gusto yung mokong na yon, nakaka-irita sya at sinabi pang ilakad daw kita sa kanya, aba ang kapal ng mukha akala mo naman----" ako naman ang pinutol nito sa pagsasalita at niyakap ako. Agad akong umalis sa pagkakayakap nito na ikinasimangot naman nito.

"What?" nakapout ang ibabang bahagi ng labi nito ng napakacute. Grabe, ngayon ko lang nakitang ginawa nya yon. Hindi ko napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi nito kaya humiyaw ito sa sakit. Agad ko namang binitawan ang pisngi nya at ngumiti sa kanya.

"Pawis ka kaya." sabi ko at kinuha sa kanya ang bag nya. "Tsaka ang cute mo pag ginagawa mo yon. Isa pa nga. Gawin mo nga ulit." pang-aasar ko pa. Nakita kong namula ang pisngi nito dahil don pero hindi na nya inulit at ni-rub na lang ang pisngi nya. Binuksan ko ang bag at naghanap ng towel.

"What are you going to do with that?" takang tanong nito. Hindi ko sya sinagot at pinunasan na lang ang mukha nya ng makarating na sa leeg ay hinawakan nito ang kamay ko dahilan ng pagkatigil ko.

"Bakit? Hindi pa ako tapos." pag-angal ko. Nag-eenjoy pa ako eh. Hindi ako sinagot nito at tinitigan na lang ako. Napatingin ako sa mukha nya at halata ang pamumula nito.

"Don't let anyone touch you again aside from me. It's killing me seeing you being touched by someone else. Please jema, promise me." nakatitig nito sa mata kong sabi. Hindi ko naman mapigilang ngumiti at tumango sa kanya.

"Promise." sabi ko at itinaas ang kabilang kamay na hindi nya hawak.

"Jessica,...i..." inangat ko ang kilay ko na para bang nag-aantay ng sasabihin nya. "I... Can I court you." mabilis nitong sabi pero naintindihan ko naman. Biglang nanlambot ang tuhod ko dahil sa pagkabigla pero inalalayan nya agad ako sa bewang at nakatingin pa rin kami sa isa't isa. Hindi ko inaasahan to.

Walang kurap na tumango agad ako sa kanya. Kita ko ang malawak na ngiti nito at niyakap nya agad ako. Hindi ko na ininda ang pawis nya at niyakap din sya pabalik. Grabe, this moment was so surreal. I didn't expect anything like this to happen.

Ilang sandali at kumalas na ito sa pagkakayakap at tumingin uli sa akin. Nanginig naman ako ng kaonti ng mapansin ko na lumalapit na ang mukha nito sa akin. Nang malapit na sya ay hindi ko namalayan ang sarili na pumikit. I can feel her breath in my face.

I thought she's going to kiss me in my lips but then I feel her lips on my forehead. Napangiti ako. Hindi ako nanghinayang sa pagkakataon na ito. Forehead kiss is my dream first kiss.

"Thank you." she said and smile.

Mas lalo akong nahuhulog sa taong ito.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon