Chapter 42

835 59 0
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Matapos kong sabihin iyon kay Luna ay agad siyang nawalan ng malay.Lihim akong nangitngit sa galit at inis ng makita ko ang mga walang malay na katawan ng mga kaibigan ko na nakaratay sa sahig.

Masyadong maruming maglaro sila Weina.Napakarumi.

Napatingin ako kay Reni at napatiim bagang,matalim kong tinignan sila Weina na halata ang gulat sa mukha.

Tila hindi sila makapaniwala na nandito ako sa kanilang harapan,sobrang dumi nilang maglaro at akalain mo ba namang may inutusan pa na ipadakip ako upang hindi makadalo sa labang ito.

Pasimple kong tinignan si Raven na nakatitig sakin,napangisi ako dahil kayang kaya niyang balewalain ang rules para sakin.

Hindi na dapat ako pwedeng makapasok dahil bawal ng buksan ang daanan,pero dahil si Raven at ang kapatid ko ang namamahala,ano pa nga ba ang magagawa nila?

"P-paanong?"hindi makapaniwala si Weina at umiling iling pa,ng makita niyang totoo ako na nandito sa loob ng ring,biglang sumibol nag pagkagalit na kanyang nararamdaman.Wala kang karapatang sabayan ang galit ko Weina.Sisisguraduhin kong masisira ko yang pagmumukha mo habang narito ka sa loob ng ring na ito.

"Bakit ka nandito?!Pinapatay na kita!"galit niyang sabi, napasinghap sila Annika at Daisy dahil sa ginawa at binalak ng kanilang leader.

Kung naririnig lang kami ng mga tao sa labas, sigurado akong mag iiba ang isip nila pagdating kay Weina,sigurado akong iisipin nilang duwag siya na totoo naman.

May kung ano sa tingin ni Annika pero wala akong pake kung kaibigan ang turing niya sakin, nagpupuyos ako sa galit ngayon at wala narin akong pakealam kung pati siya ay madamay.

"Yeah.Ganun ka ba kaduwag pagdating sakin at nagawa mo pa akong maipapatay? Unfortunately ang inutusan mo ang malamig nang bangkay ngayon."nakangisi kong sabi.

Hindi pa siya nakakahuma pero wala na akong balak patagalin ang laban na ito....dahil mamaya baka hindi ko na kayanin.

Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Weina at bago pa tumama ang kamao jo sa kanyang mukha ay may sumalag nito para sa kanya.

Sinamaan ko ng tingin ang babae na sa tingin ko ay nag ngangalang Keith dahil sa tatak sa kanyang damit.

Sinuntok ko siya ng malakas sa mukha,natumba siya sa sahig dahil sa lakas ng impact.

Yumuko ako ng paulanan ako ng suntok ni Weina,habang nakayuko ay kinuha ko ang baseball bat sa sahig at buong lakas na hinampas ang kanyang tuhod tipong may posibilidad na malumpo siya.

Napasigaw siya ng malakas dahil sa sakit at napaluhod,tama yan.Bow down on me bish.

"Annika!Tulungan mo ako dito!Wag ka ngang tumunganga!"inis na utos ni Weina,nilingon ko si Annika na kanina ay nakatulala.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon