Chapter 12

2.7K 100 4
                                    

Jessica's POV

Lunes na ngayon at ganon pa rin ang routine namin ni Deanna. Dinagdagan nya nga ng isa pang lap ang aking takbo at ngayon ay 5 laps ang kailangan kong takbuhin. I complain everything to her but I get no response. Patuloy lang ito sa pagtakbo samantalang ako ay lulugo lugong sumusunod sa pagtakbo.

Epektibo ang ginagawa naming routine at ang nakakamangha ay hindi ako inaatake o kahit pagsikip ng paghinga. Nung una ay hindi mawawala sakin ang hingalin ngunit inaalalayan ko na naman 'to ng aking gamot at nakaready lagi ang inhaler ko in case pero I'm thankful na hindi sya malala.

Kada gigising ako sa umaga ay talaga namang napakasakit ng lahat ng mga kalamnan at kasu-kasuan ko. Lalo na noong unang takbo ko grabe parang binugbog ang buong katawan ko sa sobrang sakit.

"Deannaaa, pwede bang tumigil na muna tayo." Sabi ko dito ng makasabay na ako sa takbo nya. Grabe, wala atang kapaguran ang babaeng to.

"One lap left." Sabi lang nito.

"Kailan ba kase ako hahawak ng bola, ang alam ko ang gusto kong matutunan ay mag volleyball at hindi ang maging runner." Patuloy kong angal. I heard her little chuckle at that.

"Stop complaining dear." Sabi nito at Napa tingin naman ako sa kanya dahil sa tinawag nya sakin. She loves making me blush, kahit alam kong namang hindi nya nakikita ay ipinaling ko pa rin ang mukha ko sa kabilang direksyon para hindi nya mahalata.

"Eh pano naman kase, pagod nako." Sabi ko.

"Fine, you can rest now." Sabi nito.

"Yay!, thank you." Sabi ko sabay takbo sa mga gamit ko. Maganda nga itong training na ito. Hindi na ako mabilis mapagod masyado. Anggaling.

Hindi ko na sya hinintay pa at dumiretso na ako sa dorm room namin at nakita ko si Kyla na tapos ng maligo kaya ako naman ang naligo.

My morning classes are great. Nagngingitian na kami ni Deanna sa hallway pero as usual tipid lang yung kanya. Pero okay na yun kase katulad ng dati na para akong hangin sa paningin nya.

Agad kaming dumiretso ni Kyla sa counter para bumili ng pagkain pero hindi na yon na tuloy ng may maramdaman akong malagkit na dumikit sa likuran ko. Napapikit naman ako sa inis dahil alam ko na kung sino ang may gawa nito. Sa paraan ng pagkakadampi niyon sa akin ay alam kong sinadya iyon dahil hindi naman siksikan sa loob ng cafeteria.

"Opps, hindi na naman kita nakita." natatawang sabi nito ng humarap ako sa kanya. Galit akong tumingin sa kanya pero parang wala lang ito sa kanya.

"Ano ba talagang problema mo?" casual kong tanong.

"Ikaw! Ikaw na malandi ka. Nilalandi mo ang sachi ko." nag-aakusang sabi nito. Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko na sya ng malakas. Matagal na talagang nangangati ang kamay ko na manampal pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin yon. Punong punong na ako sa kanya.

At sachi daw?? Sa pagkakaalam ko ay di naman sila close para ganon ang itawag nya kay Deanna.

"Hindi ko sya nilalandi at ang ayaw ko lahat ay tinatawag akong malandi." pigil ang inis kong sabi. Unti unti na kaming pinagtitinginan ng mga estudyante na narito sa loob ng cafeteria.

"Yes, you are bitch. Masyado ka talagang papansin eh noh?" Sabi nito sabay tulak sa akin kaya naman naupuan ko ang spaghetti na itinapon nya sa akin kanina. Arrghh! Nakakainis na talaga.

"Hoy! Sumusobra ka na ah!" dinig kong sigaw ni Kyla. Hindi ko na maawat si Kyla ng itulak nya din si Michelle dahil masakit ang pwetan ko dahil sa pagbagsak.

"Hey, what's happening here?" dining kong sabi ni Deanna. Ba't lagi syang dumadating sa mga ganitong pagkakataon? "You did this Michelle did you? I told you to stop bothering her or anyone here." nagbabantang sabi nito habang ako ay nakatitig lamang sa kanya.

"But she's the one who start it." hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Aba, talagang naggawa pa ng kwento.

"Stop! I know you Michelle. So get out."

"But-"

"Get out!" sigaw nito na nakapagpapitlag kay Michelle na agad na umalis. Lumuwag ang paghinga ko ng makitang nagsisialisan na ang mga tao.

Pagkaalis ni Michelle ay agad na lumapit sa akin si Deanna na nakapagpakabog ng dibdib ko. Shet, parang knight in shining armor lang ang peg. Namula na naman ako dahil sa kilig na nararamdaman ko sa ngayon. Napatingin naman ako kay Kyla na nakangiti ng nakakaloko at tinalikuran na lang ako. Aba, ang bruhang yon.

"Hey are you okay?" tanong nito at lumuhod sa tabi ko. Nagtry akong tumayo pero hindi ko magawa dahil nagka halo halo na ang sakit ng mga kalamnan ko at pati na rin ng pwet ko. "Hey, don't force yourself. Let's go, let me help you."

"Hindi, kaya ko na to. Salamat." Sabi ko kahit hindi naman talaga.

"No, you can't. Here place your arm in my shoulder." she instructed me. Unti unti akong tumayo at parang gusto kong mapahiyaw dahil sa sakit pero ayaw kong ipaalam sa kanya.

Nang makalabas na kaming canteen ay inabot na kaming siyam siyam kaya napagpasyahan nya ng buhatin ako.

"Ayy! Hoy, ibaba mo ko." Sabi ko agad dahil pinagtitinginan na kaming dalawa.

"No, let me carry you to your dorm." Sabi nito at dire-diretsong naglakad papuntang dorm room ko.

"Pero, madudumihan yung damit mo." halos mahina kong sabi dahil nahihiya at isa pa, kinikilig din ako pero hindi naman halata.

"Dont mind it." monotone nitong sabi.

Shet, Deanna ano ba tong ginagawa mo sa akin?

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon