Chapter 18

1K 61 12
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga padin sa kama habang tumutulo ang naglalakihang patak ng pawis sa noo ko.

Tinignan ko si Luna sa tabi ko na mahimbing na natutulog habang ang binti niya ay nakadantay sakin.

Bumangon ako sa kama at dahan-dahang umalis,iniiwasan na magising ko si Luna.

Nagising nanaman ako dahil sa bangungot o kaya naman alaala nung bata pa ako.Nagpapakita nanaman ang mga iyon at napaparanoid nanaman ako.

Uminom ako ng malamig na tubig at ang liwanag na pumapasok sa silid na ito ay mula sa sinag ng buwan sa aming bintana.

Naibaba ko agad ang baso at napahawak ako sa sink habang nakapikit ng mariin.

Ito nanaman,aatake nanaman ang sakit ko,natatakot na ako sa sarili ko.

Sobrang sakit ng ulo ko,gusto ko itong iuntog ng paulit ulit sa pag asang baka maibsan ang sakit.

Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng pintuan na inuuntog ng paulit ulit ang aking ulo.

Napadilat ako ng mga mata ko ng makita kong inaawat ako ni Luna,nakatayo ako dito sa harap ng pintuan habang siya ay nakahawak sa aking ulo,teka bakit ako nandito?anong ginagawa ko?

"Takte!Anong nangyayari sayo pre?Bakit mo inuuntog yung sarili mo sa pintuan?"inis na sabi ni Luna pero may pag aalala na naka guhit sa kanyang mukha.

"A-ano bang nangyari?"tanong ko dahil naguguluhan din ako,gulo gulo ang buhok ni Luna at nakasuot din ng ternong pajama na kulay dilaw,nakabukas na ang ilaw kaya naman maliwanag na ang paligid.

"Nagising ako kanina dahil ang ingay kasi may naririnig akong mga kalabog at nakita ko na wala ka sa tabi ko kaya naman pinuntahan ko kung saan nanggagaling yung tunog and boom!Nakita kita na inuuntog mo ang ulo mo ng paulit ulit sa pintuan habang nakapikit.Ano bang nangyayari sayo?Nag sleep walk ka men!"mabilis niyang dada at pilit akong iniupo sa sofa.

"Sleep walking?"tanong ko.

"Oo nag sleep walking ka,aba hindi ko nga alam na totoo pala ang ganon."naiiling niyang sabi at inabutan ako ng tubig na agad ko namang tinanggap.

Kinurot ko ang sarili ko at nakaramdam ako ng sakit physically kaya alam kong hindi ito panaginip.

"Wag mo na akong pansinin,matulog nalang ulit tayo."sambit ko at sumang ayon naman siya.

"Mabuti pa nga,baka pagod ka talaga sa training natin."sambit niya at pinatay niya na ang ilaw tsaka kami dumiretso sa kama at muling natulog.

***

Nandito kami sa classroom ni Nikee at nag dadaldalan nagulat ako ngayon dahil nakita ko mismo sa dalawa kong mga mata na hindi morena ang kulay ng balat niya kundi kasing puti ko lang din.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon