Chapter 46

804 50 5
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Naglalakad kaming lima sa hallway at kagaya ng dati ay pupunta kami sa rooftop upang doon kumain bitbit ang mga pagkain na kinuha sa cafeteria.

"Yuck!Luna umayos ka nga,sala-ola neto."nakangiwing sabi ni Nikee kay Luna pero inirapan lang siya nito.

"Ang arte niyo,ututan ko kayo diyan you want?"sambit niya kaya patawa tawa kaming nagsilayuan sa kanya.

May kabag kasi siya at kanina pa utot ng utot,kanina pa namin siya inaasar.

"Utot palang ni Luna pamatay na."biro ko at nagtawanan kaming lahat.

Pumunta na kami sa rooftop at kanya kanyang pwesto na kami,tumulong ako sa pag aayos ng pagkain at inilihis naman ni Gelly ang mahaba kong buhok upang hindi sumayad sa pagkain,balak niya pa ata akong ipitan.

"Ow.em.gee."Napatingin ako kay Gelly dahil ang OA ng pagkakasabi niya,napatingin narin ang lahat sa kanya at tinignan kung ano ba ang pinagmamasdan at tinutukoy ni Gelly.

Kumunot ang noo ko dahil lahat sila ay nagkatinginan at ang OA ng mga reaksyon na para bang may ginawa akong labag sa batas.

"Oh anong problema niyo?Hoy Luna!Ang OA neto,may patakip takip ka pa ng bibig."irap ko sa kanila,nagtaka ako ng nakatitig parin sila sa aking lahat at may ekspresyon na nakaguhit sa kanilang mga mukha na hindi ko mabasa basa.

Nagtaka ako ng mas inilihis pa ni Gelly ang mahaba kong buhok.

"Oh my gosh talaga like omg.Ano yan?!"sigaw ni Nikee at lumapit sakin at tinignan ang leeg ko.

Hindi ko makita kung ano ang pinagmamasdan nila.

"May chikinini ang lola niyo!"sigaw pa nitong si Reni,prinoseso ko muna sa utak ko ang sinabi ni Reni at ng mapagtanto kung ano ito ay agad na nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napahawak sa leeg.

Binigyan naman ako ni Gelly ng salamin at napanganga ako ng tignan ko ang leeg ko na maraming hickey.

"Ano yung chikinini?"hindi gets na tanong ni Gelly,binatukan nga ni Luna.

"Bobitang 'to,hickey malamang!"at ng ma gets ng bobitang Gelly kung ano ang ibig sabihin nun,dahan dahan siyang napatango.

Hinarangan ko ng buhok ang aking leeg dahil pinagkakaguluhan nila iyon,siguro ay mukhang kamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang pula,bigla akong nahiya dahil nakita nila,lokong Raven yun,lagot talaga siya sakin mamaya.

"Saan nanggaling yan?"tanong ni Reni.

"Kanino kamo nanggaling yan."pagtatama naman ni Nikee.

Hindi ko sila pinansin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero mukhang may ideya na si Luna kung kanino kaya siya na ang sumagot pero pabulong lang dahil baka may ibang tao dito sa rooftop.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon