Chapter 23

891 60 11
                                    

NIKEE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NIKEE


Sumuko ako kaagad dahil ang sakit manuntok ni Luna,bumaba na ako ng ring at nag aalala kong tinignan si Xyra.

Seryoso siya ngayon hindi katulad noon na palaging nakangiti at masiyahin.Ngayon ko palang nakita ang itsura niyang maging seryoso.

Umupo na ako sa gilid at uminom ng tubig habang ang atensyon ko ay nakay Xyra padin na ngayon ay papaakyat na ng ring.Naka suot na siya ng head gear at gloves.

Makakaya kaya ni Xyra si Luna?I don't know.

Aasahan ko na susuko agad si Xyra katulad ko,I don't know what to expect okay?Hindi ko minamaliit si Xyra,it's just that....lagi siyang nahuhuli.

Habang pinagmamasdan siya ay halos mabulunan ako sa tubig na aking iniinom ng makita ko kung paano gawin ni Xyra ang tamang stance ng boxing,what the...

Sino ang nagturo sa kanya non?Paano niya natutunan yun?Eh ako nga hindi yun makuha kuha eh.

Tinignan ko si Luna na hindi rin inaasahan ang postura na ginawa ni Xyra.Seryoso si Xyra habang mariin na nakatingin kay Luna na para bang hindi sila magkakilala.

Nakita kong napangisi si Luna at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non,para bang natuwa siya sa ikinilos ni Xyra at nag aabang kung ano ang mangyayari sa pagitan nila.

"In 3....2......1.....Fight!"sigaw ko.

Parehas silang nag tya-tyansahan hanggang sa napalunok nalang ako ng sumugod si Luna.Sinuntok niya si Xyra sa mukha pero sa pamamagitan ng paglihis ng ulo ni Xyra ay naiwasan niya ito at agad na sinikmuraan si Luna.

Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa pagkabigla,hindi ko inaasahan 'to.At once again,hindi ko minamaliit si Xyra,okay?!

Sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala sa inaasta niya ngayon.

Ngapaulan ng suntok si Luna at napanganga nalang ako ng mabilis na umiiwas si Xyra,ngunit hindi ito nagtagal dahil nadali din siya sa mukha.

Mabilis na gumanti si Xyra ng suntok pero na block ito ni Luna ang kaso ay hindi naiwasan ni Luna ang isa pang malakas na suntok sa kanyang mukha.

Napaatras si Luna marahil sa lakas ng suntok ni Xyra,pati siya ay gulat nading nakatingin kay Xyra.

Napasinghap ako dahil kahit na nakasuot ng gear si Luna ay nagawa padin ni Xyra na paduguin ang ilong nito.

Nakita ko na napakagat labi si Xyra at rumehistro sa mukha niya ang pag aalala para kay Luna,she let her guard down,kinuha ni Luna ang pagkakataon kung kaya't natamaan ng suntok ni Luna si Xyra.

Hanggang sa mag gantihan na silang dalawa at magpalitan ng malalakas na suntok.

Paanong ganito kumilos si Xyra?Hindi nga siya nag stretching man lang!

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon