Chapter 10

1K 65 10
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Kasama ko si Nikee na naglalakad ngayon,hindi ko alam kung halata ba pero hanggang ngayon ay masakit padin ang katawan ko,chineck ko siya sa mirror kaninang nagbibihis ako and to my surprise ang dami kong sugat at pasa. . .just like the old time.

Simula kahapon ng nawala sila Blossom at Buttercup ay napansin ko na wala ng nanggugulo pa sa buhay ni Nikee,I guess ang Powerpuff Girls lang ang nang bubully sa kanya noon at nag iimpluwensya lang ang mga ito para i-bully si Nikee ng iba.

At ang napagtuonan naman ng pansin ng mga bully ay ako,at ang rason?yung itsura ko.

Bakit ganon?Kapag maganda ka may mabubully padin sayo katulad ng issue sa pagitan ni Nikee at PPG at kapag pangit ka naman may mambubully padin sayo,walang pinagkaiba.

Pero kapag lumaban ka kaya,may mang bu-bully padin sayo?tsk,natanong ko lang yan,wag na kayong umasa na lalaban ako,okay?Call me weak or what,totoo naman kasi.

Aminado akong mahina ako at walang laban,isa din akong malaking duwag kaya naman hahayaan ko nalang ang iba na apihin ako as if naman na may laban ako.

Try ko kayang uminom ng Bonakid?

Ngayong wala na masyadong nananakit kay Nikee,sa daraang mga araw ay gagaling na ang mga sugat at pasa niya,sa ganon ay mas lilitaw ang ganda na kanyang tinataglay,sana all nga naman.

Insecure ako sa pagka morena niya,ako kasi kahit anong bilad ko sa araw hindi ako mangitim ngitim,magiging kamatis lang ang kulay ng balat ko pag nagkataon.

Hindi ko nga alam kung kulot ba ang buhok ko o baka naman unat,malay ko ba eh hindi nga ako nagsusuklay.

Eto namang katabi ko ay kanina pa dada ng dada hanggang sa makarating kami dito ng room.

"Alam mo ba na ang sarap ng scramble egg kapag sinabayan ng nilagang itlog?lasang itlog padin eh"

"Oo ang sarap siguro non."sabi ko nalang habang busy sa pag drawing ng kung ano sa notebook na aakalain mong importante dahil halos ingudngod ko na ang mukha ko sa table.

Ewan,hindi ko na nga din alam kung ano ang pinagsasabi ni Nikee at kung ano ba ang pinagsasagot ko.

"Yung mga isda sarap na sarap sa mga bulate kapag pinapain ng mga tao tapos ang mga tao naman ay todo kain ng isda,pero minsan nagtaka ka ba kung bakit hindi lasang bulate ang isda?"

"Oo nga naman,teka nakakain ka naba ng aso na may buntot ng isda?"tanong ko habang nagsusulat padin.

"Huh ano yun?"nalilito niyang tanong.

"Yung sea lion kako,hindi ko alam kung bakit sea lion tawag dun,dapat nga ay sea dog eh dahil mukha namang aso na serena."

"Baka mermaid dog!Haisst saan ba napunta ang utak ng mga tao?"reklamo niya at sinilip kung ano ang dino-drawing ko.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon