Chapter 41

806 65 2
                                    

XYRA/AMBER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

XYRA/AMBER

Napahinto kami sa umalingawngaw na tinig na nagmumula sa mikropono.

Pare-pareho kaming nagkatinginang apat at kalaunan ay napalingon kay Luna na walang emosyon at nanatiling kalmado,pero alam kong naiinis nadin siya kay Amber dahil sa pag iwan samin sa ere.

Hindi man namin sabihin,alam naman namin na si Luna ang dapat na mamuno pagdating sa mga ganitong oras na wala si Xy—Amber.

Kahit ngayon talaga ay hindi parin ako nasasanay na tawagin siyang Amber,pero si Luna ay sanay na sanay na dahil ito naman talaga ang tawag niya sa kanyang pinsan.

"We have no other choice then.We'll fight."mariin na sambit ni Luna.

Wala na kaming nagawa pa ng magsimula na si Luna na maglakad papunta sa ring,sumunod kami sa kanya.

Lahat ng nadadaanan namin ay napapa atras dahil sa pangunguna ni Luna,lahat sila ay alam kung paano siya makipag laban at kung gaano siya ka delikado.

Masama kong tinignan ang grupo nila Weina na nakangisi sa amin maliban kay Annika na nag aalangan at hindi man lang kami matignan.

"Xyra is pissing me off.Paano niya nagawang iwan tayo sa ere? After all we've done ganun ganun nalang?"singhal ni Reni dahil sa pagkainis.

Gusto ko ring mainis kay Xyra pero hindi ko magawa dahil alam ko naman sa sarili ko na may kasalanan din ako.

Nabigla lang ako ng mga oras nayon,hindi ko sinasadyang magsalita ng masama laban sa kanya,and I'm guilty about it,feeling ko ang sama sama ko ng kaibigan.

Kahit na mabigat ang pakiramdam pinili ko nalang na lumingon sa itaas at nakita ko ang nag aalalang titig sakin ni Henry.Nginitian ko lang siya upang mapanatag ang kanyang kalooban kahit papaano.

Nakarating kami dito sa gilid ng ring kung saan naroon ang pasukan patungo sa loob,alam kong nasa kabilang pasukan naman ang Black Diamonds at naghahanda narin.

Bagay na bagay ang pangalan nilang 'Black' Diamond,kasing itim ng budhi nila.

May sumalubong sa amin na isang lalake,sa tingin ko ay siya si
Cristoff, the president of student council.Nagtataka niya kaming tinignan at para bang may hinahanap.

"Bakit apat lang kayo? Who's the leader?"tanong niya,si Luna na ang nag abalang magsalita dahil nanatili kaming tahimik.

"She didn't came,kaming apat nalang ang lalaban at ako muna ang magsisilbing leader."pagkasabi ni Luna nayon,may mala demonyong tuwa at ngisi ang puminta sa itsura ni Cristoff pero mabilis ding nawala at napatango siya at tumikhim.

"It's not that easy Luna,hindi ikaw ang tunay na leader at ibig sabihin nun na kapag nakapasok na kayo sa loob ng ring,kahit anong gawin niyong pindot sa red button,hindi na kayo makakaalis pa,only the true leader can press the button."ako lang ba ang nakakapansin na para bang natutuwa ang tinig niya habang sinasabi ang mga salitang iyon?

Bloody University Where stories live. Discover now