Chapter 30

926 74 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Tahimik.Yan ang atmospera ngayon,araw ng sabado at nandito ang lahat ng miyembro ng Five Hearts.

Wala ni isang nagsasalita sa hapag habang kumakain,tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig.

Naninibago ako ngayon dahil ang kahapong puno ng tawanan at kwentuhan ay binabalot na ng katahimikan.

Hindi na ako nakatiis at padarag kong binitawan ang aking kubyertos kung kaya't nakuha ko ang kanilang atensyon.

Bumuntong hininga ako bago sila ngitian,hindi sila makatingin sa akin at nanatiling nakayuko at hindi umiimik.

"Haiisst!Bakit ang tahimik niyo?Hindi ko pa naman lamay ah!"biro ko sa kanila at tumawa, napahinto din ako ng nanatili silang walang imik,napatayo nalang bigla si Luna at padabog na binagsak ang kutsara,pinunasan niya ng naka kuyom na kamao ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

"I'm done."she said and with that ay umalis na siya sa hapag kainan at lumabas ng dorm.

Mas lalong naging tahimik at naging mabigat ang atmospera.Sumunod namang tumayo ang nanginginig na si Nikee habang nakayuko.

"S-susundan ko lang si L-luna."nabasag ang boses niya at pumiyok,hindi ko na siya nakausap pa ng bigla siyang tumakbo paalis.Nag patuloy ako sa pagkain ng maging si Reni ay tumayo at sumunod kay Nikee.

Nilingon ko si Gelly na mahigpit na nakakuyom ang kamao habang hawak ang kutsara at tinidor.

Wala siyang imik at hindi ko rin magawang mabasa ang kanyang ekspresyon dahil nanatili siyang nakayuko.

Nginitian ko siya ng mapakla kahit hindi niya ako nakikita.

"Aalis ka din ba?Wag kang mag alala hindi ako galit-"

"Shut up!"

Natigilan ako dahil sa pag sigaw niya,mabibigat ang kanyang pag hinga ng tiningala ako.Kumirot ang puso ko ng makita kong nanunubig ang kanyang mga mata at patuloy sa pag agos,wala siyang pake kahit na tumutulo ito sa kanyang platong may laman ng pagkaing hindi naman halos nagalaw.

"Shut up Xyra!Hindi ka mamamatay!Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"paulit ulit siyang umiling,nawala ang ngiti ko na kanina ko pa suot-suot.

Nasasaktan akong makita ang mga kaibigan ko na ganito,nagsisisihan,malamig,at higit sa lahat nasasaktan sila ng dahil sakin.

Bago palang kami ni Gelly na naging mag kaibigan pero hindi hadlang iyon para makabuo kami ng matibay na samahan.

Iilang araw niya palang ako nakilala pero grabe na siya makapag bigay ng emosyon sakin.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon