Chapter 38

860 56 2
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA/AMBER


Nang matapos ang klase, walang pasabi akong lumabas ng classroom,diretso na sana ako ng dorm pero agad ding napahinto sa kalagitnaan ng hallway.


Inaninag ko ng mabuti ang dalawang tao sa isang sulok,napaatras nalang ako at napakuyom ng kamao ng makita ko nanaman si Raven kasama ang iilan niyang kaibigan.

Mabilis akong umalis sa pwesto ko at agad na nagtago ng makita kong aalis na sila doon.


Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila pero kapansin pansin ang pananahimik ni Raven.


Mas lalo akong napatago sa sulok ng lumingon siya sa deriksyon ko,naramdaman niya bang may nakatitig sa kanila?Nilagay lang ni Raven ang magkabilaan niyang kamay sa kanyang bulsa at umalis na ng tawagin siya ni Eliseo.


Hindi ko alam kung bakit,dapat ay aalis na ako,dapat ay nag sho-shower na ako,dapat ay nasa dorm na ako pero bakit nandito ako ngayon at nagtatago habang sinusundan siya?


Bakit ko ba siya sinusundan?Tapos masasaktan ko nanaman ang sarili ko kapag nakita ko siyang may iba?Martyr narin ba ako?


Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kanina pa,agad ko itong pinunasan at nakipag siksikan sa mga taong nandito sa loob ng bar.


Ang lakas nilang magsaya gayong nagpapatayan naman ang mga nasa labas sa hindi ko alam na dahilan.


Sobrang ingay ng paligid dahil sa mga sigawan at malakas na tugtugin,napaubo ako ng may malanghap akong usok ng sigarilyo,bigla ko nalang naalala ang senaryo kung saan binugahan ako ni Raven ng usok sa mukha.


Napapilig nalang ako ng ulo,naramdaman kong may humawak ng bewang ko at matalim kong tinignan ang lalake,hindi ito nagpatinag at lumapit pa sakin ng nakangisi.


"Get off."madiin kong sabi habang pasulyap sulyap kay Raven na papalayo na.


Hindi sumunod ang lalake at nainis ako sa malagkit niyang tingin na akala mo ay hinuhubadan na ang pagkatao ko.


"Wag ka ng pakipot,miss."nalanghap ko ang amoy ng alak sa kanyang bibig at alam kong lasing na siya.


Mawawala na sa paningin ko si Raven na unti unting nilalamon ng maraming tao.


Dahil sa pagka irita ay hinawakan ko ang kamay ng lalakeng naka hawak sa bewang ko at marahas na pinilipit ito dahilan para mapasigaw siya sa sakit.


Kahit na napaka ingay dinig ko padin ang pag galutok ng kanyang mga buto at ako naman ngayon ang napangisi.


"You—!"bago pa siya matapos at bago pa ako maka agaw ng eksena,sinipa ko siya sa anes niya at agad na nakipag siksikan sa mga tao.


Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon