Chapter 59

720 41 12
                                    


XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

(Play the song on the multimedia while reading this chapter)

Song:Sick of Losing Soulmate-Dodie

Tumakbo ako paalis sa kinaroroonan namin matapos ko sa kanyang sabihin ang dapat gawin.Hinihiling ko na makahingi sila ng tulong agad at hinihiling ko na sana ay makalabas sila dito ng ligtas kasama ang mga estudyanteng biktima.

Mas lalong lumakas ang pag buhos ng ulan pero patuloy parin ako sa pagtakbo habang sinisigaw ang pangalan nila Nikee at Luna.

"NIKEE!LUNA!"

Hinihingal akong napasapo sa tuhod at sunod sunod ang malalakas na pag ubo,sa bawat pag ubo ay may kasamang lumalabas na dugo sa aking ilong,napasuka nadin ako ng wala sa oras ng bigla akong mahilo.

Hindi ko iyon pinansin dahil mas kailangan ko pa silang unahin.Nagpatuloy ako sa kakasigaw at nilapitan ko narin ang ibang estudyante at tinanong,may mga hindi pumapansin sa akin dahil nakikipaglaban sila,ang iba naman ay hindi makausap ng maayos dahil sa takot.

Frustration seep through me pero wala akong nagawa kundi ang mapasigaw ng malakas ng dahil sa galit,inis,at pag aalala,halo halong emosyon ang mga nararamdaman ko.

Ngayon ko lang napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng gubat,nakakuyom ang kamao ko habang naglalakad,nagsisigaw padin ako at umaasang narito sa loob ng gubat sila Luna at Nikee.

Hindi ko nakita ang isang nakausling ugat ng puno dahil sa dilim ng paligid kung kaya't nadapa ako at nasubsob sa maputik na lupa.

Agad na nabalot ng putik ang damit ko,pati narin ang ilang parte ng mukha at katawan ko ay nalagyan din ng putik, naramdaman ko ang isang mahapdi sa aking siko at tuhod pero kahit ganoon ay pinilit ko pading tumayo.

Pinilit kong tumayo at ginapangan ako ng takot ng mahirapan akong gawin iyon,sobrang nanghihina na ang katawan ko at natatakot ako na mawala na ang epekto ng gamot na ibinigay sa akin ni Reni.

Nanghihina akong napatayo sa tulong ng puno,ang katawan ko ay nanginginig ng dahil sa lamig,sa tulong ng mga punong kinakapitan ko ay nagpatuloy akos a paglalakad,sinubukan kong sumigaw ulit pero isang mahina at nahihirapang boses lang ang aking narinig.

Ilang beses akong nadapa,ilang beses na nagkasugat,ilang beses na natumba, ilang beses na sumuka.

Pero heto parin ako nagpapatuloy,hanggang sa ang mismong katawan ko na ang sumuko.

Napahawak ako sa baging at ibinuka ko ito,nanghihina akong napasubsob sa lupa na parang isang patay na tao.

Mabibigat ang aking paghinga, pinipilit kong wag mawalan ng malay lalo na ng makita ko ang isang anino ng babae na nakatayo sa dulo ng bangin habang nakatalikod sa hangin.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon