Chapter 33

2.4K 120 5
                                    


Jessica's POV

"Deanna, Tara na kanina pa tayo hinahanap ng mommy mo." tawag ko dito dahil kanina pa kami tinatawag ng mommy nyang nasa kusina samantalang sya ay busy sa paglalaro pa rin sa tablet nya. Nandon na din yung isa na Pauline pala ang pangalan aka ponggay na si Deanna lang daw ang tumatawag. Ediwow. Nakakairita.

"Deanna!" tawag uli ng mommy nya.

"Deanna ano ba?" naiirita ko ng tanong. Baka mabadshot pa ako sa mommy nya dahil dito kay Deanna eh.

"Okay okay. Coming!" sabay tayo nito at hila sa kamay ko papunta sa kusina.

"Here baby, kain na tayo." Sabi ng mommy nya sabay lapag ng ulam sa lameza. Hindi ko naman maiwasang matawa sa tawag sa kanya ng mommy nya.

"Ma, stop calling me that." busangot na sabi nito kaya sabay kaming natawa ni Pauline na nasa harapan namin. Di namin maiwasang mapatingin sa isa't isa na nakapaggpabura sa ngiti nito at kita ko nalang napairap sya dahil doon. Tsk, maldita talaga.

Sabay kaming umupo na ni Deanna para kumain na. Kita ko ang saya ni Deanna habang nakikipag-kwentuhan sa mommy nya. Para syang bata na ikinukwento ang nangyari sa buong araw nya sa eskwelahan. Napapansin ko rin sa mommy nya ang pagiging masayahin at mabait. Hindi mo aakalaing may problema itong kinakaharap tungkol sa asawa dahil sa ibinibigay nyang mga ngiti sa anak.

Ang sarap makita ni Deanna na ganito, sobrang layo sa dating sya. Dati lagi syang nakabusangot at masungit. Baka dahil lang talaga yun sa pagkawala ng Kuya nya.

Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman kong may kamay sa humihimas sa legs ko. Pag tingin ko ay kamay pala ni Deanna ito na pasimple pang pinisil kaya napaiktad ako. Patuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan ng mommy nya pati na ni Pauline habang gamit ang isang kamay nya para kumain kaya hindi halata na may ginagawa itong kababalaghan sakin sa ilalim ng lamesa. Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya pero mas inangat nya ang kamay at pinisil ng madiin kaya napatayo na ako kaya tumunog yung upuan ko dahil sa pagkaisod nito.

"Oh hija, is there something wrong?" tanong ni tita sakin at kita kong napatingin din yung isa. Pag tingin ko kay Deanna at tatawa tawa pa ito kaya mangani ngani ko syang sabunutan sa harap ng mommy nya.

"Wala po, kukuha lang po ako ng tubig." sabi ko sabay abot sa pitsel na halos nasa gitna na ng mesa. Sasalinan ko na sana ang baso ko ng makitang puno pa pala ang laman nito kaya dali dali kong hinagilap ang baso ni Deanna at iyon ang sinalinan.

"Sorry." pagsosorry ko dahil na interrupt ko yung pag-uusap nila. Dinig kong natawa na si Deanna kaya napapahiyang umupo uli ako dahil nagtataka na talaga ang tingin sa akin ng mommy nya.

Sa sobrang inis ko ay kinurot ko sya ng pino sa tagiliran kaya hindi nya mapigilang mapahiyaw.

"ARAYY! Ouchhh!" sigaw nya sabay himas sa tagiliran nya samantalang ako ay tatawa tawang nagpatuloy sa pagkain.

"Anak, what happen?" baling naman sa kanya ng mom nya.

"Nothing ma, langgam lang kinurot ako este kinagat pala." di ko mapigilang matawa sa palusot nya. Kita kong patuloy pa rin ang paghimas nya sa tagiliran nya. At parang maluluha na sa sakit. Parang nagsisi naman ako dahil baka masakit nga talaga. Sya kasi eh.

"Sorry." bulong ko sa kanya pero natatawa pa rin.

"Tsk." Sabi nya na lang.

Ilang sandali lang ay natapos na din ang masayang dinner na yon. Iba ang mga tingin sa akin ni Pauline na para bang alam nya ang pinaggagagawa namin kanina doon. At nalaman ko pang dito na pala matutulog ang babaeng yun. Ayaw na kasing paalisin ng mommy nya para mag-hotel at dito na lang magpalipas ng gabi.

"Deans, can I share bed with you? Like we used to?" napalingon kaming dalawa ni Deanna ng akma na kaming aakyat sa kwarto nya. Napataas naman ang kilay ko sa tanong nya. Like seriously?

"Ahhm, ano kase." napakamot sa batok si Deanna ng maramdaman ang pagkurot ko sa braso nya na para bang nagbabanta. Pumayag ka lang, malilintikan ka saken.

"Please, you know it's been a long time since we have our bonding together." pagpapaawa pa nito.

"Uhm, I'm sorry." kita ko ang pag-asim ng mukha nito kaya parang gusto kong matawa. "But promise we can hang out tomorrow or to the other day, just not now." pagpapaliwanag agad nito kaya yung ngiti ko naman ang nabura.

"Really?!" parang biglang naeexite na na tanong nito kaya tumango agad si Deanna.

"Yes, so see you na lang." Sabi ni Deanna at hinila na ako paakyat at pumasok na sa kwarto nya. Lulugo lugo akong umupo sa kama nya kaya tumabi sya sa akin. Nakakainis, talagang nag-promise pa sya ng hang-out dun ah.

"Babe, I know what you're thinking." Sabi agad nito kaya napalingon ako sa kanya.

"Eh kase naman eh." mukmok ko pa.

"Babe she's still my friend and I can't just neglect her. O sige, ano mas gusto mo magkatabi kaming matulog o mag-bonding kami ng kahit ilang oras lang?" tanong nito kaya nawala agad ang pagkunot ng noo ko. Oo nga naman, mas okay na yung pangalawa.

Medyo maguilty din ako, oo nga naman. Kahit balik baliktarin ang mundk mag-kaibigan pa rin sila, sila ang unang nagkakakilala. Parang ansama ko tuloy. Pero kase naman eh, halata naman kase talagang may gusto sya kay Deanna no.

"Okay, I chose the latter." sabi ko at napapangiti na. Grabe, naisip nya agad yon?

"Very good. So, pwede na ba nating ipagpatuloy yung kanina." sabi nito kaya nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya ng mapagtanto ko ang tinutukoy nya.

"A-no bang sinasabi mo dyan." sabi ko at napalayo sa kanya ng kaunti. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko ng maalala ang mainit na tagpo namin kanina sa living room nila.

"Are you sure you don't know? Bakit namumula ka dyan? Gusto mo rin noh?" nang-aasar na sabi nito kaya napaangat agad ako ng tingin sa kanya sabay hampas sa braso nya.

"Nakakainis ka!" sabi ko sabay sapo sa pisngi dahil ramdam ko pa rin ang pag-init nito.

"Ikaw ah, hindi ko alam na may pagnanasa ka din pala sakin ah." natatawang sabi nito.

"Heh, tumigil ka nga! Ang kapal mo." sabi ko sabay takip ng dalawang kamay sa mukha. Dinig ko ang malakas na pagtawa nya at pagbukas-sara ng pinto ng banyo.

Nakakainis, ba't alam nya.

Ilang sandali lang ay nadinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng cr kaya napatingin ako at halos malaglag ang panga ko ng makitang mabagal nyang kinakalas ng tali ng bathrobe nya at dahan dahan din ang paglapit sa akin. Agad akong napatakip sa mata ng akma nya na itong bubuksan. Kasunod non ay ang malakas nyang pagtawa.

Inis kong tinaggal ang takip sa mata kitang may damit naman pala sya sa loob nito.

"Deanna naman!" naiinis kong sabi sabay hagis ng unan sa kanya.

"Hahaha! Nanghihinayang ka ba babe? Ayan ba ang walang pagnanasa?" sabi nya sabay tabi sa akin.

"Ewan ko sayo." sabi ko sabay pasok na sa banyo para ako naman ang maligo. Halos kinse minutos lang ay lumabas na ako at nakita ko syang gising na gising pa ring nakahiga doon.

"Babe, come here." tawag nito sa akin kaya nakangusong lumapit ako sa kanya at tumabi ng higa. Medyo malayo pa ako sa kanya kaya hinila nya ako papalapit sa kanya at niyakap. Sumubsob ako sa leeg nyang napakabango at yumakap din.

"Sorry na, ang sarap mo lang kase I-tease eh hehe." sabi nito kaya hinampas ko sya ng mahina sa dibdib.

"I love you, babe." sabi nya sabay hawak sa baba ko para tingnan ako sa mata. Shet, nagrarambulan na ang mga laman loob ko sa kilig dito.

"I love you too, baby." nangingiti kong sabi sabay halik sa lips nya. Kita ko ang shock sa mukha nya kaya natatawang sumubsob uli ako sa leeg nya.

"eeeihhhh" lalo akong natawa sa impit na irit nyang iyon at pati na rin sa naging reaksyon niya. Kinilig din ako dahil ngayon ko lang sya tinawag sa endearment at ang sarap pala sa feeling.

Hay nako Deanna Wong, my everything. I think I can't afford to lose you.

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon