Chapter 2

3.8K 104 8
                                    

Jessica's POV

"Tingnan mo! Ansama-sama talaga ng ugali ng Wong na yan eh! Bakit mo pa ba iniidolo yon eh kayabang yabang naman non?" agad na sermon sa akin ni Kyla pagkarating na pagkarating namin sa dorm room namin.

Ganyan talaga lagi yan si kyla, may pagkakataon na masungit at madalas na pagalitan ako dahil lagi ko hinahayaan sila Michelle at Deanna Wong na ganonin ako pero alam ko naman na nag-aalala lang sya sakin. Madalas kahit gaganyan ganyan yan eh nakasuporta lagi yan sa mga desisyon ko.

"Hindi naman ehh." pandedepensa ko pa.

"Anong hindi eh kita mo namang pinahiya ka na naman non sa harap ng mga tao!" sigaw nito.

"Hindi nama--Teka! Teka nga?! Bakit mo ba ako sinisigawan!? Kala mo di ko nahahalata, Kanina ka pa ah! Siga ka na?" agad na sabi ko pero alam naman naming pabiro lang iyon. Masyado na nya ako ginigisa, alam kong mali ko dahil hinahayaan kong magmukhang tanga ang sarili ko sa harapan nila Deanna pero wala eh. Ayun lang ang paraan ko para mapansin nya.

"Hehe, sorry naman friend. Nag-woworry lang naman ako sayo. Hindi ko naman sinasadya." agad na baba nito sa tono ng boses. Gusto kong matawa sa mukha nya pero di ko magawa, hindi pa rin maayos mood ko.

"Tsk, masanay kana kasi, parang hindi nangyayari sa akin to every game." Sabi ko dito. And yes that is happening everytime na may game.

Wala na, nasanay na ata ako sa kasungitan at kasamaan ng ugali ng babaeng yun pero wala eh.

"Yun na nga bes, lagi nya yon ginagawa pero hindi ka pa rin nadadala." Sabi nito sa maingat na paraan. Mahinahon rather.

"Basta, ewan ko." Sabi ko habang ginulo ang buhok ko at humiga na lang sa kama ko.

"Bahala ka nga jan bes, labas muna ko." hindi ko na sya sinagot at nagtalukbong na lang ng kumot sa mukha. Buti na lang talaga friday ngayon so medyo mahaba ang time ko sa pagtulog at paghiga. Medyo tinatamad pa din akong maggawa ng mga assignments baka bukas na lang yon.

Si Deanna, kung susumahin mo, hindi naman sya gaanong kasama dahil hindi naman sya yung bully type na nananakit physically pero medyo masakit nga lang magsalita dahil masyadong direkta. Pranka sya at sasabihin nya ang gusto nyang sabihin kahit nakakasakit pa ng damdamin.

She's not the type na maligalig but serious lang talaga sya sa mga bagay bagay. Pero, napakatalino, atlethic, maganda, maganda, tsaka maganda, hays. Well totoo naman.

Ewan ko, nababaliw na ata talaga ako.

Nagpapantasya ako minsan na mapansin nya ako pero sino ba ang niloloko ko. Napapansin nya nga ako pero hindi naman sa paraan na gusto ko. Sino ba naman kasi ang makakapansin at makaka appreciate sa isang maingay, tamad, isip-bata sabi nila, magulo, at higit sa lahat cute lang.

Kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya nang magising ako ay gabi na. Tumingin ako sa kanan ko at nakita si Kayla na nakahilata na sa kama at nakanganga pa. Pasukan sana ng ipis yang bunganga nya. At dahil hindi na ako makatulog ay naisipan ko munang magpahangin sa labas.

Nang buksan ko ang pinto ay medyo malamig kaya bumalik agad ako sa loob at kinuha ang jacket ko. Agad agad akong lumabas dahil baka magising pa yung isa, ayaw nya ng naiistorbo sa pagtulog. Naalala ko last time di nya ako pinansin maghapon dahil nagising ko sya dahil sa nabasag nyang favorite vase na bigay pa ng mama nya. Sobra syang nainis sakin dahil kulang na nga daw sya sa tulog ay sinira ko pa ang mahalagang gamit nya. Kinabukasan din non ay parang kasintahan ko sya kung suyuin dahil pakipot pa, pinalitan ko na nga ang vase nya.

Natatawa na lang akong inalala yon habang naglakad lakad sa hallway. Gusto ko magpaantok pero natatawa ako sa naalala ko. Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko nang may narinig ako sa di kalayuan. Hala, may multo ba dito?! Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa ako nakaka kita ng multo pero hindi ko naman sinabi ng gusto ko makakita. Bakit naman ganito. Paalis na sana ako dahil hindi ko na kaya pang manatili dito pero parang nadinig kong nagsalita yung multo.

Mygosh! Eto na ba yung sasabihan ka nya ng 'tulungan mo ko, gusto ko ng hustisya.' OmG!!!

"Ma naman, ba't ba ayaw mo pang iwan yan si daddy?... I know ma, but ayaw ko naman na ginaganyan ka lang nya. Hindi ka ba nagsasawa sa panloloko nya ma?....Fine, fine. Bye ma." hindi pala multo yon kundi sa Deanna. Mygosh minsan talaga aanga anga ako ehh, bakit ko nga naman mapapagkamalang multo to. Dyosa na nga ata to.

"Are you done eavesdropping?" tanong ng nasa harapan ko na ikinalaki ng mata ko.

Shit, kailan pa sya nakapunta dito?

"Hindi, hindi ko naman intensyon na makinig eh." I said defensively.

"Ohh okay, so, anong narinig mo?" walang emosyon na tanong nito.

"l-lahat" sabi ko dito. Kinakabahan ako dahil nakakatakot ang aura nya ngayon.

"Hindi pala sinasadya ah, pero pinakinggan mo lahat." Sabi nito. Nakikita ko sa mata nya yung ibat ibang emosyon pero magulo, masyadong halohalo.

"Sorry, sorry. Promise hindi ko na uulitin." Sabi ko sabay yuko.

"Makarinig lang ako ng usap-usapan tungkol sa bagay na yon ay malilintikan ka talaga sa akin. I don't want anyone to know about this and if that happens, aasahan mong malalagot ka sa akin." she said greeting her teeth. I gulp and nod.

Shit, nakikita ko naman na lagi syang grumpy noon pero iba yung ngayon.

Agad itong umalis sa harapan ko at tumalikod na, baka papunta na sa dorm room nya. Habang ako ay nakatayo lang doon at hindi namalayan na nanginginig na ang kamay at tuhod ko. Please remind me na wag galitin ang isang Wong.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon