Chapter 56

661 49 2
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

"Akala mo ba,hahayaan kitang makatakas?Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo yun magawa."nakangisi niyang sabi,nagwala ako at pilit na inaalis ang paa kio sa kanyang pagkakahawak pero wala akong magawa dahil nakatali ang magkabilaan kong kamay at paa,marami nading nababawas na dugo sa akin at ang dami ko nading sugat sa katawan na natamo ko kanina lang.

Unti unti naring nauubos ang epekto ng gamot na bigay sa akin ni Nikee.

Napatili ako at tuluyan na akong napalayo sa kinaroroonan ng gunting ng bigla akong hinila ni Damon,nakaladkad ang walang kalaban laban kong katawan sa sahig na gawa sa marmol na ngayon ay nababahidan na ng dugo.

Napangiwi din ako dahil sa sakit ng tumama ang ulo ko sa paa ng lamesa,nalaglagan din ako ng iilang mga gamit.

Patuloy akong kinakaladkad ni Damon na ngayon ay nakatayo na,wala siyang pakealam kung bakit sobrang ingay na ang nasa labas at sunod sunod ang pagsabog at putukan ng baril,wala nga din ata siyang pake sa mga kasamahan niya kahit na nagsisigawan ito sa takot.

Ano na bang nangyayari sa labas?Bakit nagkakagulo?

Bigla kong naalala ang pinag usapan namin ni Shin kanina na tawagin niya si Raven kapag hindi ako nakalabas ng building sa loob ng isang oras.

Napangiti ako dahil kung hindi sila dumating ay sigurong natuluyan na ako.Handa naman akong mamatay anomang oras pero wag naman sana sa kalunos lunos na kalagayan.I want my death to be peaceful as possible.

Binuhat ako ni Damon at inilapag sa dentist bed, pero bago pa man niya magawa ang tutukan ako ng kutsilyo ay malakas kong iniuntog ang ulo sa kanya ng malapit ang katawan namin sa isa't isa.He did a wrong move,so I too.Dahil ngayon ay doble ang sakit na naramdaman ko,umiikot na din ang paligid at hilong hilo ako sa nangyari.

Sumigaw si Damon ng dahil sa sakit at ng hawakan niya ang kanyang noo at tignan ito ay halata sa mukha niya ang disgusto.Nanlisik ang mga mata niya sakin.

Matutumba sana ako sa dentist bed dahil sa pagkahilo pero nagulat ako ng bigla nalang akong malaglag ulit sa sakit, hinding hindi na kaya ng katawan ko ang gumalaw o manlaban kaya napapikit nalang ako dahil sa panghihina pero ang huli kong nakita ay si Damon na galit na galit na naglalakad papunta sa akin habang may hawak na chainsaw.

Hayup na yan,hindi ko ma imagine na mamamatay ako ng putol putol ang katawan.

Nandilim ang paningin ko at hindi na malinaw ang naririnig ko sa paligid because my senses are slowly shutting down.

Pero ang lahat ng iyon ay agad na naglaho at napamulat ako ng mga mata ng biglang may tumapik sa aking pisngi,naramdaman ko din na may kumakalag ng lubid na nakatali sa magkabilaan kong kamay.

Hindi ako sigurado kung tama pa ba ang nakikita ko dahil nanlalabo ang aking paningin pero ng magtagal ito ay doon lang ako nakapag adjust.

Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon dahil kitang kita ko si Reni na seryoso ang mukha habang kinakalagan ako ng lubid.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon