Epilogue (Part 1)

942 49 10
                                    

BLOODY UNIVERSITY
EPILOGUE
PART ONE

LUNA

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng makalaya kaming mga estudyante sa Bloody University.At marami ng nagbago simula ng mangyari yun.

Magang maga padin ang mga mata ko hanggang ngayon ng malaman kong nabawasan kami.

Si Xyra...wala nadin siya..

Hindi na kinaya pa ng katawan niya ang lahat ng mga pangyayari at nung natagpuan sila ng mga rescue team sa dagat ay si Raven lang ang nakaligtas.

Umaga at gabi,wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at umiyak,namamayat nadin ako dahil sa kawalang gana sa pagkain.

Pinarada ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada, pinagmasdan ko muna ang highway dahil limang taon ko itong hindi nakita, napakaraming nagbago at mas nadagdagan ang mga polusyon.

May mga bago nading kagamitan at balita ko ay may bago at sikat daw na laro.Hindi ko sigurado ang pangalan,Clash of Kingdoms ata pero wala akong pake.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa isang flower shop.

Bumili ako ng mga puting rosas at agad ding bumalik sa sasakyan.

Nag drive ako patungo sa isang lugar kung saan naghihintay na sakin ang mga kaibigan ko.

Ng makarating ay agad kong nayakap ang aking katawan ng dahil sa lamig,ang buhok ko ay mas lalong gumulo ng dahil sa hangin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at may mga nakakasalubong akong pamilya,mga mag anak,at mag kakaibigan na may kanya kanya ding bibisitahin sa espesyal na araw na ito.

Inayos ko muna ang aking beanie na suot bago magpatuloy sa paglalakad.

Ng mahanap ko ang pinaglalagyan nila ah napatigil ako ng makita ko ang isang pamilyar na postura ng babae,nakatalikod ito sa akin at ang maikli niyang buhok ay bahagya ng humaba.

Gelly.

Sa mga nakalipas na araw ay ngayon nalang ulit kaming nagkita dalawa,pumayat din siya katulad ko.

Lumapit ako sa kanya at mukhang naramdaman niya ang aking presensiya.Ng lingunin niya ako ay bahagya pa siyang nagulat pero kalaunan ay agad akong nilapitan at niyakap,niyakap ko din siya ng mahigpit.

Ng mabasa ang balikat ko ay alam kong umiiyak nanaman siya,pati ako ay naiiyak nadin dahil hindi sapat ang ilang araw upang matanggap namin ang lahat ng nangyari.

"Long time no see,Luna.Ang tagal nating hindi nagkita.Merry Christmas."

"Merry Christmas din sayo Gelly."pagbati ko,sabay kaming umupo dalawa sa bermuda grass at inilagay namin sa dalawang puntod ang mga nabili naming bulaklak at inalis ang mga natuyo na.

"Nasaan si Xyra?Bakit hindi mo siya kasama?"natigilan ako sa tanong niya at napahinto sa ere ang kamay ko, naramdaman kong nilingon niya ako at kinabahan din siya sa aking ikinilos.

Bumuntong hininga ako upang kumuha ng lakas ng loob dahil karapatan niya din naman itong malaman.

"W-wala na siya Gelly...Hindi nakayanan ng katawan niya lahat ng pangyayari at natagpuan sila ng rescue team sa dagat habang magkayakap ni Raven."pagkasabi ko nun ay napahinto siya at prinoseso muna ang mga sinabi ko na para bang hindi niya iyon inaasahan at hindi makapaniwala.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon