Chapter 60

827 41 11
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Gising na ang diwa ko pero ng dahil sa panghihina ng katawan ay hindi ko man lang magawang imulat ang mga mata.

Pero pinilit ko ang sarili ko dahil baka pagmulat ko ay nasa loob lang ako ng dorm na natutulog at lahat ng mga nangyari ay isa lang na masamang panaginip.

Pero hanggang kailan ko nga ba balak lokohin ang sarili ko?

Naiiyak nanaman ako ng dahil sa nangyari kanina,hindi ko lubusang matanggap iyon,nabawasan nanaman kami ng isa.

"Gising ka na pala,akala ko ay balak mo pang matulog hanggang sa sumabog ang paaralang ito."

Napalingon ako sa nagsalita at gulat ako ng makita ko si Bubbles.

"B-bakit ka pa nandito?"taka kong tanong at binigyan niya naman ako ng tubig,ininom ko ito dahil namamalat na ang lalamunan ko dahil sa kasisigaw at pagka uhaw.

"Mali,dapat ang tanong mo ay kung bakit buhay padin pala ako."natatawa niyang sabi pero hindi ako tumawa.

"Kung hindi pa kita pinigilan kanina,pati ikaw ay patay na."sambit niya pero binigyan ko siya ng tingin na para bang wala akong pakealam.

Dapat ay hinayaan niya nalang akong sumama kay Nikee,bakit ba nangingialam siya?

"Dapat ay hinayaan mo nalang akong mamatay—"

"Wag kang mag alala mamamatay ka narin naman,hintay lang."tukoy niya sa kalagayan ko,nanginginig ang katawan ko,ang balat ko ay sobrang putla,marami nading dugo na nawala.

Oo nga,mamaya maya lang siguro ay susunod na ako.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Nikee kanina na pinapunta niya si Raven sa bangin,gusto kong bumangon pero hindi ko magawa.Nilingon ko si Bubbles.

"Akala ko ba ay member ka nila Weina."

Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Nah.Inabandona din nila ako,mga wala silang kwenta."

Kaya pala hindi ko siya nakikita na kasama nila Weina.

"Bakit hindi ka pa umaalis?Gayong alam mo naman na may mga bombang nagkalat dito at hindi natin alam kung saan nakatago."sambit ko dahil parang kanina pa siya kalmado.

"Ayokong umalis.Wala naman na akong babalikan,at kung gugustuhin kong mamatay,ito ang lugar na pipiliin ko."

"Walang babalikan?How about your parents?"

"Gusto mong balikan ko ang mga magulang kong drug addict?"sarkastiko niyang sabi at natahimik nalang ako.

"Bubbles..."tawag kong muli.

"Hmm?"

"C-can you carry me?Papunta sa bangin, ulit?"

Natahimik siya at pinagmasdan muna ako bago marahang tumango.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon