Chapter 49

654 40 0
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Napatunganga ako dahil sa sinabi ni Kuya Kaz at nanlalaki ang mga mata na tinignan siya pero agad siyang umiling.

Kahit na sabihin pa nating maalam ako pagdating sa academics at nag eexcel dito,sa aming tatlong magkakapatid ay si Kuya Kaz ang pinaka maalam at madiskarte.

"Pero hindi ako naniniwala doon."sambit niya at isinara ang kanyang libro bago humilig sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa coffee table.

"Bakit naman?"taka kong tanong.

"Hindi totoo na sa tuwing gabi ay lumalabas ang daan patungo sa labas,lahat yon ay gawa gawaan lang ni Clara Odette para mapalabas ang ilan at mapilitan silang patayin ang isa't isa dahil sa kumpetensiya, natutuwa siya kapag may nangyayaring ganon,natutuwa siya kapag nakikitang naglalaban ang ang estudyante at natutuwa siya dahil kayang kaya niyang kontrolin ang kahit na sino."mahabang litanya ni Kuya Kaz.

Napakuyom ang kamao ko na pilit na hinahanap ang mukha ni Madam Clara upang paulanan ito ng suntok hanggang sa hindi na siya makilala pa at tuluyan ng mabura ang mukha sa bansang Pilipinas.

"She's a psychopath."galit kong sabi at halos mapanganga nanaman ako ng tumango at sumang ayon si Kuya Kaz.

"Exactly.May problema sa pag iisip si Clara Odette, she's a psychopath,gumagawa siya ng paraan para maipon tayong lahat dito sa loob, nagsimula siyang mabaliw ng mga 20 years old siya ng mabalitaan sa kanyang mga magulang na ang hinahangad niyang paaralan ay hindi sa kanya ibibigay at ipapamana ito sa kanyang nakakabatang kapatid,nagalit ito at nabulag ng inggit.Siguro ay noon pa may problema sa pag iisip si Clara Odette pero na triggered lang ito ng siya ay mag twenty years old at mabalitaan nga ang tungkol sa mana na hindi niya makukuha."

"Nabaliw siya at nawala sa sarili lalo na ng mabalitaan niyang nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan para sa kanyang nakakabatang kapatid.Hanggang sa isang araw ay napansin ng mga magulang ni Clara na iba na itong kumilos, palaging galit,mailap,kung minsan ay maaabutan nilang nakatitig sa kanila ng masama at minsan naman ay nakatulala pero hindi nila alam na sa pag iisip nito ay pinapatay na ni Clara ang kanyang mga magulang at lalo na ang kanyang kapatid."

"Sumapit ang isang gabi na nabalitaan na natagpuan ng isang kasambahay ang naaagnas na bangkay ng magulang ni Clara,nakatali ito sa upuan sa basement at nangangamoy na,habang ang nakakabatang kapatid naman ni Clara ay nawawala kasama na siya.Kinuha ni Clara ang lahat ng yaman ng kanyang mga magulang at nagtayo siya ng paaralan sa gitna ng kagubatan,at gumagawa siya ng paraan para mag ipon ng estudyante dito para sa sariling kapakanan at kaligayahan."

Natulala ako sa sinabi ni Kuya Kaz at nagsitayuan ang balahibo sa aking katawan dahil sa kawalangyaan na ginawa ni Clara Odette na pag patay sa kanyang sariling mga magulang.

"Paano mo naman nalaman yan?"naguguluhan kong tanong at nagkibit balikat naman siya.

"Someone told me."

"Eh nasaan ang kapatid ni Clara Odette?Pinatay niya rin ba?"tanong ko at hindi ako makapaniwala sa sunod na sinabi ni Kuya Kaz.

"She's here,and she's the one who told me about the story."

***

Kanina pa ako tulala dito habang nakaharap sa nakabukas na bintana,ang manipis at kulay puti nitong kurtina ay malayang sumasayaw sa ugoy ng hangin kasama ang ilang hibla ng aking buhok.

The sunset reflected on my face.

Nakaka relax ito kahit papaano dahil sa dala nitong init.

Tinanong ko kanina kay Kuya Kaz kung sino ang kapatid ni Clara Odette na tinutukoy niya pero hindi niya daw ito pwedeng sabihin sa akin dahil nangako daw siya dito na hindi ipagsasabi kahit kanino.

Hanggang ngayon ay mabigat parin ang aking pakiramdam dahil sa nalamang kwento at nangako ako na hindi ito ipagsasabi kahit na kanino.

Bigla ko ulit naalala kung paano nabaliw si Madam Clara ng dahil sa kasakiman at inggit na nararamdaman.

May narinig akong kaluskos at tinignan ko ito kung sino,nakita ko si Raven sa kabilang bintana na nakasilip din pero imbes na sa papalubog na araw nakatingin ay sakin.

Ngumiti siya at hindi ko narin napigilan na ngumiti din dahil nakakahawa ito.

"Wala na ba nag mga kapatid mo?Are you alone?"tanong niya at natawa ako pero kalaunan ay tumango din,umatras ako at nakita ko siya kung paano umakyat ng puno at tawidin ang aking bintana,ng makapasok sa loob ay napatili ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at itapon ang katawan namin sa malambot na kama.

Magkayakap kaming dalawa habang nakangiti na nakatitig sa isa't isa.

"I miss you."sambit niya at mas napangiti ako lalo,pinisil ko ang kanyang pisngi bago sumagot.

"I miss you too."sagot ko,napapikit ako ng halikan niya ako sa noo,pagkatapos nun ay sa labi at mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin na para bang anumang oras ay mawawala na ako...

Nanatili kaming ganon at hindi ko man aminin,alam kong sinusulit ko ang bawat pagkakataon na nasa malapit ko siya habang yakap yakap ako,at sinusulit ko din ang pagkakataong naglalapat ang aming mga labi at nagpapalitan ng halik,sinusulit ko na nandito ako sa kanyang tabi at nandito siya sa aking tabi.

Dahil baka magising nalang akong isang araw na...

Na wala na ako.

"Raven?"nahihirapan kong tanong at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.Bumibigat ang aking pag hinga at minsan naman ay agad din itong kumakalma.

"Hmm?Are you okay?Nag iiba ang paghinga mo."sambit niya at bibitaw sana siya ng yakap pero mas lalo ko itong hinigpitan na para bang ayaw kong mahiwalay sa kanya at pilit na hinihiling na sana ay huminto ang oras,na sana ay ganito nalang palagi.

Siguro ay kinakarma na ako ngayon dahil sa mga kasalanan na nagawa ko noon pat narin hanggang ngayon,siguro ay sinisingil na nila ako sa mga masasamang ginawa ko.

"Raven?"Once again,I called his name.

"Hmm?"

"I'm sleepy."he let a soft chuckle because of what I said.

"Then sleep."sambit niya at ipinikit ko ang aking mga mata dahil hinihila na ako ng pagka antok.Humikab ako bago magsalita.

"Then,will you be there when I woke up?"

"Yeah...always."


Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon