XYRA
Mag isa akong naglalakad sa hallway habang pinagmamasdan ang aking palad.Bulagta pa si Luna at si Nikee siguro ay ganon din,mamaya pa sila papasok samantalang ako ay napa aga.May narinig akong mga bulungan sa paligid at ang mga tingin sa akin ng mga estudyante ay matatalim na para bang pinapatay na nila ako sa isipan nila.
"Girl,may nakakita daw kay Raven na kasama ang nerd na iyan,mga gabi na nun at oras ng bloody night,sabay silang umalis sa dating training room ng Red Venom."
"What?Ang landi naman ng nerd na yan,sarap upakan."
"Oo nga,pati ba naman si Raven aahasin pa,eh may girlfriend na nga eh."
"Look at her oh,ang pangit pangit,ang frizzy ng hair at ang dugyot ng pagmumukha."
Tsk,mga ususera talaga ang mga impakta,oras yun ng training namin ni Raven,kakainis pati ba naman yun ginawan ng issue.At oo alam kong pangit ako!May problema?Kainis to!Feeling perfect mukha namang pekpek!
Oopss,yung pekpek na tinutukoy ko is pakpak ng manok ha,baka kung ano iniisip niyo diyan, ginawa ko lang na 'e' para tugma sa perfect,hihi.
Habang naglalakad ako ay parang katulad ito nung unang araw ko na ang daming tumitingin sakin at umuugong nanaman ang mga bulungan at panglalait.Palibhasa wala si Luna.
Napaupo ako sa sahig at napa aray ng may malakas na bumunggo sakin,nilingon ko kung sino ito at nakita ang limang babae na nakatayo sa aking harapan.
Napatulala ako sa babaeng nasa gitna,sobrang ganda nito at ngayon ko lang ata siya nakita—hindi!Siya yung kahalikan ni Raven noon!
Natulala ako sa mukha niya at hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya.
Mula sa perfect v-shaped jaw,magagandang kilay,malalantik na pilik mata,perfect nose at mala rosas na labi.
Sobrang perpekto niya kung titignan,at mala prinsesa ang ganda,no wonder kung bakit siya nagustuhan ni Raven.
Narinig ko kasi kanina na may girlfriend na si Raven at siya na siguro iyon dahil siya naman ang nahuli ko na kahalikan nito.
Nanliliit tuloy ako dahil ang ganda niya samantalang ako...nevermind.
Tinaasan niya ako ng kilay at hindi man lang nag abala na tulungan akong tumayo.
"Sht,yung mga top 3 nandito."
"Omg,ang ganda ni Queen Weina."
"Oh.my.gosh."
"Lagot ka ngayon nerd,landi pa more."
BINABASA MO ANG
Bloody University
Mystery / ThrillerMga gangster....mga gangster ang araw araw kong nakakasalamuha na walang ginawa kundi ang araw araw din akong suntukin,tadyakan,sipain,saksakin, at oo dumating rin ang araw ng muntikan nila akong patayin... Ang paaralang ito ay nasa isang liblib na...