Chapter 3

3K 98 1
                                    

Jessica's POV

Dalawang araw na rin matapos ang kaganapan na iyon sa pagitan namin ni Deanna. Grabe yung takot ko sa kanya noon dahil makikita talaga sa mata nya na eager sya na itago ang sikreto na iyon sa kahit na sino. Sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ko ipagkakalat yon. Hindi ako yung taong kayang manira ng buhay ng iba. Kung sa ibang normal na tao normal lang yung ganong problems pero hindi para sa kanya.

Kilala ang pamilyang Wong dito at alam kong may reputasyon silang pinanghahawakan. Alam ng marami na perpekto ang pamilyang yon pero hindi pala.

Nagmamadali ako ngayon sa pagbibihis dahil tanghali na akong nagising. Dahil masipag ako, kagabi ko lang ginawa ang assignments ko sa tatlong subjects. At Ala una na din ako nakatulog matapos lang lahat yon. Nauna na tuloy si Kayla sa akin, yung bruhilda talaga na yon. Abay sinampal banaman ako para lang magising. Pasalamat siya pa late na kami kaya wala na akong time gantihan siya. Arghh, naiinis pa rin ako.

Tumakbo agad ako papunta sa first subject namin dahil kahit anong oras pwede na magring ang tardy bell. Jusko, ayaw ko non. Saktong pagkarating ko doon ay hingal na hingal ako. Bawal pa naman ako masyadong hingalin. Hindi maganda para sa akin. Buti na lang presko dito at hindi ako kinapos ng hininga. Mala lagot talaga sa akin to.

Babatukan ko pa sana si Kayla ng magsalita na ang prof namin.

"Sinuswerte ka ngayon, mamaya ka sakin." pagbabanta ko pagbaling ko dito. Hindi na ito sumagot pero kita kong natatawa pa ito tsaka tumingin na lang sa prof. Habang ako ay tumingin sa paligid at namataan ko na ang pakay. Nandoon sya sa gilid sa banda sa unahan at magisa na naman. Lagi lang syang ganan araw araw. Tahimik lang.

Kahit minsan marami na umaaligid-aligid sa kanya na mga fans nya, hindi nya yun pinapansin lahat. Minsan tatanguan nya lang kapag may nag compliment sa kanya. Hindi lang ako ang fan nya dito sa room. Marami kami. Minsan ko na syang inapproach sa room pero hindi ko gusto ang kinalabasan, napahiya lang ako. Mas gusto ko pa tuwing may game dahil hindi lang ako ang laging sumisigaw ng 'Go, Deanna wong' 'Paautogragh!' hindi masyadong nakakahiya. Pero hindi ko na kayang ulitin dito sa room.

Grabe naman kase, ba't ang ganda nya. Kahit sino mahuhulog sa charm na meron sya.

Sa sobrang lutang ko ay halos mapatalon ako sa biglang pagring ng aming bell. Shet, anyare? Tapos na ang klase? Wala akong nadinig! Hays bahala na nga.

Matapos pa ang dalawang klase ay lunch time namin at syempre hindi ko nakalimutan na batukan yung isa dyan.

"Aray naman bes! Grabe ka, hindi mo talaga kinalimutan yon?" gulat na tanong nito.

"Ikaw kaya sampalin ko din ng hapit no?" Sabi ko naman. Hindi na ito kumibo at hinila na lang ako papuntang cafeteria.

"Ako na nga ang oorder bes, dyan kana lang. Pambawi na lang." Sabi nito ng nakangiti. Tumango naman ako at ngumiti din sabay irap. Mabuti naman. Mabait naman talaga yan minsan ehh, pag may kasalanan. Ganto lang naman kaming dalawa mag-aaway, mag-babati. Walang pataasan ng pride.

Sa tagal ni Kayla dumating ay nagtingin tingin muna ako sa paligid at ayun. Nakita ko na naman sya sa isang sulok. Salubong ang mga kilay. Ba't parang bad trip to? Grabe, hindi ko gusto kapag salubong ang kilay nya sa labas ng court. Madalas kasi neutral lang ang mukha nya pero iba ngayon. Ano kayang nangyare.

"Bes, at your service. Eto na ang mga lalamunin." I chuckled at her remark. Baliw talaga ang isang to.

"Kumain na nga lang tayo. Salamat pala sa libre." I smile sheepishly at her. She rolled her eyes playfully.

"Hindi to bukal sa kalooban." Sabi nito sabay tawa. Loka-loka talaga haha.

Pagkatapos namin kumain ay tumingin uli ako sa pwesto ni Deanna kanina pero wala na sya don. Baka nasa room na.

"Bes, kanina ka tingin ng tingin doon. Ano bang meron?" tanong nito.

"Wala lang yon. Tara na nga sa room."

Pumunta na kami agad sa room namin at tumingin uli ako sa upuan nya doon pero wala sya. Malapit na magsimula ang klase pero wala pa din sya. Baka maaga practice nila. Yeah, baka nga.

Natapos pa ang apat na subject namin pero walang dumating na Wong. Hindi naman sya ganito. Hindi sya yung tipo na nag iiskip ng class dahil kung may practice sila two hours lang yon at makaka habol pa sya sa ibang subject pero hindi. May mali talaga.

"Ahhm, miss Galanza. Pwede bang humingi ng pabor?" agad na naputol ang aking pag-iisip ng marinig ang isang prof na tumawag sa akin. Inisip ko uli ang tanong nito kaya tumango agad ako. "Pakidala to sa office, pakibigay na lang sa secretary." abot sa akin nito ng isang folder. Tumango uli ako at humarap kay Kayla.

"Bes, hindi na kita masasamahan. Na-eerbaks na ako." Sabi nito. Naaawa naman ako at pinayagan na sya. Katakawan kasi. Tsaka kaya ko na naman to mag-isa.

Humiwalay na sa akin si Kayla papunta sa direksyon ng dorm samantalang ako naman ay papunta office. Pagkadating ko doon ay inabot ko lang iyon sa secretary at umalis na agad.

Masyadong tahimik na sa parteng ito ng school. Wala masyadong pumupunta dito dahil may kalayuan. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humablot sa akin at isinandal ako sa pader ng pahampas na dahilan ng pagsakit ng dibdib at likod ko. Agad kong tiningnan ito at ito ay walang iba kundi si Deanna. Idiniin nito ang dalawang kamay sa kwelyo ko ng mahigpit. Galit sya, yun lang masasabi ko.

"What the fuck did I told you? I told you to not to tell to anybody!!" she shouted and slam my back on the wall. Grabe ang galit nya. Masyadong masakit ang pagkakahampas ng likod ko pero hindi ako nag-complain.

"A-ano bang si-sinasabi mo?" I asked at halata sa boses ko ang takot at sakit dahil sa pagkahampas sa pader.

"Someone knew about it!!! I told you to keep it to yourself! But you didn't!" she shouted again. Hindi na ako nakapag salita at naramdaman ko na lang ang dibdib ko na unti-unting sumisikip. I can't understand kung ano pa ang sinasabi nya dahil unti unti ko ng hinahabol ang paghinga.

'No, not now. Please.' I'm started to panicked. Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak nito sa kwelyo ko at lumayo ng konti sa akin. Napaluhod ako at agad na kinuha ang bag ko. I'm still gasping for air. I can't breath. Kinalkal ko ang bag ko pero hindi ko mahanap ang inhaler ko. 'Shit, no.' Unti unting nanlabo ang mata ko. Hirap na talaga akong huminga.

The last thing I know is someone carried me and I didn't know what happen next.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon