Chapter 26

2.4K 109 3
                                    


Jessica's POV

Kinabukasan pagkagising ko, okay na ako hehe. Ayoko na munang alalahanin yon baka ma-stress lang ako. Kaya ngayon papunta na kami sa gym para sa training namin kasabay ko si Deanna.

Pagkakita nya sa akin kanina halata ng nag-aalala sya dahil kagabi pero ina-sure ko naman sa kanya na okay na ako. Nung una hindi pa sya naniwala pero hindi na lang ako kinulet. Salamat naman.

"Deanna, tawag ka daw ni coach. Pinapapunta ka sa office nya." agad na bungad sa kanya ni Jaja, kapatid ni jho. Kabaliktaran to ng kapatid nya dahil sya mabait sakin samantalang yung kapatid nya antaray naman.

"Okay. Je, dito muna ako." napataas ang kilay ko sa tawag nya sa akin pero hindi nya napansin.  Binaba nya yung mga gamit namin kaya umupo na lang ako sa tabi ng mga bag tsaka sya umalis.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong kasabay pala namin yung mga cheerleaders dito. Agad napaling ang tingin ko Kay Michelle na ilang linggo ko atang hindi nakita. Simula nung encounter namin sa cafeteria noon hindi ko na sya namataan pa, ngayon na lang uli. Hmm, baka napagod na din sa mga pang-gugulo sa akin.

Bigla akong napaiktad ng tumabi sa akin ang ibang ka team-mates namin. Sina Jules, Vannie, tsaka Kat.

"Hi, ikaw pala yung rookie ng team. Ako pala si Kat and you?" pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Na intimidate naman ako sa  kaya napatulala ako sa kanya. Shet, yung dating pinapanood ko lang nandito na sa harapan ko. "Hey." sabi nito sabay kaway sa tapat ng mukha ko. Agad naman akong natauhan.

"A-ano, Jema pala." agad kong sabi sabay nakipag-shakehands sa kanya. Grabe, ang ganda nya sa harapan.

"Nice to meet you, sayang di ko nakita yung pag-try out mo." seryoso nitong sabi. Oo nga, halos dalawang linggo syang hindi pumasok. Galing ata ng ibang bansa.

"Ano, hindi naman ako nag-try-out." nahihiyang sabi ko at halos mapayuko ako ng makita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"How come? Nakapasok ka sa team ng walang kahirap hirap? That's unfair." nakakunot noo nitong sabi, lumingon ako sa dalawa pa nyang kasama pero wala na sila dito sa tabi namen kaya naman napayuko nalang ule ako. Shet naman, pano ba to? Natakot tuloy ako lalo sa itsura nya. Madalas lang seryoso si Kat at hindi sya yung tipong nakikipagbiruan sa mga gantong bagay kaya nahihiya ako. Oo nga naman, ang unfair dun sa mga nag-try out para sa season na to pero hindi natanggap. May mga kasabayan din akong mga bago dito pero karamihan ay mga nag-try out talaga.

"Hey hey Kat. What are you doing?" biglang sulpot ni Deanna kaya bigla akong napatayo at lumapit sa kanya. Para akong nakahinga ng maluwag ng makita ko sya. Nakita kong napatayo din si Kat at humarap kay Deanna.

"Wala naman, masama bang makpagkwentuhan sa rookie naten?" tanong nito sa ay baling nito sa akin ng tingin na parang sinasabi na 'I'm watching you-look'. Iniiwas ko naman ang tingin sa kanya at hinigpitan ang hawak sa damit ni Deanna. "And again nice meeting you." hindi na nakasagot si Deanna dito ng umalis na ito sa harapan namin. Lumuwag naman ang pagakakahawak ko sa damit ni Deanna at humarap ito sa akin.

"Did she say something bad to you? I'm sorry if she did. Ganon lang talaga yon but she's kind i promise." hawak nito sa pisngi ko at sabay punas sa pawis na namuo sa noo ko. Shet, pinagpawisan talaga ako?

Tumango ako sa kanya at humiwalay na sa kanya dahil nadinig na namin na tinatawag na kami para mag-start na sa training. Hindi ko pa natry na makalaro sila dahil puro pagpapalakas muna ako ng katawan at trainings muna tungkol sa pag-spike, tamang pagtalon para hindi magkainjury, tamang pag-serve na pahirapan pa sa akin dahil laging tumatama sa net pero sabi naman ni coach na mai improve ko pa to dahil malakas naman akong pumalo mababa nga lang, syempre pag-block at kung ano ano pa. At dahil nanonood naman ako ng mga laro ay hindi na pahirapan sa akin pag-aralan yung mga rules sa loob ng court.

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon