Chapter 16

1K 71 40
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Owkayy...

Pasimple kong sinampal ang sarili ko at pilit na kumalma.Kakayanin ko to.

Tinignan ko ang logo nila na siyang ita-tattoo ko sa kanilang balat.Si Raven ang mauuna kaya naman nakaupo siya sa harapan ko at nakatalikod habang ako naman ay nakaupo sa likod niya at nakaharap sa kanyang sexy back.

Naku,kung hindi lang talaga suplado 'to—o ano Xyra?Ano kapag hindi suplado ha?Tumigil ka nga,landi neto.

Tumikhim muna ako,kanina sinabihan ko sila na magdamit muna pero hindi na daw dahil sanay naman silang ganyan ang ayos.Pero hindi ba nila naisip na may babae dito?tsk.

Sa likod ko sila ta-tattoo-an dito banda sa likod ng kanilang balikat.Pinuwesto ko na ang sarili ko at hinanda ang gagamitin sa pang tattoo.

Buti nalang at marunong din ako mag tattoo,isa rin kasi ito sa part time ko noon,dahil sa kagustuhang maka ipon ng pera.

Yung 3k na naipon ko noon,igagastos ko sana yun sa tuition ng mamahaling paaralan kaso dito ang bagsak ko.Tsaka hindi naman sapat yon pambayad.

Sigurado ako na pinag piyestahan na nila Nancy ang perang yun.

Seryoso ako habang tina-tattoo-an siya,hindi ko muna pinansin kung sobrang lapit ko na ba sa kanya o kahit na ang awkward ng posisyon namin.

Mas pinili kong mag focus dahil kapag nagkamali ako,baka mapatay nila ako ng wala sa oras lalo na at leader nila itong tinatatuan ko.

Hindi ko alam kung nasasaktan ba si Raven o hindi,wala kasi siyang imik kanina pa at sobrang tahimik,saglit ko siyang tinignan pero yung tainga niya lang na namumula ang nakita ko,humimihinga pa ba siya?may sakit ba siya?namumula eh.

Isinawalang bahala ko nalang iyon at pinagpatuloy ko na ang ginagawa.

***

Natapos ng matiwasay ang kay Raven at ng sinabi kong tapos na ay ayaw niya pa atang umalis.

"Raven,tapos na po."sambit ko ulit at doon lang siya umalis,sunod na umupo ay si Shin at pinag piyestahan nila Henry ang tattoo ni Raven,napangiti nalang ako ng marinig ko ang ilang compliment nila kesyo ang cool at kuhang kuha ko daw,gusto na nga din nilang mag pa tattoo dahil ang astig daw,well...

Pasalamat kayo sakin dahil mas mag mumukha kayong manly.

Umiwas ng tingin sakin si Shin bago umupo,sinimulan ko nadin siyang ta-tattoo-an.

Gaya nung una ay sinilip ko kung okay lang si Shin pero katulad ni Raven ay ang namumulang tainga niya lang ang nakita ko dahil nakatalikod siya.

May mga sakit ba ang tao ngayon?

Sinimulan ko nalang din ang dapat gawin.

Natapos ng matiwasay ang pag tattoo ko sa kanilang lima,ang unfair lang dahil kanina pa sila nag eenjoy at nagsisiksikan sa salamin habang ako tamang silip lang sa mga abs nila kahit pagod na pagod na.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon