Chapter 18

2.8K 109 3
                                    

Jessica's POV

Kinabukasan ay agad kong napagpasyahan na pumunta sa ground para sa aking daily practice. Di ko alam kung dito magpa-practice si Deanna dahil hindi naman namin napag-usapan ang tungkol dito.

Matapos ang pangyayari ng iyon kahapon ay umakto na lang kaming parang walang nangyare. Halata ang inis ni Deanna dahil sa biglang pagpasok ni Bea sa room, may nakalimutan daw. Halata ang nakakalokong ngiti na makikita mo sa mukha ni Bea na tila ba gusto ang naabutan. Naghabilin pa ito na hinaan namin kung sakali kaya naman nakatanggap sya ng malutong na batok mula Kay Deanna.

Hiyang hiya naman ako dahil kailangan nya pa talagang maabutan ang ganong eksena, mygod parang gusto ko talagang magpalamon sa lupa ng mga oras na 'yon. Itinuloy namin ang ginagawa ng research at wala ng ibang napag-usapan pa pero masaya ako dahil hindi naging mabigat ang ambiance sa pagitan naming dalawa ng mga oras na iyon.

Maaga ako nakarating sa quadrangle at wala pa talagang masyadong liwanag, ganitong oras masarap magpapawis.

Hindi pa ako masyadong nakakalapit pero may nakita na akong tao na nakasandal malapit sa puno. Nang nakarating ako ay nakita kong Deanna ito at may hawak na Bola ng volleyball. Bakit sya nandito?

"Hey, bat nandito ka?" agad ko tanong sa kanya. Biglang parang isang kidlat na dumaan sa aking isipan ang mga alaala ng mga nangyari kahapon na ngaing dahilan ng pagpula ng pisngi ko.

"Bakit, am I not allowed to be here?" tanong nito, at halata namang nagbibiro lang.

"Ewan sayo. Nagtatanong lang eh." Sabi ko at binaba ang maliit kong bag pero kinuha nya ito. "Oy, anong ginagawa mo."

"Let's go to the gym, doon tayo. We don't have practice today so, I can teach you now." Sabi nito at nagsimula ng maglakad. Shet, excited na ako. Ano kaya ang mangyayari, sana matuto ako. Parang ang cool kase kapag marunong ka mag-volleyball eh.

Pagkarating namin doon ay agad nyang binato sa akin ang bola at buti na lang ay nasalo ko kundi baka sa mukha ko tumama yon. Hays, napaka talaga.

"So, basic muna. Do you know about the basic toss?" kinuha nya sa akin ang bola at imuwestra ang dapat gawin. Lumayo layo sya sa akin ng kaunti at inihagis nya sa akin ang bola at sinabi nyang gawin ko na daw.

Pag-toss ko ay halos mapasigaw ako dahil, shet ansaket pala.

"Isshhh, sakiiiit." Sabi ko sabay himas sa braso ko. Pero wala syang awat at hinagisan pa ako ng bola. Minsan iniilagan ko pag feeling ko malakas ang hagis nya at sinasalo ko naman kapag sinasamaan nya na ako ng tingin.

Ansakit na ng braso ko. Grabe wala syang awa. Nakita kong parang namamaga na yung braso ko at namumula kaya naman nagmakaawa na akong tumigil na. First time ko kaya sobrang sakit nya talaga.

"What?"sabi nito pero lumapit naman na sa akin. Napaupo ako at idiniin sa bandang dibdib ko ang dalawang braso kong parang dudugo na sa kapulahan.

"Napakasakiiiit." angal ko sa kanya. Kinuha nya naman ang braso ko at parang na guilty naman sya sa nakita nya.

" Sorry, sorry."sabi nito sabay kiss sa braso ko. Para naman akong nakuryente dahil sa ginawa nya. Napatigil naman sya ng naramdaman nyang nanigas ako bigla at na realize ang ginawa nya. "Ahm, sorry tara dun muna tayo sa bench. May cold compress ako don para hindi pumasa." Sabi nito at hawak pa rin ang braso ko. Hindi na ako umangal dahil ansakit naman talaga.

"Masakit pala yon." paangal kong Sabi.

"Okay lang yon, it's your first time. Ganon talaga." Sabi nito at sabay kami naupo sa tabi ng mga bag namin. May kinuha ito sa bag nya at inilagay sa braso kong namumula. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkalagay nya sa akin non.

"Ahh, sarap." Napatingin naman sya sakin dahil sa sinabi ko at nakita kong napalunok ito. Anong problema nito. "Grabe parang ayaw ko na ata nito." Sabi ko na lang.

"What? You started it already and I told you no backing out." striktong sabi nito.

"No backing out, eh ikaw nga yung unang umayaw. Araw-araw kaya akong natakbo na hindi ka pumunta. Naabot ko na yung 7 laps pero wala ka naman." medyo nalungkot ako sa naalala ko.

"Sorry, you know. I will make it up to you now. Don't worry." nakangiti nitong pacute kaya napangiti na rin ako. Although di ko alam kung nagpapacute ba sya o sadyang cute na talaga. I choose the latter.

"Okay okay." Sabi ko. shet kinilig ako di ko alam. Yung dating hinahangaan mo banaman ganto umakto sa harapan mo although hanggang ngayon naman ay hinahangaan ko siya.

"So see you na lang mamaya. You can rest for one hour naman. Dahil yun lang naman ginawa natin. Just put it there." Sabi nito at inayos ang lagay ng cold compress. Sya na nagdala ng bag ko at sabay na din kaming naglakad papuntang mga room namin. Ba't ang sweet nya ngayon. Pero gusto ko na ganto na lang kami.

"Ahm, do you want to watch our game the day after tomorrow?" parang alanganin pang tanong nito sa akin. Napalingon nman agad ako sa kanya.

"Oo naman, kailan ba ako umabsent sa game mo. Basta galingan mo ah." nakangiti kong sabi at kita ko naman na namula ang pisngi nito. Di ko napigilan ang sarili ko at pinisil ko ng madiinang pisngi nya.

"Aray, ouch" Sabi nito sabay himas sa pisngi nya. "Why did you do that?" Sabi nito pero nasa pisngi pa rin ang kamay.

"Wala, ang cute mo kase. So, see you mamaya and sa game mo. Goodluck." sabi ko at kinuha ang bag ko sa kanya. Pumasok agad ako sa room dahil di ko na mapigilan ang kilig ko.

This is life.

-🥀

I'm A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon